"Sa dinami-dami ng tao sa mundo bakit ako pa ang binigyan ng ganitong klasing sakit sana iba nalang"
Ang mga katagang iyan ang kadalasang naririnig natin sa mga teleserye o kahit sa totoong buhay sa mga taong binigyan ng malubhang sakit pero para sa akin kabaliktaran ang aking sasabihin dahil kung ako lang...kung ako lang sana hihilingin ko pang ako nalang huwag na ang asawa ko ang lalaking mahal na mahal ko na higit pa sa aking sarili.
Ako si Mrs. Ana Liza James na mas kakayanin ko pang akuin nalang ang kanyang sakit para hindi na siya mahirapan ng sobra dahil hindi ko siya kayang nakikitang nahihirapan.
Wala pang isang taon ang aming kasal at ito na kaagad ang pagsubok sa aming buhay akala namin okay na ang lahat at maging masaya na kami dahil kasal na kami kaya sa mga napapanood kung drama kung saan pagkatapos ng kasal ay happy na pero hindi eh...napaka unfair ng mundo ang asawa ko pa ang biniyan ng ganoong klasing sakit na kahit ako ay walang magawa.
Kahit nasa tabi lang ako wala akong magawa para tulungan siya. Nasa tabi lang ako at pinapanood ko lang siyang nahihirapan ng husto at pilit na lumalaban para sa mga taong mahal niya na matitira kapag nawala siya.
Sa tuwing nakikita ko ang ganoong tagpo sa kanyang buhay ay parang dinudurog ang puso ko at humahagulgul nalang ako sa isang tabi at pilit na nilalakasan ang loob ko para sa kanya.
Sa kabila ng pait na nararanasan ay pilit parin tayong lumalaban kahit alam na natin ang kahahantungan ng lahat na kahit na anong laban natin ay mawawala parin siya sa atin na iiwan niya parin tayo.
Pero kahit na ganun...ang iniisip ko nalang ay kung paano namin masusulit at maging makabuluhan ang mga natitirang oras niya na magkakasama pa kami bago siya mawala...bago siya mawala sa piling ko..sa akin ng habang buhay.
Ganoon naman talaga ang mudo lahat ay hindi permanente ang akala natin na masaya na ay magiging malaking kalungkutan pala sa huli.
Naglalakad ako sa hallway ng hospital papunta sa kwarto ng aking asawa habang dala ang isang basket ng prutas halos isang buwan na kami dito sa hospital simula ng malaman namin na may sakit ito at pinag-aaralan pa ng mga doctor kung ano ang kanilang pwedeng gawin pasamantala bago mahuli ang lahat at bago ang nakatakdang araw na dalhin ito sa US para doon operahan at ipagamot pero walang pa rin kasiguraduhan ang lahat kung mabubuhay pa ba ito dahil maliit lang ang chance na makasurvive ito pagkatapos ng operasyon.
Nang malapit na ako sa aking paruruonan ay may nakita akong mga nurse at doctor na nagkakagulo papasok sa kwarto ng aking asawa.
Nabitawan ko ang dala ko at tumakbo ako papasok sa kwarto ng pigilan ako ng isang nurse kasunod nito ang paglabas ng ina ng aking asawa galing sa loob na siyang nagbabantay kanina bago ako umalis para bumili ng prutas para sa aking asawa. Kaagad niya akong niyakap para pigilan ako sa pagpupumilit na pagpasok sa loob habang ito ay umiiyak ng tahimik.
"Anong nangyari Ma.?!. anong nangyayari sa asawa ko?!!!...ano ba papasukin niyo ako!!!.." Hindi ko mapigilang sigaw dahil sa pagkataranta.
"Sorry po maam bawal po sa loob dito po muna kayo sa labas"sabi ng nurse bago isara ang pinto.
Naiwan akong nakatayo sa labas habang umiiyak at hindi alam ang gagawin habang pinapanood ang pagri-revive nila sa asawa ko.
Paulit-ulit akong nagdadasal sa panginoon at nagsusumamo na sana huwang siyang kunin sa akin dahil hindi ko kaya at hindi ko alam ang aking gagawan kapag nawala siya. Hanggang sa makita kung tumigil ang doctor sa kanilang gingawa at tiningnan nito ang relo na nasa pulsohan at saka may sinabi sa mga nurse na kaagad naman na may nilista.
Natuptop ko ang aking bibig at nanigas ang aking mga paa sa aking kinatatayuan at hindi makagalaw kahit na isang hakbang dahil hindi ako makapaniwala sa aking nasaksihan. Nang magbukas ang pinto ay kaagad akong hinarap ng doctor.
BINABASA MO ANG
Cry For You (Completed)
Short StoryIt is hard to endure the unbearable pain when you lost someone that you love the most and you need to keep moving on, not for yourself but for those who needs you.