Regrets
Patrick's POV
Sapat na ang lahat ng nalaman ko para maniwala ako sa mga sinasabi nila. Sa mga bagay na hindi ko agad pinaniwalaan. Magmula sa mga paliwanag, kwento at litratong nakita ko. At ngayon, sa panibagong kwento.
Malinaw kong narinig ang lahat ng pinag-usapan nila. Lahat ng nangyari sa nakaraan.
Napag-desisyunan kong pumunta sa luma naming bahay, ang lugar kung saan ako nakakapagpahinga at nakakapag-isa para makahinga nang maluwag. Malayo sa problema at mga media. Ngunit laking gulat ko nang mapansin ko ang sasakyan ng manager kong si Via, pati narin yung kay Ate Bianca.
Nagtaka ako kaya lumapit ako at pumasok sa loob. Hindi pa man ako nakakarating sa taas, narinig ko na ang ilang boses na wari ko'y nag-uusap. Nilingon ko ang mga boses na iyon at napagtanto ko na galing iyon sa sala.
Ibig ko sanang malaman kung sino ang mga iyon pero natigilan ako nang marinig ko ang usapan nila tungkol sakin. Tungkol sa nakaraan ko. Bawat detalye at salita ay malinaw kong narinig.
Nalaman ko ang mga bagay na hindi ko man lang nalaman noong nawalan ako ng ala-ala. Oo, alam ko nawalan ako ng ala-ala. I lost my memories due to the accident that happened five years ago. Nagising nalang ako nang nasa ospital ako. At isang buwan akong na-coma.
I suddenly heard out something na naglinaw at sumagot sa lahat ng katanungan sa isip ko. Ayaw ko mang maniwala sa mga salitang pumasok sa tenga ko, mga luha na nila ang nagsasabing lahat ng iyon ay totoo.
Natatakot man akong harapin ang katotohanan pero naglakas-loob akong lapitan sila. Nakatingin silang lahat sakin na tila nagulat sa hindi inaasahang pagdating ko.
Isang pagpatak ng luha ang naramdaman ko sa aking pisngi. "Anak ko si Cloud?"
~~
Sowee's POV
Hindi namin inaasahan ang biglaan nyang pagdating. Nakatayo sya sa likuran namin, nakakuyom ang mga palad at may patak ng luha sa mata nya.
"Patrick." Napatayo si Ate Bianca at nilapitan sya.
"Ate, tell me. Totoo ba yung mga narinig ko?" Tanong nya dito. Natahimik kaming lahat. May pagkakataon na nagtatama ang mga tingin namin pero wala ni isa samin ang nagbabalak magsalita. "What? Wala bang sasagot sa tanong ko?" Ramdam na namin ang tensyon sa boses ni Patrick kaya mas lalo kaming kinakabahan. "DAMN IT! SPEAK TO ME! TOTOO BA NA ANAK KO SI CLOUD!?"
"Oo, anak mo sya!" Nagkusa nang magsalita yung bibig ko dahil hindi ko na natiis na sabihin yung totoo. "Anak natin sya."
"Why didn't you tell me, huh? Bakit hindi nyo man lang sinabi sakin!?"
"Patrick, calm down." Sambit ni Ate Bianca pero tinabig ni Patrick yung kamay nya na sadyang kinainis ko.
"No, Ate! How can I calm myself down?! That kid is standing infront of me. Kinakausap ko sya, without knowing na anak ko pala yung nasa harapan ko!?"
Pakiramdam ko, lahat kami ay nakaramdam ng guilt sa sarili namin. Lalo na sa sarili ko. Itinago ko sa kanya yun sa takot na kunin nya si Cloud at buong akala ko ay kinalimutan na nya kami. But I was wrong.
"I'm sorry,Patrick." Umiiyak na sabi ni Ate Bianca. Dahil dun ay kumalma si Patrick.
"I wanna the reason why. Bakit nyo tinago sakin, ate? Wala ba akong karapatang malaman. Akala ko noon, okay na lahat. Naaalala ko na lahat, then what? Magigising nalang ako isang araw na nalaman kong may anak pala ako? Alam mo ba kung gaano kasakit yun? Alam nyo ba!? Parang pinagkait nyo sakin yung anak ko. Alam nyo ba na kahit maraming nagsasabi sakin na kamukha ko yung batang yun, hindi ko nalang pinapansin? Kahit na sobrang nagtataka na din ako. Minsan pumapasok sa isip ko na baka anak ko nga sya. Kaya sabihin nyo sakin kung bakit nyo tinago nang matagal na panahon yun? Bakit hindi nyo sinabi na may anak pala ako?"
"Patawarin mo ako, Patrick. Hindi ko kasi alam na pagtatagpuin pa kayo ng tadhana ni Sowee. I thought everything was all over. Sobra kang nasaktan sa pag-alis ni Sowee nun kaya hindi ko sinabi sa'yo dahil ayoko nang masaktan ka pa. But I didn't know na makikita mo pa sila. I'm so sorry, Patrick." Nagbigay ng paliwanag si Ate Bianca. Hindi din naman sya natiis ni Patrick kaya sa huli ay niyakap nalang nya ito.
Hindi ko lubos akalain na ito ang magiging dulot ng pag-alis ko noon. Hindi ko alam na may nasaktan pala akong tao.
Ilang sandali pa ay may naramdaman akong kamay na humawak sa kamay ko at gayun na din sa kamay ni Patrick. Natigilan kaming lahat at nilingon namin si Manang na hindi mapigilan ang sarili sa pag-iyak.
"Sumama kayo sakin, may kailangan akong ipakita sa inyo." Sambit nito.
Hindi kami nagdalawang isip na sumama. Hinatak nya kami papunta sa ikalawang palapag ng bahay. Wala kaming maisip na lugar kung saan kami dadalhin ni Manang kaya tahimik nalang kaming sumusunod sa kanya.
Lakad lang kami nang lakad hanggang sa huminto kami sa tapat ng isang kwarto, na sa pagkakatanda ko ay ito yung silid sa pagitan ng kwarto namin ni Patrick. Matagal din itong nabakante kahit nung hindi pa ako dumadating sa buhay nila. Wala akong maisip na dahilan kung bakit kami dinala ni Manang dito hanggang sa buksan nya ang pinto. Humakbang kami papasok at naisipan nyang buhayin ang ilaw. Nasilaw ako sa pagbukas nito pero laking gulat ko nang bumukas ang mga mata ko.
Malinis ang silid at halatang hindi ito pinabayaan. Malawak ang silid at marami akong gamit na nakikita. May crib, toys at iba pang gamit na kailangan ng sanggol. Ang bawat gamit ay nahahati sa dalawang kulay. Blue at pink. Nilibot ko ang tingin ko sa buong silid.
"Ilang linggo bago umalis si Patrick papunta sa London, binili nya ang mga gamit na ito. Inayos nya ang kwartong 'to, mag-isa. Hindi sya humingi ng tulong sa kahit na sino." Panimula sa kwento ni Manang. Natigilan kami at nakinig sa kwento nya. May ilang luha ang pumapatak sa mga mata nito. Ganun na siguro kaapektado si Manang sa nangyari. At kasalanan ko yun. "Ginawa nya 'tong nursery na 'to para sa baby nyo."
Kusang tumulo ang luha ko nang mabasa ko yung nakasulat sa pader.
"For my baby Jean", It says.
Mas lalong tumindi ang guilt na nararamdaman ko. Mas lalo akong nagsisisi sa mga nangyari at sa mga maling desisyon ko. I never thought na ganito nya pala kamahal yung bata, pati ako.
Maya-maya pa'y lumabas ito ng kwarto. Tumakbo sya palabas ng bahay. Sinundan ko sya at nakita ko syang nagpapahid ng luha sa mga mata nya. Ito ang unang beses na nakita ko syang umiyak. At naiinis ako sa sarili dahil alam kong ako ang may kasalanan nito. Kung bakit maraming tao ang naaapektuhan at nasasaktan.
Inakala kong makakabuti ang paglayo ko sa kanila. Ang paglisan ko sa mundo nya pero hindi pala. Mali ang inisip ko.
"Patrick." Mahina kong tinawag ang boses nya ngunit hindi ito nagbalak na lumingon sakin. Imbis ay nanatili syang nakatalikod sakin. Hindi ko makita ang mukha nya, gayunpaman alam kong hindi sya okay. "Sorry-----"
"Sowee, please! Not now." Madiin nyang sabi kaya agad akong huminto. "Iwan mo muna ako. I want to be alone." Dagdag pa nya.
Wala na akong inimik na kahit ano at pilit kong hinakbang ang mga paa ko palayo sa kinatatayuan nya.
Masakit para sakin pero tingin ko mas masakit para sa kanya. Ilang taon syang nabuhay sa kasinungalingan.
Ngayon ko lang naintindihan na ito pala ang dahilan sa likod ng kakaiba nyang kilos at pagtrato samin ni Cloud simula palang nang makita nya kami.
Ang sakit mang isipin pero wala akong magagawa.
--------------------------------------------------------
Alam ko pong weekend ang sinabi kong due date ng next update ko pero dahil nagka-free time ako, nakagawa po ako ng magandang kabanata. Pasensya na po sa mga naghintay. Eto na po ang chapter 44. I hope you enjoyed it. Thanks. :)