DANIELLE AYESSALumipas ang 3 linggo pero hindi parin ako pinapansin ni Rowan. Maraming nagbago simula nung nalaman ko ang totoo, at minsan naisip ko nanaman na umalis nalang ulit dahil nasasaktan lang ako sa pinapakita 'nya sakin. Nasanay narin akong papasok at uuwi nang nakasakay sa taxi at bus
Iisa lang naman ang alam kong dahilan kung bakit galit 'sya sakin. Ang pakikipagkaibigan ko kay Eron.
Nakakalungkot lang dahil kahit alam kong hindi ko 'sya kapatid mas lalong nawalan ng pag'asa na maging kami. Sobrang nasasaktan narin ako sa pinapakita 'nyang pangbabalewa sakin sa tuwing susubukin kong kausapin 'sya.
Nasa kwarto pa ako at nakahiga, mamaya pa kasi ang klase ko. Malamang Si kuya Rowan ay kanina pa naka'alis.
"Namimiss ko na talaga 'sya. Pero sobrang sakit na, suko na ako."
Bulong ko sa sarili ko bago ako tumayo at lumabas patungo sa kitchen. Medyo masama kasi pakiramdam ko kaya kumuha ako ng gamot.Habang Nag'aabang ako ng taxi biglang dumating Si Eron.
"Yessa, sakay na! Ihahatid kita sa St. Claire."
"Hindi na Eron, salamat nalang. Baka malaman ni kuya. Hindi pa kami okay."
"Sumakay ka na, nasa office na Si Rowan hindi naman 'nya alam."
Napaisip ako sa sinabi 'nya. Simula kasi nung bumalik ako sa bahay hindi na ako nagpapahatid kay Eron. Lalo kasing magagalit Si Rowan. Pero dahil medyo masama ang pakiramdam ko sumakay na ako sa kotse 'nya.
"Sige na nga. Pero ngayon lang 'to ha."
ERON RUIZ
Tahimik Si Yessa na nakaupo sa tabi ko habang nagda'drive ako papuntang St. Claire.
"Okay ka lang ba Yessa?!"
"Oo naman, wag mo akong intindihin Eron."
"Sigurado ka? Namumutla ka kasi e." Nag'aalalang sagot ko sakanya.
"Ah, wala 'to. Puyat lang ako kaya ako ganto."
"Hindi ka pa ba kinakausap ni Rowan?!"
"Hindi padin. Tuwing kakausapin ko 'sya umaalis 'sya."
"Kaya mo pa ba Yessa?!"
"Sobrang sakit na nga Eron. Wala nga sigurong chance para sa amin. Kakalimutan ko nalang siguro 'sya."
"Sigurado ka ba? Baka mas masaktan ka lang."
"Oo, mas masakit kung magpapatuloy na ganito."
"Ikaw ang bahala Yessa, nandito lang ako at si Shane."
"Salamat Eron. Kung alam lang ni Rowan kung gaano ka kabait sakin."
"Di ko rin kasi 'sya masisisi, playboy kasi talaga ako dati at alam 'nya yun. Saka magkaibigan talaga kami nagbago lang yun nung nalaman 'nyang gusto kitang ligawan."
"Hayaan mo na Eron. Ganto siguro talaga. Wala na akong magagawa."
Hindi na ako nagsalita hanggang sa makarating kami sa St. Claire. Saka bumaba ng kotse Si Yessa.
"Salamat ulit Eron.."
"Basta ikaw Yessa.. Kung may problema tawagan mo lang ako ha.."
"Sige. Pasok na ako. Ingat!"
Hinintay ko hanggang sa makapasok Si Yessa bago ako umalis. Habang tinitignan ko 'sya nararamdaman ko kung paano 'sya nasasaktan.
BINABASA MO ANG
Kuya And I (On-going)
RomanceSabi nila first love never dies..... Paano kung ang first love mo ay yung inakala mong kuya mo?! Na simula pagkabata alam mong magkapatid kayo at alam mong hindi pwedeng maging kayo. Dahil magkapatid kayo.