"Lalabas ka ng nakaganyan talaga?"
Nakatitig lang ako sa kanya na hindi pa din makapaniwala. Habang siya ay pinasadahan ng tingin ang sarili na parang hinahanap kung ano ang mali sa suot niya.
Hindi pa pa obvious?!
Kasi naman, nakahoodie na siyang itim tapos may mask pa siya? Para tuloy siyang magnanakaw! Take note, past 8pm na! Mapagkakamalan talaga to na snatcher sa suot niya eh! Baka mapahamak pa kami!
Pero imbes na palitan ang damit o magreak man lang ay ngumisi lamang ito at nagtaas ng balikat. Pagtapos ay marahan na kinurot ang pisngi ko. Na parang he finds me amusing.. Ako pa talaga?!
"Tara na!" Inakbayan niya ako bigla at nagsimula ng maglakad palabas ng bahay. Dahil nga nakaakbay siya sa akin ay wala na akong nagawa kundi ang sumama sa kanya.
Lord, wag naman sana kaming mapahamak!
---------------------
Mama, gusto ko pang mabuhay!
Kung pwede lang lumubog na sa lupa ay ginawa ko na! Kasi naman kinakabahan na talaga ako! Lahat kasi ng madaanan naming mga tao ay napapatingin sa amin--no, sak anya pala! Kanina nga noong nasa subway kami ay parang nilalayuan kami ng mga tao na para bang natatakot sa kanya. Pati nga doon sa kinainan namin ay nakakakuha pa rin siya ng atensyon! Akala yata masamang tao kami! Kainis!
Bakit naman kasi kailangan pang ganito ang suot niya eh?!
Ang nakakainis pa, kanina ko pa siya tinatanong kung bakit ganyan nga ang suot nya pero tinatawanan niya lang ako. Badtrip!
"We're here.."
Napaangat ang tingin ko sa tinukoy niya. Nasa tapat kami ng isang mall ngayon--isang malaking mall.
"Papasok tayo dito?" Nag-aalalang tanong ko.
Tumango lang ito at inakbayan na naman ako. Nawiwili to ha!
"Teka lang!" Pinigilan ko muna siya sa paglalakad kaya naman napatingin siya sa akin. "Akala ko ba bibili tayo ng groceries? Eh bakit tayo nandito?"
"Sa supermarket tayo bibili." Aniya
Wow! RK si kooooya!
"O-Okay.. Pero.."
Napataas ng bahagya ang kanyang kilay na para bang hinihintay ang susunod kong sasabihin.
"P-Papasok ka talaga na nakaganyan?" Tinuro ko pa siya.
Sandali siyang tumitig sa akin ngunit bigla na namang siyang tumawa. Hawak pa ang kanyang tyan na halatang tawang tawa.
"Bakit ka ba natawa? Anong nakakatawa?" Taas kilay kong tanong sa kanya.
Tumigil na siya sa pagtawa pero alam kong nakangiti pa din siya base sa itsura ng mga mata niya. Tss!
"Hindi ko na kasi mabilang kung ilang beses mo na akong tinanong tungkol sa suot ko. Your whole attention is in my get up." Natatawa niyang sabi habang tinuturo pa ang damit niya.
Napairap naman ako ng di sinasadya sa sinabi niya. Wala na akong pakielam kahit mapansin niya. Kaasar eh!
"At sa dami ng tanong ko, hindi mo naman sinagot! Kasi naman, pinagtitinginan ka ng mga tao. Akala yata nila ay kriminal ka. Ako ang natatakot para sa'yo eh!" Reklamo ko sa kanya.
Pero sa muling pagkakataon ay tinawanan na naman niya ako. Wow! Ang galing galing! Tinawanan lang ako!
Dahil sa inis ko, naglakad akong palayo sa kanya. Walk out ang PEG! Mas mabuti na to kaysa masapak ko pa sya! Kaloka! Wala pa kaming isang araw na magkakilala pero nabubwisit na ako sa kanya. Pasalamat siya't amo ko siya, kung hindi baka may pasa na ang maganda niyang mukha.