------------- :D
After ng Break, malamang pasok sa Room.
May Activity daw kami ngayon, Filipino time na eh.
"Monitor, Ilan ba kayo dito sa room?" - Ma'am Tomas
"Ma'am.. 30 po." - Monitor
"Ok. Good. So kaylangan niyo ng partner. Much Better kung yung seatmate niyo nalang ang partner niyo. Kasi hindi ako magdidiscuss today dahil pag-uusapan niyo lang ng partner mo, yung gagawin niyo. Clear?" - Maam
"Opo. Maam!"
Yes!! Ibig sabihin nun, PARTNER kami ni Cjay My Love. Aye! Yes! Yes! Gagalingan ko to.
"Sandali lang, Maam." - Cjay
"Yes?" - Maam
"Pwede po bang iba nalang partner ko? Hindi ko kasi gusto yung magiging partner ko." - Cjay
"Hah? Sorry Iho pero okay na lahat. Tutal kayo lang naman dyan. Siya na talaga makakapartner mo." - Maam
"Okay." - Cjay
"So ganito yun gagawin nyo...bla bla bla.... At gusto ko sabay kayong magperform nito bukas. Clear?" - Maam
"Okay po."
"Okay pag-usapan niyo na ng mga partners niyo." - Maam
~
"Ang tanong eh, 'Ano-ano yung mga gawain ng lalaki noon na ginagawa na ng babae ngayon?' next dun ay, 'Ano-ano yung mga gawain ng babae na ginagawa na ng lalaki ngayon?' Pwede Ikaw sa Una, ako sa Last?" - Ako
"Okay. Sige. 5 examples." - Cjay
Grabe, ang gwapo niya talaga! ="> Wala silang pakielam kung magkacrush ako. Di naman nila business yun eh. Minsan lang naman to! :)
After 10 minutes, natapos na ako. Tapos na din naman siya. Syempre, ako, papaliwanag ko kung ano yung plan tapos nagshare din siya.....kahit ang cold ng pagtreat niya sakin ~_~
"Ganto gagawin natin, okay lang ba?" - Ako
"Wala ka pa ngang nasasabi, tinatanong mo agad kung okay? Tss. Matalino ka lang sa Academics." - Cjay
"Ayy oo nga, sorry. Ganto, gaganap ako as Lalaki, ikaw gaganap as Babae. Okay lang ba sayo yun?" - Ako
"Oka...teka? Ako gaganap na babae?! Ayoko!" - Cjay
"Ano ka ba? Mas interesting kung ganun gagawin natin. Syempre, malaki din percent ng audience impact tapos kung gagalingan pa natin." - Paliwanag ko pa
"Tss. Okay! Pakita nga ng ginawa mo." - Sabi ni Cjay sabay agaw sa papel na hawak ko. Kinuha ko din yung kanya.
"Oy ano ba to? Panliligaw, ginagawa na ng babae ngayon?" - Ako
"Ay, oo naman. Di mo ba alam? Tss. Teka, Mas maganda kung ikaw gagawa niyan. Yan yung panglast natin. Kunwari liligawan mo ko? Haha. Okay no? Bagay naman sayo." - Cjay habang natatawa
"Hah? Teka.. Aayy Sige na nga. Practice tayo?" - Ako
"Magpapractice pa ba? Wag na! Di na pinagpapractice-an yan no. Gawin nalang natin bukas kung ano yung nakasulat dyan." - Cjay
"Ganun? (tapos tumingin ako sa papel) Okay!" - Cjay
"Good. Galingan mo bukas! Ayokong mapahiya ah. First performance ko to dito." - Cjay
"Aye! Aye! CAPTAIN!" - Sabay Salute ko
"Tumigil ka nga! Panget mo. Di ka namumukhang cute. Nakakatacute ka! Kaya Please..." - Cjay
Aww... <///3 Cjay, bakit ganyan ugali mo sakin?! ;(
"Okay. Alam ko yun." - Umayos na lang ako ng upo at nagbasa kahit di ko naiintindihan basa ko.
Natapos na yung time ng Filipino at iba pang subject hanggang sa mag-uwian. Di ko nalang siya pinansin.
~Habang Pauwi~
"Grabe naman pala siya no? Makapanglait kala mo... Ay Gwapo naman talaga siya." - Jen
"Oo nga eh. Goodluck nalang samin bukas." - Ako
"Hayy akala ko pa naman, magiging Okay ka lalo dahil siya partner mo, di pala." - Jen
"OA naman neto. Syempre, masaya at nakakakilig pa din no. Pero alam mo, sanay naman akong sabihan ng ganun pero bakit nung siya yung nagsabi, medyo hard." - Ako
"Ano ka ba? Ganyan talaga, Crush mo eh. Kung ako man yun, syempre talagang hard yun no. Nako, wag mo nalang intindihin yun. Magiging close din kayo. Seatmate lang naman kayo we." - Jen
"Sana nga.." - Ako
Nung dumating ako sa bahay, nagpahinga muna ko tapos gawa ng homeworks. After namin magdinner saka ako nagmemorize ng gagawin namin bukas. Sana maging successful to! Go fight! :DDDDD
