Dedicated to the virgin Kuya owwSIC . Idol ko po kayo :D
------
We, humans, always seek for a happy ending.
We tend to read stories that will fulfill our expectations, when in reality, we can't.
We have our own dreams and fantasies. And like all dreams, we need to wake up from our fantasies and face the reality.
-----------
"Here's your order ma'am" magalang na binigay ng crew dito sa coffee shop ang order kong black forest cake at choco frap.
"Thank you" pagkabigay ng order ko ay nagsimula na ulit akong magbasa ng 'The Fault In Our Stars' habang kumakain. Tuwing umaga bago ako pumasok, uwian at weekends kasi ay lagi akong pumupunta dito sa 'Dream Coffee Shop' which has a wifi and free book reading. Ang sarap lang sa pakiramdam na may ganitong lugar kung san ay para itong isang paraiso para sa aming mga book lover.
Habang nagbabasa ay biglang napadako ang tingin ko sa pinakadulong mesa dito sa shop. Nasipatan ng aking mga mata ang isang lalaking seryosong nakatingin sa kanyang laptop. Maputi ito, medyo singkit ang kanyang mga mata, mapupulang labi, matangos na ilong at hindi mapagkakaila ang kanyang taglay na kagwapuhan. Lalo pang nakadagdag sa kanyang itsura ang kamay nyang nasa kanyang baba na tila malalim ang iniisip, malaking salamin na itim, at medyo magulong buhok. Teka, ang tingin ko'y kilala ko sya. Saan ko nga ba sya nakita?
Ay oo! Sya si Sic Santos o mas kilala bilang owwSIC sa mundo ng wattpad. Minsan na syang naikwento ng aking kaklase dahil sa husay nyang sumulat ng mga kwento. Tama nga sya't gwapo nga itong si Sic. Ngunit kahit alam kong isa syang magaling na manunulat ay hindi ako nagbabasa ng mga kwento nya sa wattpad. Bukod kasi sa mga nobela ang hilig kong basahin ay nakakalabo ng mata kung magbabasa ako sa cellphone o laptop. Malayo rin ang mall dito at tinatamad akong bumili ng mga published na libro.
Mga limang minuto ko na yata syang tinitignan ngunit hindi pa rin ako nagsasawa na titigan sya. Nakakatawa kasi ang ekspresyon ng kanyang mukha. Kung minsan ay mapapangiti sya, o kaya naman ay malulungkot o biglang matutulala at tila'y malalim ang iniisip.
'Para syang baliw' natatawang wika ko sa aking sarili. 'Gwapong baliw'
Lumipas ang ilang linggo at naging hobby ko na ang panoorin sya mula sa malayo. Lagi syang pumupwesto sa dulong lamesa at ako naman ay tatlong mesa mula sa kanya. Naaaliw talaga akong panoorin ang pagtaas at pagbaba ng kilay nya. Naaaliw din ako sa pagkibot at pagtaas ng sulok ng labi nya. 'Ang gwapo talaga ng lalaking to'. Ewan ko ba pero habang tumatagal na pinagmamasdan ko sya mula sa malayo, ay parang may kung ano akong nararamdaman. Hindi ako nagsasawang titigan sya hanggang sa makalabas sya ng shop. Makita ko lang sya ay para bang buo na ang araw ko. Kapag naman wala sya sa kanyang pwesto ay para bang may kumukurot sa puso ko, nalulungkot at tila'y hinahanap hanap ang presensya nya. Sya rin ang inspirasyon ko sa pag aaral ko.
Natagpuan ko na lang din ang sarili ko na binabasa ang mga kwentong gawa nya sa wattpad. Hindi ko alintana kung masakit man ito sa mata, ang mahalaga'y nababasa ko ang mga gawa nya. Finallow ko rin sya sa wattpad, facebook, instagram at twitter at nagtago sa username na I Exist. Kada may pumupuri sa kanya, parang tumatalon ang puso ko at feeling proud ako. Ipinagmamalaki ko sa mga kaklase ko sa Walanghustisya University ang mga kwentong ginawa nya. Kapag naman may bumabatikos o naninira sa kanya at sa mga kwento nya, inienglish ko sila at hinahayaang manosebleed para manahimik na ang mga gaga. (Parang nahahawa na ata ako sa mga lines at words ni Jenny)