Chapter 40: Turning Points

1.6K 64 21
                                    

Chapter 40: Turning Points

Chapter Song: Tonight I'm Getting Over You by Carly Rae Jepsen.

SNSD's Side

Choi Sooyoung's Point of View

Nandito kami ngayon sa may living room. Iniwan kami ng Exo. Hindi ko alam kung saan sila nagsuot.

"Para tayong hostages!" Reklamo ni Panyang. "Miski isang damit ay wala tayo." Well, totoo naman yung sinabi niya.

Sakto naman at bumaba si Yoona na may dalang mga maleta. Aalis na ba agad kami? "Kanino yan?" Tanong ko naman.

Nagkibit balikat naman siya. "I saw it at our room." She said. Tinulungan naman namin siya.

Pagbukas namin ay nagulat kami. "Teka, damit ko ito ah!" Sabi ko naman sabay labas ng t-shirt ko. Stalker talaga ang Exo. Talagang nakuha pa nila yung damit namin.

"Pinaghandaan talaga nila ito." Naiiling na sabi ni Hyoyeon.

"Ano naman yang nasa isang maleta na yan?" Turo naman ni Sunny.

Namula naman kaming lahat. "Mapapatay ko yung Exo na yan! Nakita kaya nila yung undies natin?" Jessica said.

"Eonni, may swimsuit din po dito." Sabay wagayway ni Seohyun sa harap namin. Napafacepalm nalang kami dahil sa kahihiyan.

"Isuot nalang natin para hindi masayang." Gusto ko yung suggestion ni Krystal.

---

Nakapagdecide kami nag sulitin na yung stay namin dito. "Let's go!" Sabi ni Taeyeon. Nakasuot kami ng pullover. Nakapaloob na yung swimsuit na suot namin. Si Yoona nga eh natorture muna bago nagsuot nito kaya busangot mukha niyan.

Mukhang maganda ang panahon dahil hindi masyadong mainit. At marami ding tao sa beach na malapit sa bahay.

"Hinay hinay lang girls." Parang kilala ko yung boses na yon.

"Ano ka ba hyung! Nakakahiya."

"Easy ka lang Tao."

"Parang kilala ko sila." Sabi ni Sulli. Kinuha ko naman yung telescope na dala ni Hyoyeon. Magsisight seeing daw siya ng papables mamaya.

"Tingnan mo nga naman. Ang saya nila habang pinagkakaguluhan ng mga babae." Mabilis pa sa alas kwarto na nakuha sa kamay ko yung binoculars.

"Wow ha. Parang kinikiliti pa yang si Sehun." Napalingon naman kami kay Seohyun. "Ah practice lang po ng monologue eonni."

Nagtawanan naman kaming lahat. "Anong plano?" Yuri asked.

"Let's sleep." Yoona suggested. Isa pa tong magaling magsuggest.

"Lapitan natin sila." Sabi naman ni Sunny. "Tapos babatukan ko si--"

Nagcross arms naman si Sulli. "Sino naman ang babatukan mo eonni? Mahal mo o mahal ka?"

Namula naman agad si Sunkyu. "W-wala." Tsk. In denial pa kasi. Pakasal nalang sila ng matapos na agad.

By batch yung ginawa namin since magkakahiwalay yung Exo. I spotted Tao together with Xiumin and Chen. Nakita ko yung hawak nilang placards na nakapagpainit ng ulo namin.

"Free hugs?" Ulit na basa ni Jessica. "Tsk. Kaya pala nagkakagulo yung mga babae dito!"

Ang init ng ulo ni Jessica, pansin niyo? "Alam mo ba na crush ko si Kris?" Pang-aasar ko sa kanya. Huminto naman siya sa paglalakad. "Alam mo ba na may abs siya? Ang sarap hawakan."

"What?" She yelled. Siniko naman ako Sulli. Kinindatan ko naman siya kaya nagets na niya.

"Crush ko din si Kris. Ang gwapo kasi." Biro naman niya. Halos mabura na yung mukha ni Jessica sa inis sa amin kaya nagwalk out ang baliw. Naghigh five naman kami nila Sunny at Sulli.

WASMTB || ExoShidaeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon