1 ♡

25 1 0
                                    

Ako si Chinchin Leigh. May matagal na kong crush sa school namin, actually classmate ko lang siya. Simula pa nung grade 2 ako, crush ko na siya at hanggang ngayon crush ko pa rin siya. Ewan ko ba, pero sa tuwing makikita ko siya, ang lakas lakas ng tibok ng puso ko. Yung tipong konti nalang eh lalabas na sa dibdib ko..

Hayyy.. Hanggang ngayon umaasa pa rin ako na mapapansin niya ako.. Yung kahit smile niya lang sakin, okay na ako dun.. Kontento na ako dun..

-FLASHBACK-

Natatandaan ko pa nga nung 3rd year kami. Acquaintance namin nun, akala ko talaga isasayaw niya ako kasi papunta siya sa kina-uupuan ko, yun pala bestfriend ko yung isasayaw niya.. Ang saklap no? <////3 

Nung natapos na silang sumayaw, pumunta ako sa audio room, nagrequest ako na kakanta ako. Sa kanta ko nalang idadaan lahat ngmga gusto kong sabihin sa kanya.

*dugdug. dugdug*

Ang lakas ng kabog ng dibdib ko..

Kinakabahan ako..

Nagsimula na akong magsalita...

"I dedicate this song to the person that i love.. Since we became classmates at 2nd grade, i started having a little crush on him, until it grew into love when we turned 7th grade (!st yr). And until now, I still love him. But the coolest thing is he don't know that i really really love him. If you're listening right now, this song is for you.."

Nagsimula na yung intro nung song ko..

Ayan na kakanta na ako..

♫♪ Bakit kaya nangangamba sa tuwing ika'y nakikita sana naman mag pakilala..

      Ilang ulit na nakabangga aklat kong dala'y pinulot mo pa di ka parin nagpakilala ♫♪

Habang kumakanta ako, hinahanap naman ng mga mata ko siya..

♫♪ Bawat araw sinusundan di ka naman tumitingin anong aking dapat gawin ♫♪

At ayun nakita ko siya.. Nakaupo sa isang tabi kasama ang bestfriend ko <///3 ..

♫♪ Kailan.. Kailan mo ba mapapansin ang aking lihim kahit anong aking gawin di mo pinapansin ♫♪

Bigla siyang tumingin , iniiwas ko naman ang mga mata ko..

♫♪ Kailan.. Kailan hahaplusin ang pusong bitin na bitin  kahit anong aking gawin di mo pinapansin ♫♪

Hanggang sa natapos yung kanta. Nang muli kong tingnan kung saan siya nakaupo, wala na siya.

-END OF FLASHBACK-

Unspoken LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon