Paano ba sinisimulan ang isang story? Lalo na ung tunay na buhay mo ang iyong kinukwento? Baka naman sabihin nio sa simula, well yun nga ang problema hindi ko alam kung san ang simula o kung san nagsimula o paano nagsimula.. hahahaha..
Alam ko na kung san sisimulan.. magpapakilala muna akech.. XD ak nga pala c Ms.Fitrum.. hahaha.. (ayaw ko sabihin tunay na name ko baka makilala niyo ako.. hehe) yan po ang palayaw na bigay sakin ni labiduds ko. Baka naman isipin nio na ang sexy ko kaya ms. Fitrum tawag niya saken.. well nd po.. sa totoo lang opposite nian.. hahaha, XD okay, tuloi sa pag describe sa sarili.. ahm tama lang height ko? Hindi ko sure eh, kasi mas maliit ako sa mga kaklase ko pero ung iba kasing tangkad ko lang. anla, maliit na nga lang.. haist. >.< so weight naman? Siguro may idea na kayo.. hahaha.. well, kahit mataba ako may korte po katawan ko.. wahahahahaha.
Ngaung mejo kilala nyo na ako, pakilala ko naman si labiduds ko. Ang name ni labiduds ko ay Mr.Unfair.. hahahaha... ako nagbigay ng name nay an sa kanya. (proud much akech.. XD) so sisimulan ko na talaga.. ahahaha
Si Mr.Unfair ay high school classmate ko.. meaning matanda na me.. hahaha.. joke.. bata pa ako no.. XD So back in my high school days ang setting neto.. First year high school ko unang nakita si Mr.Unfair. Hindi ko sya kaklase kasi mas mababa section ko sa kanya eh.. siya na matalino.. hahahaha,, hindi ko pa sya crush noon. Wala lang.. nakikit ako lang xa.. hahahaha.. paanong hindi mapapansin, eh ang tangkad niya kaya.. My gosh! Lalo na ngayong college, tumangkad pa siya lalo. So end of first year na tayo, hindi ko sya kilala hindi niya ako kilala.. hahaha
Dumako naman tayo nuong 2nd year ako. Hahaha. Yun, kilala ko na si Mr.Unfair!!! at kilala ko na xa, at kialala nia na rin ako. Kakalase ko na xa! Saya diba? Not. XD noong mga panahong yan ay wala pa naman ako pagtingin sa kanya. Hahaha. Kaya skip na tayo sa 4th year. Walang 3rd year kasi wala pa rin akong pagtingin sa kanya eh.. hahahaha.
So un nga 4th year na.. yan unti unti nadedevelop ako sa kanya. (Wah... humaygash... XD nakakatakot pala magsulat ng story.. XD lalo na real life story.. :D) nalaman ko na crush ko sya nung nagkaroon kami ng practice sa sabayang pagbigkas. Habang nag aantay kami magsimula noon ng practice, ayon naglalaro kami sa phone nia.. Well sya lang pala ung naglalaro at ako nakikitingin lang. haha. Magkatabi kami sa upuan. Sa mono bloc kami nakaupo. Tapos habang naglalaro xa, napatingin ako sakanya. And then that's when I realized I have crush on him!! As in tinitigan ko sya nuon, tapos pag tumitingin sya tinitigan nia din ako, hahaha. tapos babalik sa paglaro.. XD
Noong nalaman kong may crush ako sa kanya, pinagnilaynilayan ko muna kasi baka hindi ko naman pala talaga crush. Pero after kong mag isip, walang duda crush ko nga siya. Hahaha. ang nakakatawa pa, ang hindi ko un sinabe sa mga best friends ko. Dun ko sinabi sa isa kong kaklase na ka close ko. Hahahaha. Tapos un inamin niya sakin crush nia din daw date si Mr.Unfair, pero hindi na daw ngayon. Ayos lang saken un na may crush siya sa kanya.. bakit crush lanag naman ah.. walang masama dun. :)
Ayon, tapos habang tumatagal napansin yata nung isa kong best friend na iba kinikios ko pag kaharap si Mr.Unfair. Ibang kinikilos ung kinakabahan ako pag nakakausap siya, tapos nag iinit ung mukha ko pag ginagalaw ako sa kanya. Hahaha. kaya, inamin ko na rin kay best.
3rd grading ang pinakamasaya kong grading nung 4th year. Lam nio kung bakit?? Kasi dun lang naman 3 subject ko sya katabe sa upuan. Kung hindi nio po alam, ang mga teachers naming ay iinaarrange kami according to score na nakuha mo nung nakaraang periodicals. So un nga, nakatabi ko sya ng 3 subjects. Namely: Values, Physics at Economics. Wahh, sobrang saya ko talga nun. Sino ba naman hindi di ba? Crush mo katabi mo. Hindi ka ba naman ganhan nian sa pag aaral eh. XD hindi ko naman kasi ineexpect na magiging katabe ko siya eh. Malay kong magkasing talino lang pala kami. Ang nakakatawa lang ung mga kaklase namin niloloko kami. Sabi magkatabi na naman daw kami. hahahaha
Ang malungkot lang, hindi naman kami masyado nagkakausap kahit magkatabi kami. Reason? Ewan ko. 3 lang naman reasons jan eh, una sa values, hindi nia ako kinakausap kasi asa unahan ung kabarkada nia. So un ang kakausapin nia ung kabarkada nia. Pag time naman ng Physics, supervisor un. Gala ng gala pag may pinapakopya si mam sa board. Tapos pag time naman ng Economics, nakakatakot si teacher. Pag nakita ka niyang nag ingay, instant reporter ka neng. Hahaha. kaya hindi rin magkausap. >.<
So asan epic fail jan? wala pa. excited much ka eh.. hahaha. pag papatuloy ko
Mga bandang gitna ng November, may napapansin ako sa isa kong kaklase na babae. Hindi lang ako ang nakakapansin sa kanya ah. Pati ung iba kong classmates. Lagi sya nagdidikit kay Mr.Unfair!!! humaygashhhhhhhh!!!! Pag time ng Physics, lagi niya kinakausap si Mr.Unfair. I can't help but feel a little jealous. Tapos ang nakakasaar pa, pag mag uusap kaming 2 ung bulong lang, bigla sisingit si classmate ko! Kaya, nauudlot pag uusap namin. Sobrang naasar talaga ako sa kanya.
Lalong nadagdagan asar ko sa kanya. Isang umaga, may isang balita ang sinabi sakin ni best friend. Si classmate ko daw eh may crush kay Mr.Unfair! lam mo un, gumuho mundo ko. Joke. Haha. Pero seryoso, nasaktan ako. Kaya, bad trip na ako buong umaga. Sinong hindi? Kung ganun naman ang malalalaman mo sa umaga, sarap patiwakal. Hahahaha.. wala na. sira na mood ko buong umaga. Ang masaklap pa si classmate malapit lang ang locker nia sa locker ko! Pag punta ko ng locker andun pala siya! Binate nia ako pero ang reply ko sa kanya hindi ung usual na bati ko sa kanya, na cheerful and full of enrgy. Ang bati ko sa kanya ay isang hello tapos mukha nakabusangot. Hahahaha.. imaginin nio lng nakakatawa na itura ko XD.
Hanggang sa makapasok sa room hind ko siya pinapansin. Tinanong nia ako galit daw ako sa kanya. Sabi ko hindi. Baka naman sabihin nio plastic ako. Hello, hindi naman talga ako galit sa kanya. Asar ako sa kanya pero hindi galit. Laki ng pinagkaiba ng 2 yan. Hahahaha. Pero nung dumating ung 2nd period si Mr.Unfair tumabi kay classmate!! Wahh... sobrang broken hearted ako. Nagpasama ako sa isa akong kaklase sa c.r tapos dun ako umiyak. Wahh.. (kahit ngayong tinatype ko to naiiyak pa ulit ako) grabe, ang sakit sakit ng puso ko nun. Alam mo ung parang may pumipisil sa puso mo. Ganun ung sakit na naramdaman ko nung time na un. Hindi naman ako umiyak sa c.r maghapon no. ano ako sira? Kelangan ko lna talag aumiyak kasi hindi na kaya hawakan ni mr. heart ung sakit, kaya kelangang iiyak. Saglit lang po ako umiyak. Hahaha. matapos yun, bumalik kami sa room. Tumingin s Mr. unfair at si classmate sakin. Hindi ko sila pinansin tapos lumapit ako ng ibang upuan para kumopya.
Matapos kong kumopya, bumalik na ako sa upuan ko. Aba, hindi ko kasi carry na umupo sa upuan n and ko naman upuan. Hahaha. nung makablaik na ako, bumalik din si Mr.Unfair sa upuan namin. Hahaha. kinakausap nia ako hindi ko siya pinapansin... woohhh.. suplada effect ako. Feeling maganda. Wahahahaha. XD ang Masaya lng nuong araw na un double period ang physics so katabi ko na naman xa. Un nga lng nuong double period, hindi xa supervisor. Hahaha.. hindi sya umalis sa tabi ko. Pero ako nmn ung umalis. Hahaha. mangongopya kasi ako ng sagot sa experiment eh. XD matapos kong mangopya, bumalik ako sa upuan ko aba, andun pa rin xa. Hahahaha.. tapos xa naman ung pinakopya ko. :D mabait akong bata eh. At saka hindi ko kayang magalit sa kanya. Mabait nga ako db? Hahahahaha
The end! Hahahaha. Joke, hind pa. kalahati pa lng yan. Wala pa ung epic part eh. :P Part 1 palang yan. Buaks naman ung part 2. hahahahaha