Chapter 9
The Boys
-Jhen’s POV-
“AHAHAHAHA!” tawa ni Lester. Baliw neto! Grabe kala mo seryosong tao. Yun pala kenkoy. Daming alam.
“AHAHA! Tama na nga ang sakit na ng tyan ko!” reklamo ko. Panu kasi kanina pa kame tawa ng tawa dito sa office ni Sir Alvin. Ee wala kameng magawa dito kasi nasa meeting pa si Sir, kaya naisipan kong tanungin sya ng kung anu-ano about kay Sir Alvin. Puro kalokohan lang yung nalaman ko. Tsk. Pero ayos lang din at least hindi ako nabore dito.
“Eto pa. meron pang isa! AHAHA! Alam mo ba na yung mga girls nun dati sa university nyo nakoo! Masyadong patay na patay kay Alvin ee ang panget-panget naman nun pero joke lang! ahaha! Yung mga girls nun time namen masyadong nahuhumaling sa soon-to-be-husband mo. Pero di naman sila makalapit kasi mga takot.”
“Kasi masungit sya?” singit ko.
“Yeah right! AHAHA! Di lang masungit! Mapanlait pa! tsk. Sa tuwing may lalapit sa kanya na girls sasa –“ naputol ung sasabihin nya at napatayo sya sa upuan ni Sir Alvin na tila ba nagulat. Kaya naman napatingin ako sa tinitignan nya.
Ahaha. Kaya pala. Dumating na pala si Sir Alvin na naka cross arms at masama ang tingin kay Lester.
“Continue what you were saying a while ago Lester.” – Sir Alvin
“Haha. Bro ano. Ha-ha. Joke lang yun. Tsaka pa-experience lang dito sa upuan mo, pangarap ko rin kasi na maging Presidente ng isang kompanya gaya neto.”
“Then manage your dad’s company.” Naglakad si Sir Alvin papalapit sa kanya hababg umiling.
“Bro. Joke lang. Wala naman akong sinabi na makakasama sayo kay Jhen. Diba Jhen?” sabi nya tas nagtago sa likod ko. Parang bata. Ahaha.
Di ako sumagot. Ahaha. Yan kasi puro kalokohan. Pero ang cute nya.
“Jhen! Magsalita ka naman jan. Yung soon-to-be-husband mo papatayin na ako. Sige ka mababawasan ang gwapo dito sa earth!”
“Who cares Mallari? I’m still here. The one and only HANDSOME on earth ALVIN PAUL MONTEMAYOR!” spell mayabang? A-L-V-I-N. Actually, nakakatuwa silang dalawa. Parang mga di professionals ee kung magharutan lang parang wala sa office. Haha.
Nagulat ako nung bigla na lang ako hawakan sa balikat ni Lester at hiniharap sa kanya! Medyo binend nya yung tuhod nya kaya magkapantay yung mukha namen. Awkward! Nararamdaman ko yung hininga nya. Tas ngumiti sya ng nakakaloko! Anu bang balak ng lalakeng ‘to?!
“Bro! Sige subukan mong lumapit! Hindi ako magdadalawang isip na halikan si Jhen sa harap mo! Lips to lips para Masaya. Sa—“ what the?? Ano bang kalokohan yun?
“Subukan mo.” O_O Yung totoo?
Ayan na! Unti-unting nilalapit ni Lester yung mukha nya sa mukha ko. Ang g*go! Nakapikit pa talaga! HAha. Di naman siguro masama na sakyan ko ang trip ni Lester diba? Para san pa’t ang aking first ki—oppss. This is the second if I remember it right? Naalala ko na naman sya. That jerk!
Pinikit ko na lang din ang mga mata ko. Hinihintay ko na lang dumampi yung labi nya sa labi ko. Sayang din ‘to n—
“Bangkay kang lalabas ng building na ‘to Mallari.” Tas hinatak nya ako papalapit sa kanya.
“That’s great Montemayor! You’re now a protective husband ee?” pang-aasar ni Lester. Habang si Sir Alvin naman hatak-hatak ako papalayo.
“Jhen, don’t stays near him. It’s too dangerous for you.”