Chapter 16 (Part 1) --- Nothing But Love

351 8 4
                                    

▬TRIXIE'S POV

"Hindi po ako girlfriend ni Sir Darrel." bigla kong singit. Kailangan ko ng sumingit sa pagsasalita kundi baka kung saan pa mauwi itong conclusions nila na pawang mali naman. -___-

"Sir?" tanong ni guy # 1 sabay tingin kay Sir Darrel.

"Yeah. She's my student." Sir Darrel said.

Bigla namang nagtinginan yung tatlong kaharap namin at nilingon kami sa naglalakihang mga mata. Problema nila? Hindi ba kapani-paniwala yung sinabi ni Sir? Tss... Weird.

"Dine-date mo yung estudyante mo?!?!" sabay-sabay nilang sigaw.

Akala ko nabasag na eardrums ko sa lakas ng sigaw nila eh! At nako naman! Ano bang pinagsasasabi nila?!

"I'm not dating her. Sinama ko lang siya dito kasi nag-request siya na mapanuod tayo... malay mo maisipan niya pang sumali satin." paliwanag ni Sir Darrel.

Nginitian ko na lang silang lahat. Actually parang gusto ko nga talagang sumali na eh. Hehe. ^__^

"Wow! Kumakanta ka? Ayos. Sali ka na! Tagal na naming humahanap ng babaeng member!" sabi ni guy #3.

"Oo nga! Para naman the search is over na! Hehehe!" dagdag naman ni guy #2.

Nginitian ko lang ulit sila. Di ko kasi alam kung ano sasabihin ko. Ayaw ko namang sabihing go na ako. Syempre, pa-hard to get muna ang drama ko. Hahaha!

"By the way guys..." biglang singit ni Sir Darrel. "This is Trixie." pagpapakilala niya sakin sa mga kabanda niya.

Nagpatuloy siya. "Trix, this is Zack..." sabi niya sabay turo kay guy #1. "Si Carlo..." turo naman niya kay guy #2. "At si Lawrence." he said pointing at guy #3.

Nag-hello ako sa kanilang tatlo at nakipag-shake hands.

Naupo kami saglit sa sofa at nagkwentuhan.

"Darrel! Diba sabi mo di mo naman dine-date si Trixie... Edi ibig sabihin nyan eh I can do the honor..." sabi ni Zack with matching smile at kindat pa sakin.

Ku po! Di yan ubra sakin. Gwapo siya pero mukhang bad boy kaya di ko type. -___- Magsasalita na ba ako? Wag na muna. Hintayin ko na lang sagot ni Sir Darrel.

"Di pwede. Bawal pa yan mag-boyfriend." sagot ni Sir Darrel.

-____-

Susmiyo. Sana pala nagsalita na ko at ako na lang ang sumagot sa tanong ni Zack. ANG CHAKA NG SAGOT NI SIR EH!

Bigla naman akong tinignan ni Zack. Parang alam ko na kung anong itatanong niya sakin.

"Bakit? Ilang taon ka na ba Trixie?" tanong niya. Sabi ko na nga ba.

"19." simpleng sagot ko.

"Yun naman pala eh! Pinagbabawal ka pa talaga ng mga magulang mo mag-boyfriend? Ang higpit naman yata nila masyado." tanong na naman ni Zack.

"Yung mga magulang nga ba talaga ang nagbabawal o yung prof?" pang-asar na tanong ni Carlo.

"Tama tol! Pinagbabawal siyang mag-boyfriend ng prof niya! Yung prof talaga ang mahigpit! Hahahaha!" pang-aasar din ni Lawrence.

Wala akong masabi. Haha! Natatawa na lang ako sa kanila. Ganun din si Sir Darrel. Natatawa na lang siya sa mga kabanda niya at pailing-iling na lang. Ang lalakas nila makapang-issue! Haha!

"Bakit kaya pinagbabawalan siya nung prof niya na mag-boyfriend? Siguro..." di matigil ang pang-i-issue nito ni Carlo! Haha! Ang kukulit nila. ^___^

"Tama na nga yan. Tara na, start na tayo." Sir Darrel said. He stood up and made his way to their mini stage. Nandoon na rin sa stage na yun yung mga instruments nila.

I Don't Wanna Fall In LoveWhere stories live. Discover now