1 – Ruined Moment
RYLLE's POV
"Can you walk properly now, Ms. Cortez?" Tanong ng therapist ko habang sinusubukan kong maglakad na hindi ko hawak ang mga railing ng kwarto. Tumango nalang bilang sagot sa tanong niya at nginitian nalang ako nito.
"I'll just talk to your doctor for a while." Paalam nito at saglit na lumabas ng therapy room. Naglakad ako papunta sa kama ko at umupo. Inabot ko ang telepono ko at bumungad sa akin ang sandamakmak na mensahe galling kay Shaun.
"Rylle Andrea Cortez. I miss you."
"Pag nakapaglakad ka na, papatakbuhin kita kaagad."
"Babe, ang gwapo ko diba?"
"Hoy Andrei, ba't mo ninakaw puso ko? No homo bro."Napangiwi nalang ako sa huling mensahe ni Shaun. Kingina ang laswa. Ew ew.
"Andrea?" Napatingin ako kaagad sa pintuan nang marinig kong may tumawag ng pangalan ko. Napalitan ang mukha ko ng isang blangkong ekspresyon nang makita ko si Daddy na may dala-dalang basket ng prutas.
"Oh." Tanging salita na lumabas sa bibig ko nang tinabihan ako ni Daddy na may nakaukit na malaking ngiti sa labi niya.
Simula lang talaga noong na-ospital ako ay nagbago ang pakikitungo ng mga magulang ko sa akin. Bakit ganun? Kailan munang may manyaring masama sa mga anak nila bago kami intindihin?
"About Kylie---" Nang mabanggit ni Dad ang pangalan ni Kylie ay agad akong ginanahan.
"Bakit dad? Mayroon na po kayong balita sa kanya?" Agad kong tanong kay Dad pero simpleng iling lang ang natanggap ko mula sa kanya.
"Then why would you open a topic about my sister?" Dismayado kong sambit sa kanya, agad niya akong niyakap at ginantihan ko din ito.
"Anak, pasenya na kung hindi ka namin nagagabayan sa pang-araw araw mong pamumuhay." Tinignan ako ni Dad bago siya nagpatuloy. "Ginagawa namin ito ng Mommy mo para sa sarili mo ding kapakanan. Anak, aalis kami ng Mommy mo at sa Hong Kong na kami titira." Huling sambit ni Dad.
"Hong Kong? Isasama niyo po ba ko?" Tanong ko sa kanya habang nanlulumo akong nakatingin sa kanya.
Pano kung kailan kong sumama sa mga magulang ko? Edi iiwan ko ang mga taong nasa tabi ko noong nangangailangan ako ng magulang na gagabay sa akin? Iiwan ko sila na para bang bula?
"No anak, it's your choice if you want to come. Ayoko ka naming pilitin ng Mommy mo sa desisyong ayaw mo." Sabi ni Dad. "Hindi kami magkukulang sa padala. Araw-araw kaming tatawag sayo." Dagdag pa ni Dad.
"Dad... thank you." Pagpapasalamat ko sa ama ko.
"Walang anuman, anak. Responsibilidad naming iyon sa'yo bilang anak namin. Ipinangako namin sa aalagaan kong mabuti ang mga anak ko." Saad ni Dad pero iba ang pagkaintindi ko sa sinabi niya.
Alagaan nang mabuti? Ni hindi mo nga kilala o alam ang pisikal na anyo ni Kylie.
Ngumiti nalang ako kay Dad at sinimulan na kumain ng saging na dala-dala niya.
------------x
"Me and you under the same roof? My goodness Rylle." Inisyal na reaksyon ni Shaun nang sabihin kong puwede kaming tumira sa iisang bahay dahil pumayag si Dad na patirahin ang mga kaibigan ko sa bahay naming.
"Kingina mo Shaun, iba nanaman nasa isip mo. Dalawa ang kuwarto ng bahay at kasama din sina Cassandra, Gabriel, Hara at Arch na titira sa akin." Agad kong sita kay Shaun kaya agad ding napalitan ang ekspresyon nito.
"Ano ba yan Rylle. Paasa ka. Akala ko pa naman masosolo na kita sa iisang bahay. Akala ko mararamdaman ko ang buhay mag-asawa----" Bago pa ituloy ni Shaun ang sinasabi niya ay agad ko itong sinikmurahan.
"Ack!" Ubo ni Shaun kaya napatawa nalang ako. Ang laking tao ta's nanghihina pag sinisikmurahan? Ni wala nga rin siyang abs. Tabs siguro puwede pa.
"I love you Mirkooooo." Agad kong sambit sa kanya pero inirapan lang ako nito.
Aba. Minsan na nga lang ako maging sweet. Kingina naman talaga oh.
"Lemme kiss your big tummy para mawala na yung sakit." Nakangisi kong suggestion sa kanya pero ngumiwi lang siya.
"Lips ko nalang Rylle." Suggestion naman ni Shaun kaya agad kong hinalikan ang mapulang labi ni Shaun.
Only Shaun's lips was on my mind right now. We were savoring our moment together. But then---
Shaun's phone suddenly rang.
Ugh. Panira ng moment.
-----x end of chapter 1 x------
note : going back to Suicide Post's epilogue, hindi nakapaglakad si Rylle dahil kay Justine.
THANK YOU FOR READING.
VOTE AND COMMENT!
BINABASA MO ANG
Repost : New Era {under final revision}
Mistério / SuspenseLips lie but eyes doesn't. 121413 - xxx