"Uy sorry di ako nakapunta.."
"Pwedeng mamaya na?"
"Ahm.... may pupuntahan pa kasi ako e."
"Ay sorry may biglaang practise e! Pwede bang bukas na?"
"Sorry di ako makakasama kailangan ko pang tapusin to e"
"Ay sorry di ako agad nakapag txt. Nakatulog ako agad e sa sobrang pagod"Ayan ang lagi mong txt sakin. Halos nga ayan nalang lagi ang nagiging topic natin e. Pero nakaka-puno rin pala ng inbox at ng sarili. Natatawa nalang ako sa tuwing binaback read ko yung conversation natin. Wala pala tayong sweet conversation no? Wala ka kasing time sa mga ganung bagay e. Buti nalang nagising ako at narealize kong Bakit ba alarm clock ang gumigising sakin tuwing umaga at hindi ang mga txt mo? Ay oo nga pala! wala kang time sa mga ganyang bagay!
Puro nalang ba mamaya nalang? Puro nalang ba wait lang? Puro nalang ba sorry dahil di ako nakapag-txt o dahil bukas nalang kasi pagod ako?
Putcha naman oh! Kailan ka ba mag-kakaroon ng oras sakin? Kailan mo ba ako mabibigyan ng atensyon mo? Oo! Tinitiis kita, pinag-bibigyan,at INIINTINDI KITA! Pero pakshet lang e. Sagad na sagad na ko! Sagad na sagad na! Alam ko namang para sa pangarap mo yan! Pero sana sumagi man lang sa isip mong isali ako sa mga pangarap mo. Kasi nag-mumuka na akong tanga dito at sawang-sawa narin ako kakabasa ng mga TXT mo na sorry pagod ako, pwede bang bukas nalang at kaka-mamaya mo! Ano ba ako sayo? Kasi sa nakikita ko at nararamdaman ko hindi na ako mahalaga sayo e.
Gusto ko lang naman bigyan mo ko ng atensyon mo. Gusto ko lang naman bigyan mo ko ng oras mo kahit katiting lang oh. Gusto ko lang naman makaranas ng may girlfriend at Gusto ko lang naman na ipaalam sayo na may nagnga-ngalang Miguel na nag-mamahal sayo at nagpapa-alalang BOYFRIEND mo ......
Kasi ang sakit na eh....Di ko na alam kung kakayanin ko pa e. Ayoko na kasing iparamdam mo saking pangalawa lang ako sa buhay mo. Parang gusto ko nang sumuko at bitawan ka nalang at hayaang tuparin mo ang pangarap mong wala ako sa tabi mo.
Ayoko na ang sakit-sakit na e .....Pinangako ko sa sarili ko eto na ang huli kong pag-iyak sayo at huling pagte-txt sayo. Sana maging masaya ka.
Salamat sa panandaliang pagmamahal mo sakin.
Sana mabasa mo itong huling txt ko sayo.......
End.......
Authors note:
YEY! Salamat sa pag-babasa mo! Eto ang first ever story na sinulat kooooo! MARAMING SALAMAT TALAGAAAA! Eto talaga ang pinaka gusto ko sa lahat e. Maranasang makapag author's note bwahahahahahaha charot!
Sana nagustuhan nyooooo! At sana may mga storya pa akong masusulat! MARAMING SALAMAT ULIT!
Ar. Ey