Azelie's Pov
At 2016 Asia Song Festival [ 161009]
Andito na kami sa venue, sobrang dami ng tao. Nasa bandang harap kami ng stage para makakuha ng maayos nang malapitan.
Sobrang excited si Jae na makitang muli si Wonwoo sa stage habang nagpe-perform. Sabi ko nga sakanya, pumayat si Wonwoo kaya ayun nagalala ng sobra si Jae.Eh si Mingyu?
Eto miss na miss ko na siya kahit na palagi ko siyang nakikita sa mga fanmeeting, concerts, tas yung mga ganitong event. Lahat ginagastusan ko para sa lang sakanya. Sa mga concerts at fanmeeting palang ang gastos gastos ko na tapos yung mga binebenta ko pang goods,banners etc tas kadalasan namimigay ako ng libre para sa mga minamahal kong kapwa carats.
Alam niyo bang mahirap itong ginagawa ko? Kasi tuwing may mga gagawin sila sa labas at kahit saan pang bansa kailangan andun din ako.
Oo aaminin ko, mayaman ang pamilya ko pero sa tinatamasan ko ito may problema din akong hinaharap. Wala akong natatanggap na attensiyon at pagma-mahal sa mga magulang ko. Ang saya diba? Kapag uuwi ako bahay, parang wala lang nangyari. Normal lang ang lahat. Hindi manlang nila ako kamustahin sa ginagawa ko. Minsan nga pupunta lang ako sa office nila para kumuha or manghingi ng pera o kaya sila na mismo ang magbibigay sakin.
Ganito ang buhay ko. Ang drama diba?
Teka teka, back to present na.
At ito na nga, magsisimula na ang event. Yay! Nae-excite ako. Makikita ko nanaman si nog nog este mingyu.
"Bes putangina si Seungkwan ba yun?"
"Hala oo nga bes. Ang gwapo niya." Sabi ko. Wow nagtataksil ako kay Mingyu, harap harapan ba naman?
"Mag swerve kaya ako?" Nagulat kaming dalawa sa nagsalita kaya napalingon kami ni Jae sa likod.
Bakit nandito si Lohee?
Siya yung ex-bestfriend ko nag away kami dahil lang sa bias. Pinag awayan kasi namin dati si Hoshi. Unang naging bias ko kasi sa seventeen si Hoshi eh saktong nagkapareho kami tapos ganun din sa paggawa ng sariling fansite. Nang dahil nga dun, hindi na kami nagpansinan.
Ang babaw diba.
Feeling niya kasi ginagaya ko siya dati. Nasaktuhan lang naman. So ayun, nagpalit ako ng bias kaya napunta ako kay Mingyu.
Ano kayang pangalan ng fansite niya para kay Hoshi?
xxx
TheFearLessB
BINABASA MO ANG
Fansitenim | Mingyu
Fanfiction❝ I always capture the best of you. ❞ -Svt_Insomnia © Thefearlessb