"ANO?! NANGYARI YAN SA'YO?!" Madali kong tinakpan ang tenga ko sa biglaang pagsigaw ng bakla. Aish! Kahit kailan talaga!
"Ang OA mo bakla!" Singhal ko sa kanya at sinamaan ko pa siya ng tingin.
Pero natawa at nawala ang inis ko ng ilapit ng bakla ang mukha niya sa camera at halos ilong at bibig na lang niya ang nakikita ko sa monitor. Itsura eh!
"Gaga ka ba?! Paanong hindi ako magiging OA?! Nasa ibang bansa ka?! Paano ka mabubuhay dyan aber?! Nawala na ang pera mo at gamit mo! Sabi naman sayo eh! Wag ka ng tumuloy dyan! Hindi ba--"
"Hep! Hep! Tama na! Sesermonan mo na naman ako eh!"
Nilayo niya na ang mukha niya sa camera kaya kitang kita ko na naman ang mukha niya na puno ng make-up.
"At bakit kita hindi sesermonan ha?! Pinapahamak mo ang sarili mo! Nasaan ka ngayon?! Ano ng nangyari sa'yo?!"I sighed before I speak.
Mahaba habang paliwanagan to. Tss!
At sinimulan ko na nga ang pagpapaliwanag ko. Ang bakla naman ay nakikinig mabuti sa kwento.
A week had passed.
Isang linggo na akong nasa puder ni Bo Gum at masasabi kong napakagaan ng buong linggo na dumaan.
Hindi ko alam pero pakiramdam ko hindi talaga ako tinatrato na maid ni Bo Gum. Kasi naman, hindi nya ako inuutusan. Kung hindi pa ako magkukusa ay wala akong gagawin dito. Kahit magpakuha ng gamit o kahit ano pa mang utos ay wala!
Nung isang araw nga, hindi na ako nakatiis. Tinanong ko na siya kung bakit hindi niya ako inuutusan, sagutin ba naman ako na "Kaya ko naman gawin. Bakit ko pa iuutos?" Gusto ko ngang ihampas sa kanya iyong hawak kong walis noon eh. Eh di sana hindi na niya ako kinuhang maid, di ba? Kaloka!
Ewan ko ba dito. Imbes na inenjoy nya ang isang linggo na pahinga niya at magbuhay hari kasi nga ay may katulong naman, mas pinipili pang kumilos para sa sarili. Tss! Di ko siya magets!
Napatunayan ko tuloy na sobrang bait nga niya. Hands down ako! Imagine, siya pa ang nagsabi sa akin kanina na baka may gusto daw akong kontakin sa Pilipinas. Tapos pinahiram niya pa sa akin itong laptop niya. Kaya nandito ako sa kwarto at kinakausap ang baklang to sa Skype.
Siguro kung loko loko ako, ginoyo ko na siya at ninakawan na. Tss! Buti na lang ay hindi.
Marami na din akong nalaman sa kanya gaya ng malakas talaga siyang kumain pero hindi naman nataba. Mahilig din siyang manood ng movies at doon nya sinulit ang buong linggi nya. At nalaman ko din na Christian pala siya. Mahilig siyang makinig ng Christian Songs mapa-korean pa yan o english. Sabi niya sa akin, narerelax daw sya kapag nakakarinig ng Christian songs.
Baka feeling nya nasa heaven na sya. Biro ko sa loob loob ko.
"Gosh. Seryoso yan, Ji?" hindi makapaniwalang tanong sa akin ng bakla.
"Mukha ba akong nagjo-joke?" Walang gana na sagot ko sa kanya. Tss.
"Wow. For the first time ata, swinerte ka. Santo ba yan si koooya? Kay bait!" Pumalakpak pa siya na parang tuwang tuwa.
"Thank you ha." Sarcastic na sabi ko sabay irap sa kanya.
"Pero hindi ba loko loko o manyak yang tumutulong sa'yo? Baka mamaya ay gapangin ka niyan habang natutulog ka. Tss! Kung gwapo sana ay pwede pa, pero kung hindi ay bakla! Patiwakal ka na!" OA na naman na sabi niya.
Hindi ko napigilan ang sarili ko at natawa ako. Humagalpak ako sa kakatawa.
Ghad! Kung alam mo lang bakla!