˘۶EPILOGUE٩๛

1.2K 51 32
                                    

::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::

"Once upon a time, I fell in love with a person who can't love me back. The end."
-------------------------------------


"Miss, I'll buy this one." nakangiting sabi ko sa vendor ng mga bulaklak.

"Bibigyan nyo na naman po ata ang girlfriend ninyo?" tanong nya sa akin, I just nod my head and smile at her.

Napatingin ako sa wrist watch na suot ko, it's already time to go. Buti nalang at natapos na nya itong ayusin. Kinuha ko na yung bouquet at lumabas na ng shop.

Habang naglalakad ako papuntang parking lot may lumapit na batang babae sa akin na nagtitinda ng mga rosas na kulay white and red... may bigla akong naalala. "Kuya... Bumili na po kayo, sige na po..." sabi nya habang nakahawak sa dulo ng long sleeves na nakapatong sa damit ko.

I kneel down, "sige, bibilhin ko na lahat yan. Ngumiti ka na, ang ganda mo pa naman tapos umiiyak ka." ngumiti sya at pinahiran ang luha nya.

"Salamat Kuya Pogi!" masayang sabi nito kaya natuwa ako. Tumayo ako at kinuha ako ng pera sa pitaka ko, "Oh... Eto yung bayad ko" at inabot ko sa kanya yung pera. Binigay nya sa akin ang bulaklak na hawak nya at nagtatalon ito bago umalis. Napailing nalang ako, "ang cute."

Inilagay ko ang mga bulaklak na binili ko sa tabi ko, "Sana magustuhan mo yung mga dala ko, Jam."

-------------------

Nang makarating ako sa lugar kung nasaan sya, may nakita akong ibang tao na kumakausap sa kanya. Siningkit ko yung mga mata ko paramakita ko ang mukha nung lalake pero nakaside sya eh. Naglakad pa ako papalapit sa kanya, "Ano pong gina-- Josh?" napatingin sya sa akin.

"Note?" pinakatitigan nya ako at ngumiti sya, "She really saved you." at napatingin sya kay Jam.

Napangiti ako, "you're right. She saved me." nakangiti rin akong tumingin sa kanya. I kneel down, at ipinatong ko sa harap ng puntod nya ang mga bulaklak na nabili ko at tumayo na ako. Ilang minutong katahimikan bago ako nagsalita.

"Kamusta kana?" tanong ko. Lumingon sya sa akin, "I'm fine now." natawa ako ng bahagya.

"Ang tanga mo, Josh." I said bitterly.

"Oo, ang tanga ko para pakawalan sya at saktan." walang emosyon nitong sinabi.

"Ilang taon natin ang nakalipas nung nawala si Jam. Wala man lang akong nagawa para mailigtas sya, naligtas at naprotektahan ko nga sya dun sa mga gangs sa school natin... pero nabaliwala lahat ng dahil sa pagkamatay nya. Pinabayaan mo sya." mariin kong sinabi.

"I'm sorry, Note. Sana hindi ko nalang sya pinabayaan na umalis sa bahay non at sana... hindi ko sya sinaktan sa araw na yon." mahinang sabi nito.

"Kahit lumuha ka pa ng dugo hindi mo na maibabalik ang buhay ni Jam. Fix yourself Josh. Have shame." Nakangisi kong sabi.

"Ang swerte mo Note kasi nagkaroon ka ng best friend na tulad nya." sabi nito.

"Narinig ko ang boses nya, sabi nya huwag ko daw syang iwan, pero syaang nang iwan. Nakita ko sya sa panaginip ko kaya ako nagising, sabi nya non sa akin... humihingi sya ng tawad sa mga nagawa nya sa akin at sabi nya gumising na daw ako dahil maraming naghihintay sa akin." pagkagising ko non agad ko syang hinanap sa Papa ko pero ang pumatay sa akin ay nang sabihin nya na patay na raw si Jam. At 40th day of her death ko sya napanaginipan at ang araw ng paggising ko.

"Note, mauna na ako. Nagtext na sina Ate Pitchy at Kuya Cleng. Hindi ka ba pupunta sa birthday celebration ng anak nila?" tanong nya sa akin.

"Hindi ko alam, pero baka hindi muna ako pupunta. Sa ibang araw ko nalang ibibigay yung gift ko for baby Jamiel." ang birthday ng anak nila ay ang date ng death anniversary ni Jam.

Lumapit sya sa akin at tinapik ang balikat ko, "Bro... It's time to pick up the pieces and time to fix it up." hindi ako umimik at umalis na sya.

Lumuhod ako sa tapat ng puntod ni Jam, habang hawak ang picture frame nito na nakapatong sa lapida nya. "I miss you so much, Jam. Six years na ang nakalipas pero masakit parin Jam. Hindi ko parin matanggap na iniwan mo ako. Ang sabi mo, gumising ako para tuparin ang mga pangako ko sayo pero ikaw ang nang iwan Jam." pumatak ang luha ko sa lapida nya yung luha ko.

"Jam, I still love you. Hindi mawawala yon Jam. I will still love you till the end of my life."

Ilang oras rin akong nag palipas ng oras, wala ang family ni Jam dito sa Pilipinas. Ang sabi sa akin ni Jun, tumira na sila Tita dun sa Canada simula nung namatay si Jam. Sana agad akong nagising para may nagawa ako. Pabalik na ako ng parking lot at sumakay na sa kotse ko.

Isa na akong successful Civil Engineer, ka graduate ko... Agad na akong nagtext ng board at pumasa naman ako, isa ako sa top 10 kaya agad akobg nakilala ng mga companies. Papaandarin ko na sana ang engine, pero nahagip ng paningin ko yung.... Diary ni Jam.

Nabasa ko lahat ng sinulat nya... At ang huling sulat nya sa diary. Tumingin ulit ako sa daan, napabugha nalang ako ng hangin. "you can do it Note."

Dumaan muna ako sa park kung saan kami madalas namamasyal ni Jam at kung saan kami parating nanonood ng fireworks displays. Nagpark ako at lumabas na ako ng kotse. Pag tingin ko sa palagid, naramdaman ko nanaman ang lungkot na may halong saya.

Naglakad lakad ako sa park, habang nakabulsa ang mga kamay ko sa magkabilang bulsa ng pants ko. Palinga linga ako sa paligid, maganda parin at malinis. May mga puno ng narra na nakapalibot sa buong park na nagsisilbing end ng bawat sulok ng park at mga lamp post sa bawat pagitan ng mga puno. May mga sampaga na ang mga narra, kulay yellow ang mga ito. Medyo dumidilim na kaya binuksan na nila ang mga lamp post.

May fountain sa pinakacenter part ng park at mga bench sa mga lilimng puno, mga damuhan at mga bulaklak. Umupo ako sa isang bench at sumandal, tumingala ako sa kalangitan at may mga butuin na akong nakikita... ang ganda

May mga batang nag lalaro at mga magkasintahan na naglilibot at may nagpapakain rin ng mga isda. I cancelled all my meetings today para lang sa araw ni Jam. I really miss her, sana kaya kong ibalik ang oras ppara nailigtas ko sya. Sana makita ko syang muli... Napayuko ako at pinahiran anf mga luha ko.

"Hello? Ma? Nandito po ako sa may park. I don't know where it is. Hindi ko po makita, hindi ko po kabisado ang lugar na 'to" napatingin ako sa babaeng nakatalikod sa akin at may kausap sya sa phone.

"Yah, but... Can you please come here? Sorry ma, hindi na ako nakisabay sa inyo pauwi." kumunot ang noo ko, tumayo ako at hinawakan ang wrist nya, ang bilis ng tibok ng puso ko.

Lumingon sya sa akin at tingnan ako, kusang umagos ang mga luha ko sa aking mata ko. Automatikong niyakap ko sya bigla, "Jam, buhay ka... Salamat at bumalik ka" sana hindi ito panaginip. "salamat at pinagtagpo tayong muli ng tadhan"

Diary ni Ms. Silent Lover [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon