Untitled Part 2

7 0 0
                                    

CHAPTER ELEVEN: It's the start

(Xyryle's POV)

Ewan ko kung anong pwedeng i-react ngayon. Hindi ako maka-get over guys dahil dun sa kanina ah. Kayo ba kapag isang araw bigla-bigla na lang sumulpot sa harap niyo yung taong matagal nawalay at nahiwalay sa inyo, anung unang gagawin niyo?

Kung ako lang naman ang tatanungin, ang sagot ko diyan ay isang matamis na ngiti. Ang kaso, iba sa bespren kong si Alexis. Mahigpit na yakap ang sagot niya sa bagay na yan. Panu ko alam? Ganito kasi yun

*flashback*

We were both surprised sa nakita namin ni Alexis. That smile, that eyes, her gaze, the poise and her face; hindi kami pwedeng magkamali kasi kahit hindi ko suot ngayon contacts ko, kaya ko pa rin namang mag-recognize ng tao.

Hindi ko alam kung anu bang hitsura namin ngayon ng bespren ko. Siguro para kaming nakakita ng multo ngayon. Pero isa lang ang sigurado ako, si Alexis, kulang na lang, luluwa na mata niyan.

"Uhm, what's wrong?" bigla niyang tanong sa amin. By that time, bumalik na ako sa katinuan. Yung mga kasama naming iba, nagtataka na rin dahil dun sa reaksyon ng mga mukha namin ni Alex.

"Pare, pinch my arm." Ang sabi ko kay Reymar at ginawa naman ng uto-uto. Pramis!!! Masakit ah. "Hindi nga ako nananaginip pare. Siya talaga yan. Siya nga."

Hindi talaga ito panaginip. Totoo na talaga itong nakikita namin ngayon. Akala ko, wax copy lang (may wax copy ba na nagsasalita??? Utak please...) yun pala hindi. Siya na talaga itong kaharap namin. Totoo na ito at walang halong biro o camera tricks.

She's back.

Crissa Jane is back.

(Alexis' POV)

This is insane. I mean like I don't know if this is a dream or it's the reality already. I just don't know what to do. I just don't know how to react because my hands are starting to tremble and my knees are getting weaker and weaker and anytime, pwede na akong matumba ditto. But despite those things, hindi ko mapigilang matuwa. My heart felt like it jumped out of my chest nang makita ko uli siya. The loneliness and sorrow that I've been fighting for years suddenly faded away like a smoke.

Hindi ko na napigilan pa ang sarili ko. Because of so much happiness na hindi ko alam kung paano i-express, niyakap ko siya ng mahigpit. I really miss her a lot. Her eyes, her gaze, yung ngiti niya na nagpapasaya ng araw ko, lahat ng iyon na-miss ko. Lahat ng memories naming dalawa, na-miss ko ng husto.

I am so thankful, she came back. My princess CJ is back.

"I missed you princess." I said to her.

"PERVERT!!!"

O.O

*PAK!!!*

What just happened? Bakit niya ako sinampal? Wait, did I do something wrong that made her mad? Hala, bakit naman ganun siya maka-react. And namumula siya, hindi dahil sa kilig (ASA) kundi dahil sa galit. Tsaka bakit siya nagagalit sa ginawa ko? I just hugged her because I missed her. Sa tagal ba namang hindi siya nagparamdam o nagpakita, natural, ganun gagawin ko. Buti nga hindi ko agad hinalikan eh.

"Pervert!!! Don't you know that I can sue you on court because of what you've done!!! That is harassment!!!"

Sigaw niya sa akin at kaming lahat, especially kami ni Jean, gulat na gulat. O-kay, tell me what's happening here. Tell me na panaginip na lang ito. Ang gulo kasi eh. Anu bang meron?

"Wait Crissa Jane, I just hugged you because..."

"You know my name?!" ang gulat niyang sabi. No, more like takot pa. "How did you know my name? Are you my stalker or something?"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 12, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

'teach me how to love you again'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon