Kane’s POV
Naku! Patay na ko nito kay Creo. Ay pati pala kay Mauryne. Papunta na ko sa rooftop. May tumawag bigla sakin.
“Kane.”
Humarap ako sa kanya.
“Oh? May klase ka pa ba?” tanong ko.
“Wala na.”
“May problema ba?”
“Wala. Pinapauwi ka ni Mama ngayon ng maaga. Gusto ka daw nya makita.”
“Ah. Sige. Uuwi agad ako.”
“Sige.”
Bago sya maglakad ginulo nya yung buhok ko.
“KARL! Wag mo guluhin hairstyle ko!”
“Hahahahaha!”
“Umalis ka na nga!” Sabi ko habang inaayos ko yung buhok ko.
Naglakad na sya.
Biglang huminto.
Tapos nilingon ako.
“Ilang beses ko bang sasabihin sayo na mas matanda ako sayo?”
“Oo na. Kaya dapat ‘Kuya’ itawag ko sayo. Kulit. Di kasi cool kapag may tinatawag akong kuya. Tsk.” Mahinang sambit ko.
Mabuti naman at good mood ngayon yun.
Tumalikod na sya at naglakad palayo.
.................
Chiara’s POV
Huh? Si Karl yun ah! Hehehe. Si Crush ko. ^_^
Sinundan ko si Karl. Naglalakad sya papunta sa Archi Building. Sino kaya pupuntahan nya dun?
Napatigil ako nung may tinawag sya. Teka. Si Kane yun ah? Magkakilala sila?
Pinagmasdan ko lang sila habang nag-uusap. Mukhang close sila. Matagal na kaya sila magkakilala?
(o_o) ???
Ah ewan. Tsk.
Nakitang kong naglakad na paalis si Karl.
Lalapitan ko sana sya para tanungin sya kaya lang biglang nag-ring yung phone ko.
Si Mama. Tumatawag.
“Hello? Bakit po Ma?”
................
BINABASA MO ANG
I'm In Love With A Heartbreaker
Fiksi RemajaIsang heartthrob at isang simpleng babae na may pagka-boyish kung kumilos at walang kainte-interes sa mga lalaki.. Ano kaya ang mangyayari sa pagku-krus ng landas nila? Disaster ba o may iba pa?