Chapter 29

600 15 13
                                    

Jade's POV

"Akin na lang kasi 'to, manyak!" sigaw ko sa kaniya.

"Ayan, oh. Ang dami dami pa." sabi niya at inilayo sakin ang tupperware na puro sushi.

"E, puro kanin na lang kaya 'to." sabi ko at pinilit na kuhanin ang tupperware, inilayo niya na naman ito.

Kainis, nanliligaw ba talaga 'to? E, kung i-turn down ko na kaya.

Tumayo ako at nagmartsa paalis, nakakabadtrip talaga.

Narinig kong tinawag niya pa ako, bahala siya d'yan.

Pumunta na lang akong canteen at bumili ng 5 pirasong soimai, 5 pirasong kwek kwek, isang burger at tubig.

Naghanap ako ng mauupuan, nang makahanap na ako ay agad kong inilapag ang tray ko, umupo na rin ako at nagsimula nang kumain.

Hindi pa ako nagsisimulang kumain ay nakaramdam ako ng kulbit sa kaliwang balikat ko.

"Ano? Kung makikiupo ka sa ibang upuan na lang." sabi ko nang hindi siya pinapansin at nagpatuloy sa pagnguya.

"Bakit?" tanong niya

"Makita ka nu'ng abnoy, mabasag pa pagmumukha mo." sabi ko at kumain na ulit.

"Boyfriend mo ba?" tanong na naman niya.

Boyfriend? Si manyak, boyfriend ko?

Naramdaman kong umupo siya sa katapat kong upuan.

Kinuha ko ang inumin ko at uminom.

"Tina naman, eh."

Muntik ko ng maibuga ang tubig ko sakaniya dahil sa gulat. Shet, Tina raw! Hindi ko siya nilingon, baka naman kasi guni-guni ko lang 'yon. 

"Tina!" sa pangalawang pagkakataon ay may narinig na naman ako. Hindi ko na ito pinalagpas pa, agad kong iniangat ang ulo ko sa kaniya. 

Ngumiti siya ng malapad at tumabi sakin. 

Si Sean nandito? 

Inakbayan niya ako kaya bumalik ako sa wisyo. 

"Namiss kita Tina." sabi niya at tumingin sakin habang nakangiti.

"Uhm, ako rin." pilit kong tawa. 

Bakit nandito siya? Anong ginagawa niya dito? 

"Tara, Tina tour mo naman ako dito sa H.U." sabi niya at tumayo.

Nag-aalangan ako, 'di pa kasi ako tapos kumain, e. Nagpabalik-balik ang tingin ko sa kaniya at sa kwek kwek ko. 

Tumawa siya nang mahina at umupo ulit sa katabi ko, 

"Sige na, tapusin mo muna 'yan. Hihintayin na lang kita." sabi niya at pumalumbabang nakatingin sakin. 

Nakakailang ha? 

"Ah, gusto mo?" alok ko sakaniya pero umiling siya. 

Nagpatuloy ako sa pagkain. Minsan ay napapatingin ako kay Sean dahil sobra akong naiilang sa pagtitig niya sakin. 

"Staring is rude, dude." sabi ng boses sa tapat ko kaya umangat ang tingin ko sakan'ya habang punong-puno ang bibig ko. 

Nakatingin sakin ng masama si manyak. Agad kong nilunok ang nasa bibig ko. 

"Dude!" bati ni Sean at inakbayan pa ko. "Pwede bang mahiram muna si Jade saglit, magpapatour lang ako sakaniya dito sa H.U." nakangiting sabi niya. Takte! Ba't hindi siya makaramdam? 

My Accidentally BuddyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon