Chapter 5-Thank You
Abegail's POV
nagising ako na parang Ang sakit ng katawan ko.
Teka bat nandito ako sa kwarto? Bat nakatulog ba ako?
Biglang parang sumakit Ang ulo ko.. ano bang nangyari? Bat andito ako at nakatulog?
Narinig ko na bumukas Ang pinto ng kwarto ko at nakita ko na pumasok dun Yung si Acer kasama si papa.
"Dad-" di ko pa natatapos Ang sasabihin ko ng biglang pinutol ni Acer.
"May pumasok na mga lalaki dito sa kwarto mo at pinatulog ka.. Kaya medyo masakit Ang ulo mo dahil dun sa pampatulog"
Napasimangot naman ako. Hindi dahil sa mga sinabi niya kundi sa reaksyon niya pati ba naman sa pageexplain wa reaction padin? Hmp..
Pero Teka.. pakialam ko Nga ba? Diba? Bayaan na Nga Lang.
"Bakit ikaw ba Ang tinatanong ko?" Pagsusungit ko nalang sakanya.
Di ko din mapigilan eh. Bigla nalang lumabas sa bibig ko.
"Kahit naman Ang daddy mo Ang tanungin mo di niya din naman alam Ang sagot" Sabi naman niya na syempre Ang with his favorite reaction. The emotionless reaction. Hmp.
"Ede sana di ka nalang sumagot"
"Nagtatanong ka. Kabastusan naman kung di ako sasagot diba?" Balik naman niya sakin
Oo Nga noh? Pero.. Teka.. basta..
"Basta.. sana di ka naLang sumagot" inis ko naman na Sabi.
"Di ako tulad mo" Sabi naman niya.
Napatingin ako sakanya ng masama. Sinasabi niya ba na bastos ako? Abat..
Magsasalita pa sana ako pero bigla naman sumingit si daddy.
"Tama na Yan magsisimula nanaman kayo eh.. hay Naku talaga kayong dalawa Lagi nalang.. wala atang araw na Hindi kayo magbabangayan..by the way.. Abby pahinga ka nalang muna diyan dahil gaya Nga ng Sabi ni Zeke ay sasakit o sumasakit na Yung ulo mo dahil sa ginamit na pampatulog sayo. And mamaya o bukas maguusap tayo may mga paguusapan tayo" mahabang salaysayin ni daddy.
Napairap nalang ako dahil sa dami ng sinasabi niya. Kahit kailan talaga Si daddy eh.
Umalis si daddy at naiwan si Acer sa loob ng kwarto ko.
"Hindi ka pa ba aalis?" Tanong ko sakanya sabay irap.
May balak atang matulog dito sa kwarto ko eh.
Info Nga pala Gabi na. Napahaba siguro Ang tulog ko dahil sa langyang gamot na yun.
"Kailangan kitang bantayan Baka mamaya maulit Yung nangyari kanina" sagot naman niya.
"So concerned ka na niyan?" Sabi ko sabay irap ulit
(A/N: Baka mahulog mata mo kakairap)
Wala ka ng paki ms. Author.
"Oo.."
Napatigil ako sa sinabi niya.
So concer--
"Sa trabaho ko"
Napasimangot naman ako sa sunod niyang sinabi.
BINABASA MO ANG
A SECRET AGENT
AcciónAbegail Michelle Martinez -anak mayaman, 20 years old, matalino at Maganda. Graduate siya ng business administration. Happy go lucky siya pero pagdating sa ibang tao masungit at pasaway. Actually pasaway talaga siya. Lalo na sa daddy niya. Mawa...