eSTUPIDyante

302 1 0
                                    

Kalagitnaan ng gabi, tumutulo ang aming pawis sa nag iinit naming katawan. Nagkikiskisan ang aming nga braso na tila wala nang tsansang maiangat ang aming sarili. Iba't ibang posisyong ang hinahanap makita lamang ang pinakakomportable at swak na lugar. Humihiyaw ang aming mga isipan na tila humihingi ng kaginhawaan. Nakapatong ang katawan sa bawat isa. Nararamdaman ang bawat tibok ng puso na para bang tumatakbo sa sobrang bilis. Makakara,dam ng sobrang init na tila nasa lugar ni Satanas. Hindi mapakali, hindi mawari, ano ba yaong aming nadarama?

Pagsikat nga araw, pawisan kaming lahat. Tila naligo sa ulan, ulan ng pawis. Ganyan kami sa aming tahanan. Siksikan,mainit at tila wala nang pag-asang umangat at makatikim ng ginhawa. Siksikan kami matulog sa isang kwarto na tila mahirap sa sa isang daga. Sampu kami sa pamilya, si nanay at si tatay, isama mo pa ang lima kong kapatid ang ang dalawa na hindi ko alam kung kaanu-anu namin pero nakatira sa aming palasyo. Panibagong araw na naman. Panibagong araw, para sakin, ng mga bagong karanasan sa panibagong buhay. Sa totoo lang, nakakasawa ang ganitong buhay. Gigising ka ng maaga, magliligpit at maghahanda para sa eskwela. Aayusan ni nanay ang ang aking mga kapatid para pumasok sa eskwela at si tatay naman ay kakayod para may makain kami sa pang araw-araw.

Plastik bag, isang libro at notbuk at Bente pesos lang ang baon ko papuntang eskwelahan. Kaunting panahon na lang at makakatapos na ako ng hayskul at tutungtong na ako sa buhay kolehiyo. Sa wakas ! Pero, sigurado ba iyon? Halos wala nga kaming panggastos pang araw-araw, walang pangtustos. Mukhang imposible no ? Pero okay lang iyon, wala namang masama sumubok di ba ?

Minsan nga naiisip ko kami ba may kasalanan kung bakit ganito ang kalagayan namin? O sadyang mapaglaro lang ang tadhana para sa amin. Sabi nga sa isang kanta, ngayon ay nasa ilalimat bukas ay nasa ibabaw naman. Pero, hindi na naman isyu sakin un ee. Ang mahalaga lang e buhay ako at nagagawa ko ano man ang gustuhin ko. Tama na nga ang dramahan ! Di ako sanay sa ganyang mga eksena. Malalate na pala ako. Kailangan ko nang umalis at pumasok sa eskwelahan.

Hari ng kalasada kung sila ay tawagin, ang dyip. Sinasakyan ko papuntang iskul. Kung ikokompyut mo ang pamasahe at ilan anng matitira sa baon ko, halos limang piso na lang ang matitira. Anong magagawa ng limang piso sa isangh Fourth year hayskul student ? Buhay nga naman! Sa loob ng dyip,dami mong makikitang tao. Maski iba't ibang uri ng amoy. Halos meron ngang naglalaplapan dun e na halos walang mga taong nakatingin sa kanila. Pero para sa akin, masarap sila tignan. Nakakataas kasi ng anu ee . . Alam mo na un :) Minsan nga nung umupo ako sa tabi ng driver, akala ko merong patay na daga sa ilalim nang upuan ko e. Sinubukan ko pang tanungin si Mamang drayber sabi naman niya wala. Nagtaka naman ako. Naghanap ako,nagmasid. Wala naman ako nakita. Pero may naramdaman ako, si Mamang Drayber. Nang tumigil ung dyip, napadikit ako kay Manong. Sinubukan kong lumanghap ng sariwang hangin pero mali e. Natanggap ko isang di kanais-nais na amoy na tila tumambay sa ilong ko. Ang lakas ng amoy ni Manong ! Bigla akong napakislot at tumapat sa labas para s sariwang hangin. Grabe! Imbaness kumbaga!

Nakarating na din sa tapat ng iskul. Tila isang malaking kaginhawaan para sakin,syempre. Handa na ako para pumasok, gumawa ng mga kalokohan lalong lalo na ng kagaguhan. Diyan naman ako magaling e. Kung may subject ngang ganun, sigurado Valedictorian na ako . Pero parang imposble e, BALIKdiktoriyan ang naibigay sakin.  Hay,papasok ka na nga lang haharangan ka pa ng sekyuriti kasi wala kang i.d. Oo nga pala, naiwan ko kakamadali kanina umalis. Pero syempre hindi magpapapigil ang lolo niyo. Magaling sa kagaguhan e. Tulad ng ibang estudyante at tulad niyo, marunong din ako mag ober-da-bakod. Mabilis na, di ka pa makikita at sigurado pasok ka. 

Tulad ng isang matsing, nakalusot ako na wala man lang nakakapansin. Salamat. Papunta na ako ng rum nang makita ko ang isang tala galing langit, isang bulaklak sa gitna ng desyerto at isang anghel na binigay sakin ng maykapal. Ang aking crush, si Cristine. Dahil sa pagmamadali sa paghabol sa klase, nauntog ako sa pader kakatingin sa kanya. Tanga! Ang ganda kasi niya ee. Papasok na nga lang, nasaktan pa. Pagpasok ko ng aming munting kwarto, ang gulo! Sobrang gulo! Di naman sila ganun e ? Kaya pala, wala si Sir Terror. Yung titser namin na nangungunot ang noo sa tuwing nakikita kami. Chismisan dito, chismisan don. Nangunguna aung mga kaklase kong babae. Sabi nga titser namin, DIYAN KAYO MAGALING! Nandiyan din ung mga emo na tila may mga sariling mundo. Nasa isang tabi na parang gumagawa ng kulam sa sobrang wirdo. Nandiyan  din kung tawagin ay ang mga Dota Boys o yung mga lalaking halos pumapasok lang para sa baon at ipanglalaro ng Dota. Nandiya din ang mga future musician ng room namin. May mga dalang gitara at beatbox. Tugtog dito, tugtog dun kahit wala naman minsan sa tono. Bira lang ng bira. Syempre, hindi mawawala ang mga gagong estudyante o kung tawagin ay stupidyante. Gago? Syempre, kasapi ako sa kulto. Eto yung mga taong lahat gagawin, makaaasar o makaramdam ng ligaya sa paggawa ng mga maling bagay. 

Makalipas ang ilang minuto, dumating na ang aming titser na maaring ihalintulad sa isang dinosaur sa sobrang chaka! Bakit kaya may dalang papel ? Andami. Lagot, eksam pala namin ngayon! Di man lang ako nakapag review pati ang mga tropa ko. Pano na kami nito ? Ayy pano na pala AKO? Ano nang gagawin ko? 

eSTUPIDyanteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon