“Sino ka ba?”
“Hindi mo ba ako natatandaan? Ako yung lalaki na tinulungan mo at ginamot mo pa nga sa bahay nyo.”
“Wala akong matandaan at kung tinulungan man kita magpasalamat ka nalang at umalis.”
Tiningnan nya ako ng masama at umalis na sa aking harapan.
Daphne: Mukhang hindi maganda ang pakikitungo mo sa isang yun. Tinulungan mo ba talaga yun?
Caileigh: Ou, tinulungan ko yun pero ayoko lang alalahanin.
Dumating ang professor at nagturo ng mga bagay na alam ko na. Marami akong alam sa tinuturo niya pero bakit iba2x ang professor sa bawat subject?. Bakit hindi isang professor ang magturo ng lahat kasi paano ba matututunan ng mag-aaral ang lahat ng subject kung hindi naman kayang ituro ng iisang prof. Ang gulo naman ng mga tao.
Nagpasya kaming pumunta sa canteen nila kasi doon daw kami kakain pag nagutom. Hindi naman ako nagugutom pero kailangan kong ipakita sa kanila na kumakain ako. Si Daphne ang bumili ng mga pagkain at ako naman ay nakaupo lang sa isang table at mula sa kabilang table nariring ko yung lalaki na kumausap sakin kanina na kinakausap ng dalawang babae.
“Ayil!!! Saan mo ba nakuha ang pasa sa mukha?”
“Wala, may nakaaway lang ako.”
“Ayil kasi kung isa sa aming dalawa ang magiging girlfriend mo wala ka ng poproblemahin sa kapatid mo at sagot na namin ang allowance mo.”
“Pwede ba tigilan nyo ako sa ganyan. Kaya ko ang sarili ko at lubayan nyo nga ako.”
Napangiti ako sa sinabi niya sa dalawang babae. Biglang may lalaking lumapit sa akin.
“Hi Miss beautiful, new student ka diba? By the way kung may kailangan ka..hanapin mo lang ako. I’m Lance”
“Lance??? Yung lance-sangan? Ikaw ba yun?”
“Ang sakit nito magsalita..naku kung hindi ka lang babae.”
“Ano ang gagawin mo?”
Lumapit sa akin yung tinatawag ng mga babaeng Ayil at gumitna.
Ayil: Tigilan mo na siya Lance, wag ka ngang magpakabakla at makipag-away sa isang babae.
Lance: Ganun? Kung makaasta ang mahirap na to kala mo kung sino. Magsama kayo ng babaeng yan. Ito tandaan mo Ayil, hindi pa tayo tapos.
Tiningnan ko ng masama si Ayil at tiningnan rin niya ako with nakakunot na noo.
“Wala na akong utang sayo. Quits na tayo.”
Quits? Nanghihingi ba ako ng kapalit sa lahat ng ginawa niya kanina? Kaya ko naman ang sarili ko.
Daphne: Teka, Anong nangyari Caileigh?
Caileigh: Wala mga normal na ginagawa lang ng mga tao. Nag-aaway.
Daphne: Tumawag nga pala sa akin si Artemis..kailangan nya ako kasi maghuhunting daw kami nung nakawalang minotour(taong turo) dito sa mundo. Tapos meron din yatang mga nakawalang halimaw mula sa Tartarus(The lowest part of the Underworld kung saan nakakulang ang mga bigating Titans with their alalay.) Hindi muna kita masubaybayan. Siguro panahon na para makipagkaibigan ka sa isang mortal. Wag lang masyadong maging close. Mukhang may nakita na ako.
Kinagabihan nag commute kami ni Daphne. Tinitingna ko ang bawat sulok at ang bawat estraktura na tinayo nila. Ang liwanag, ang ganda tingnan..palibhasa wala kasing liwanag na bumabalot sa Underworld. Nung umuwi kami sa bahay kinausap ni Thanatos si Daphne tungkol sa isang urgent matter at pumayag naman ito.
BINABASA MO ANG
She's A Goddess-----On Hold
FanficThere are lots of things to consider before a goddess visits the world. She's not your typical goddess, she's a rebel, hard headed and a daughter of Hades. She knows witchcraft and many spells. She wants to try new things about the human world and c...