Naaalala mo pa ba ako?
Halos mahigit limang taon na din alalang-alala pa rin kita. Ikaw na kasi ang naging adviser ko mula first year hanggang third year high school ako, sayang nga lang dahil hindi na ako kabilang na estudyante mo noong huling taon ko na. Kahit ganoon ang nangyari hindi ka pa rin napapalitan ng puso ko, ikaw at ikaw pa rin ang pinakapaborito kong guro.
Noong first year ako, isa akong batang wala pa rin kamuwang-muwang sa mundo kahit na nasa edad na ako ng pagiging dalagita. Nang nakilala kita at dumating ka sa buhay ko natuto akong pahalagahan ang sarili ko at nasa paligid ko. Mas nakapag-aral ako ng maayos dahil sa magaling kang magturo.
Naalala mo ba noong nag-over all champion tayo sa intramurals, winner sa cheerdance at winner sa sports. Sobrang saya natin. Ang galing mo Ma'am hindi namin mararanasan ang tagumpay kong wala ang paalala mo at pagdidisiplina sa amin.
Naalala ko rin noong sinusundo mo ako sa bahay para makitulog sainyo. Excited ako na nahihiya noon, hindi pa naman ako sanay na nakikitulog sa iba pero naging komportable ako dahil naramdaman ko ang pagiging isang ina mo.
Ma'am dahil sainyo na-realize ko ang kagustuhan ko sa pagsusulat. Sa tuwing Filipino time, nandiyan si Ibong Adarna, Florante at Laura, Noli Me Tangere at El Filibusterismo. Gustong-gusto ko ang panghuling pinapagawa mo sa amin, ang pagbubuod. Nagbubuod ako na hindi ko namamalayan naka-dalawang pages na ako sa notebook ko. Buod pa ba iyon? Doon ko nahasa ang pagsusulat ko at malalim na pagtatagalog. Salamat sainyo Ma'am, matagal man po tayong hindi na nagkita, nanatili kang nakatatak sa isip at puso ko. Naging ina kita kahit hindi tayo magkadugo. Salamat sa pagmamahal, unawa, disiplina at mga payo.
Happy Teacher's Day.
Pagpalain po kayo ng Diyos at ng inyong pamilya.Ang iyong tahimik na estudyante, Regina.
BINABASA MO ANG
Para Saiyo Aking Guro
RandomPara sa tinuturing kong pangalawang ina, Ma'am Marynor.