Letter 1

13 1 0
                                    

"Congratulations Ms. Elizabeth Cruz, you have been accepted to Wilson Academy and have been offered a scholarship!"

Napasigaw at talon ako nang marinig na binabasa ni mama yung letter galing sa dream school ko.

Hinug ko si mama at kinuha yung letter tinitigan ko nang mabuti para siguradihin na di lang namalik mata si mama. Kinurot ko pa nga sarili ko eh. Di talaga ako makapaniwala, tapos naofferan pa ako ng scholarship!

Nakakamaze lang tapos nakakaproud sa sarili, kasi ang tagal ko nang gusto pumasok dito.

"Classes start at the 25th of June, we hope to see you there" tuloy pa ni mama.

"Congrats nak!" Sabay hug sakin ni mama.

"Dahil jan, magcecelebrate tayo!" sigaw ni mama, "Tawagin mo na mga kapatid mo, lalabas tayo para kumain!"

Tinawag ko na yung dalawa kong magagaling na kapatid, nagcongrats naman sila sakin kaya  pinagbigyan ko na.

Pumunta kaming Buffet 101 sa may MOA. Inenjoy namin ang buong hapon namin habang kumakain dun, gumala -gala din kami kung saan-saan.

Ay nakalimutan ko magpakilala sa inyo, ako nga pala si Scarlett Elizabeth Cruz, 17 years old, turning 18 on December 12. All my life I have been wanting to become a doctor, since kindergarten hanggang ngayon gustong gusto kong maging life saver. That’s why dream school ko ang Wilson Academy, It is one of the best medicine schools in the world. Doon gumraduate and iba’t-ibang klase ng magagaling na doctors sa buong mundo.

Marami na akong alam about sa medicine kaso gusto ko lang madevelop yung mga yun.

I have two siblings by the way, One kuya and one ate, ako ang bunso kaya overprotective sakin ang siblings ko.

Blue Adam Cruz, my eldest sibling, my most overprotective brother, pero the best siya.Habulin siya ng mga babae. Akala mo irresponsible siya, pero sobrang responsible niya when it comes to our family. Nagtatrabaho na siya, He’s running our music company now, magaling din siyang singer and song writer.

Red Stephanie, my second eldest sibling slash my partner in crime sa lahat. Sobrang taray at sibrang sungit niya when it comes to the boys, dahil sobrang ganda ng ate ko, ay wait, ew! bakit ko nga pala sinasabihang maganda yung ate ko. Pero parehas sila ng kuya ko, habulin. One year ang tanda sakin ng ate ko, pero instead na nag-aaral siya, artista na siya. Nag hohomeschooling siya pero minsan na lang kasi busy.

Oh diba, pare-parehas kami na color yung name, di ko alam kung anong trip ng parents namin kung bakit ginawa kami na mga kulay.

And one day I'm going to be as successful as them.

Mejo matanda na si mama kaya she runs our bakery na lang. Sobrang galing ni mama mag bake ng kahit ano.

Ok so tapos na ako magpakilala, ay wait di pa pala, yung tatay ko pa pala.

Di pa patay tatay ko, hindi pa naman niya kami iniiwan. He runs a different company in France, by the way may lahi kaming French.

Wala naman kaming galit kay daddy, pero minsan lang namin siya nakikita, minsan lang kaming nakapagsama-sama na buo. Di nga man lang siya umuuwi pag Christmas eh or sa birthday ko. Pero we understand him naman sometimes.

Okay, so enough with my life story, kailangan ko na ng beauty sleep CHAROT.

Dahil next next week na ang pasukan and Im soooooo excited.

………………

One week later…

  Next week na ang pasukan at di ko mapigilang di maexcite. Gusto ko na talagang maging doctor, and may 3-4 years pang susunod pagkagraduate ko ng college dito, pero dito din ako mag me-med school.

Pumunta akong ATC at dumiretso sa Fully booked, I spend here most of my days reading there and relaxing.

Pumunta ako sa top floor kasi mahilig din ako sa mga anime, eh puro manga yung nandun kaya dun ako madalas dumideretso.

Ang dami kong gusto bilhin dito, ang daming magagandang anime yung nandito, mga bagong volume, pero ang pinaka favorite kong anime ang tonari no kaibutsu-kun. Ang ganda kasi eh, nakakainggit yung love story, pero di naman sa nagmamadali ako, gusto ko lang once na maranasan yung mga love love na ganyan, never pa kasi ako nainlove.

Bago ako bumaba para maghanap ng magagandang books, may mga taong nagkukumpulan sa may sulok, di ko alam kung ano pero naintriga ako bigla, nang lumapit ako. May away pala, may dalawang lalaking nagsusuntukan, tapos may apat na lalaking umaawat sa kanila, di ko alam kung bakit pero wala akong pake.

People often tell me na parang daw akong yelo na walang feelings, pero ang sa totoo lang wala akong mga pake sa mga bagay bagay except lang sa goal ko. Maging isang napaka successful na doctor kaya todo sikap ako.

Bumaba naman ako ng third floor at pumunta sa teen fiction section, naghanap ako ng magagandang libro kaso wala akong makita.

Ay joke, meron pala! Yung Magnus Chase and The Hammer of Thor!!

At omg last book na ata yun, nagmadali akong kunin yun, mahahawakan na sana ng mga palad ko nang may kumuha ng iba.

Tinignan ko ang kumuha, isang lalaking matangkad.

"Hoy! Nauna ako jan!" Aagawin ko sana sa kanya yung libro kaso tinaas niya, porket ba matangkad siya gaganyanin niya ako?

"Kung nauna ka, edi dapat ikaw angay hawak nung libro, hindi ako"
Aba may patawa tawa pa siya habang timataas yung libro.

"Nauna kong nakita!"

"Eh bakit di mo kinuha agad?" Parang may pumitik sa sintido ko. Naiinis na ako.

"Porket ba matangkad ka gaganyanin mo ako?"

"May sinabi ba ako, iba naman yung tinatanong ko ehh" Nagsmirk siya.
Tuloy tuloy pa rin ako sa pagtalon para maabot yung libro. Kailangan ko tong librong toh. Ang tagal ko naghintay jan.

"Akin na kasi!" sigaw ko.

"Ayoko, kiss mo muna ako" nag evil grin siya tapos tinuro yung right cheek niya, aba ang kapal nito ah.

"Ayoko nga, close tayo? Magkakilala tayo? " Pagtataray ko sa kanya.

"Hindi, pero ayaw mo yun? Para maging close tayo?" Tinaasan ko siya ng kilay. Ang laki ng ngiti niya.

Halata sa itsura niya na player siya at rich kid at makulit. Jusko ayoko na nga.

Nilayasan ko na lang siya kasi nakakinis na ehh, ang kapal ng mukha niya.

Pumunta naman akong Powerbooks at hinanap naman yung librong yun at sinuwerte ako at nakahanap ako. Binili ko agad at umalis na ng ATC.

|•|•|•|•|•|•|•|
Hi omg boring yung start pero sa next chapter gagawa ako ng nakakilig 😂.

Don't forget to like, comment and share with your friends.

Thank you for reading😄.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 24, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Dear CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon