Pagod na ako

254 5 2
                                    

Sa lahat ng ginagawa kong pagsasakripisyo. Sa lahat ng oras. Lahat ng efforts. Lahat ng paghihirap ko para sayo. Bakit hindi mo ma appreciate? Bakit hindi mo makita?

Saan pa ba ako nagkulang? Saan pa ako may mali? Ano pa bang kailangan kong gawin para maayos na? Ano pa bang pagkukulang ko?

Kailangan ko pa bang isakripisyo buhay ko para malaman mo kung ga'no kita kamahal? Kailangan pa bang lumayo ako bago mo ma-appreciate ang ginagawa ko sayo? Kailangan ko bang itigil sa'yo ang mga bagay na lagi kong ginagawa para mapasaya ka?

Kung mawawala ba ako, sasaya ka na? Kung titigil ko na pagmamahal ko sayo, maayos na ba pagtingin mo sa'kin? Kung sa iba na ba atensyon ko, malalaman mo pa kaya halaga ko? Kung mamamatay ba ako, hahanapin mo ako?

Ginagawa ko naman lahat 'diba? Ginagawa ko lahat ng makakapagpasaya sayo. Sinusubukan ko lahat. Inaayos ko lahat ng problema natin. Kahit hindi ko alam pinag awayan natin, ako pa rin. Ako ang maglilinaw ng mga bagay para hindi lumala.

Pero anong natatanggap ko sa'yo? Wala 'diba? Kahit man lang sana isang maikling "I love you" wala eh. Sabihin niyo nga sakin kung mahal niya pa ako? Kung minahal niya ba talaga ako? Kung sa una pa lang ba ako lang ang nagmamahal? Ako na yung nasasaktan ako pa ang mali.

Kasi kahit ikaw ang lahat para sa'kin, kahit ikaw nagpapasaya sa'kin, kahit sayo tumakbo ang buong mundo ko, kahit ikaw naging dahilan para mabuhay, at kahit MAHAL KITA, NAPAPAGOD DIN AKO. 

Kung 'di pa rin ako sapat, SORRY pero ginawa ko na lahat. Sinubukan ko na lahat. Kinaya ko na lahat. Kung wala, PASENSIYA dahil 'di ko magawa yung gusto mo. 

Pero SALAMAT. SALAMAT sa lahat ng saya na dinulot mo. SALAMAT sa mga moment na pinakita mo. SALAMAT sa pagmamahal na ipinaramdam mo. 

May mga bagay talagang pinagtagpo, pero hindi itinadhana. Minahal kita pero SORRY napapagod na ako. Pagod na akong umintindi. Sana sa gagawin kong desisyon, ikaw naman ang makaintindi. 

MAHAL NA MAHAL KITA pero pinapakawalan na kita. 

~BEA 

Ayoko naWhere stories live. Discover now