HRHG 44: The Infamous soup

69.3K 1.7K 148
                                    

All rights reserved ©2016 by LoveMishap

⚜⚜⚜

Maxwell's POV

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Maxwell's POV

Iisa lang ang itsura ng mga reaksyon ng mga kaibigan ko. Pagpasok ng mga ito, excited sila ng sabihin kong nagluto si Rissy para sa kanila ng bulalo. Paborito kasi iyon ng mga kaibigan ko. Si Luciano, mabilis namang lumabas may tatawagan daw, siguro alam na niyang hindi marunong magluto ang kapatid nito.

"Sigurado kang masarap na?" nag-aalangang tanong ng aking asawa. Pawisan na nga ito, nakamaiksing bestida lang ito ng puti at kahit pawisan ito, ang bango-bango parin nito. Pinunasan ko ang pawis nitong namumuo na naman sa kanyang cute na ilong saka siya hinalikan.

"Oo sabi eh. Ang laki na talaga ng ipinagbago ng pagluluto mo. Nahasa kana talaga misis," nakangiting papuri ko kahit na ayaw pumasok sa aking lalamunan ang lasa ng bulalo nito. Siyempre, hindi pwedeng ako lang ang makatikim ng ampalaya special ng aking asawa. 

Sobrang effort ito at talaga namang nag-eenjoy itong magluto. Pati ako nag-enjoy na nanonood sa kanya at paminsan-minsan ninanakawan ng halik. At siyempre, kailangan magdusa rin ako, kaya ako ang taga lasa, kaya todo ngiti kahit na pigil na pigil akong ngumiwi. Wala na ngang nguya, lunok na agad. 

"Nagustuhan niyo ba?" excited na tanong ng asawa ko ang kamay nito magkadaop at may pag-alala sa mga mata nito habang nakatingin sa mga kaibigan kong pigil na pigil ang pagngiwi dahil nakamasid ako sa kanila at binigyan sila ng mga warning na tingin. At syempre, ayaw din nilang masaktan ang asawa ko.

"O-oo," parang natataeng sabi ni Wesley saka lumunok, kita ko ang pagtago nito sa kanyang ngiwi.

Si Laurent, pulang-pula ang mukha at parang nag-iisip kung sasabihin bang ayaw nito oh hinde. Nang tumingin sa akin, binigyan ko siya ng babalang tingin at pilit naman itong ngumiti kay Rissy sabay tango, kahit punung-puno pa ang bunganga nito at ayaw yatang lunukin. 

Si Vincent naman, pilit na pilit din ang ngiti, at parang maiiyak narin ito.

"I'm glad. Marami pa dun kung gusto niyo pa!" pumalakpak pa ang aking asawa. 

"I'M GOOD/BUSOG NA AKO/I'M FINE!" magkakasabay na sabi ng mga kaibigan ko ngunit nakatalikod na ang asawa ko. Excited masyado.

Isa-isang dumilim ang anyo ng mga kaibigan ko at ang ibang tumakbo sa malapit na washroom. Si Kristoff, parang papatayin ako sa titig nito.

"At talagang inencourage mo pa!" naiinis nitong sabi. Tinitimpi ko naman ang tawa ko. Pumasok ulit si Luciano. Mukhang nagtago lang ito.

Wala na rin ang mga black eye nito at mga bruises tulad ng nakuha ko dahil sa impulsive naming desisyon. 

"Anjan kana pala. Sandali tawagin ko ang asawa ko at bigyan ka ng isang—" 

"Hindi marunong magluto ang kapatid ko, Maxwell!" mabilis nitong pagpuputol sa sasabihin ko. Biglang humagalpak ng tawa si Luciano ng makita ang tatlo kong kaibigan na bumalik. Sapo-sapo ang tiyan nito.

Billionaire's Game (Black Omega Psi Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon