Calvin's POV
Hi. I am Calvin Go, studying at Auburn University. You all know that I am Jazrille's ex. I'm a jerk I know. I didn't mean to hurt Jaz. Pero dumating kasi yun first love ko, si Aria. Hindi ko alam yun gagawin ko nun nakita ko siya sa labas ng school.
Actually, bago ko pa siya makita sa labas ng school, may nagsabi na sakin na nandito na sya sa Pilipinas. Nawala sa isip ko si Jaz. Oo, pang tangang dahilan pero biglang naging si Aria yung laman ng utak ko nun. Ang naisip ko lang, siya yun first love ko. Bumalik lahat ng feelings ko sa kanya. Pero noong nalaman ni Jaz na kami na ni Aria, parang may kumirot sa puso ko. Nung nakita ko syang umiiyak sa harap ko.
Gusto ko siyang yakapin at punasan iyong luha niya pero hindi ko magawa. Hindi ko alam kung minahal ko nga ba sya, dahil gulung gulo na din ako sa sarili ko noon. Pero ngayon, alam ko na ang sagot.
Jazrille's POV
Nandito ako sa bus since sinama nila ako. Wala naman akong choice. Kaysa naman ipahamak ko yung sarili ko pag bumaba ako dito, mas mabuti lang sumama nalang. Paano nga ba nila ako napasama?
What the?! Im really busted! Habang nagkukumpulan sila sa pwesto ko, dumating yung coach nila. May kasamang dalawa pang varsity player.
"Boys! Ano yan! Umayos na kayo aalis na tayo." Umayos naman sila. Hindi parin ako umaalis sa puwesto ko. Nakaupo parin ako sa sahig sa likod ng upuan. Ugh, ang hirap ng situation ko. Paandar na yun bus. Palabas na ng gate.
"Coach, may babae nga pala dun sa likod nakaupo sa sahig." What?! Sinabi pa talaga nila sa coach nila ha! Nakakainis!
"Bakit may babae dito?" Gulat na tanong ng Coach nila. Bakit naman nga kasi may babae dito!
"Coach, sagot ko siya." Tss. Extra na naman 'tong Ivan na to. I just mentally rolled my eyes dahil wala naman na akong magagawa.
"Sige na, wala na tayong oras para pagtalunan ito. Pauupin niyo yun babae dito, wag siya sa likod." Walang nagawa ang lahat kundi ang umalis para pumunta sa venue ng laro.
"Hindi pala kami nagkamali, ikaw yun babaeng napunta dito." I know this voice. Pagtingin ko..
"Jethro? Ryan?" Sila nga! Yun dalawa ko pang pinsan na nasa Paris. Anong ginagawa nila dito? Akala ko ba, nasa Paris parin sila? Pagtayo ko, napansin kong lahat sila nakatingin sakin. Hindi na ba ko makakaiwas sa tingin na yan!
"Ang ganda pala talaga niya." Sabi ng isang nakaupo sa harap. Talagang pinahaba nya pa ang leeg nya para lang matingnan ako. Hay, boys will always be boys.
"Sana ako na lang yun natapunan nun juice." Sabi naman noong katabi nya. Don't worry, Kuya. Kapag marami akong time, bubuhusan din kita. Annoying guys!
"Shut up. Manahimik kayong lahat!" Galit at mariin na sabi ni Ivan kaya wala namang nagawa ang mga nakatingin sa akin na alisin ang mga mata nila at mag focus sa daan.
"Uy Rain, maupo ka na dun. Wag ka daw dito sabi ni Coach." Narinig kong sabi ni Jethro. Hindi parin masagot ang tanong ko kung bakit nandito na sila!
"Ugh, buti na lang nandito kayo. Badtrip kasi." Tangina kasi talaga. Makita ko lang talaga yung nagpasimuno ng paghabol sakin, di na sisikatan ng araw yun!
"Ano bang nangyari sayo? Bakit ka napunta dito?" Ako dapat ang magtanong sa inyo nyan, Ryan! Kating kati na akong magtanong sa inyo pero hindi ko kayang magsalita dahil inis na inis ako!
Ivan's POV
I am Ivan Gabriel Ramirez, a basketball player. At kasalukuyan akong nababadtrip ngayon dahil natapunan ako nung masungit na babaeng yun ng juice. Juice na ako ang may dala. Umiinom kasi ako eh. Buti na lang may dala akong damit kundi patay talaga sakin yung sungit na yun. Pero siyempre, hindi ko naman papalampasin yun pagtapon niya sakin nun juice na hawak ko.
BINABASA MO ANG
My Contract Basketball Player Boyfriend (Arcadia Series #1)
Ficção AdolescenteIvan Ramirez, a basketball player, is living the life while he is making his way up through his college basketball career. Until a brokenhearted girl landed on his way who was trying to forget her past love. Start: Dec. 4, 2013 End: September 6, 2014