Dear Diary,
Today, I'm back to zero again. Nasa 3/4 na ako ng pagmo-move on sa kanya, ng biglang bumalik ito sa hindi malamang kadahilanan
Flashback
"Pwede ba kita maging bespren?"
"Oo naman. Ayos lang :)"
End of flashback
Tayo lang ata ang mag-bespren na ganun nagsimula. Ang mag-bespren na hindi mag-bespren.
Buong Christmas Vacation tayong magkatext. Nagulat ako nung bigla mong hiningi yung number ko sa chat. Araw-araw din tayong nag-chachat dati. Araw-araw nagbabarahan. Araw-araw nag-aasaran. Araw-araw nagpapansinan. May mga codes ka pa nga na dati na sinasabi mo sakin, na hanggang ngayon hindi ko pa rin alam yung meaning.
Dahil sa araw-araw nating pagtetext, na-fall ako. Wala naman akong magagawa. Mas lalong gumaan yung loob ko sa'yo nung nagkatext tayo.
Nung nag-open forum kayo kasama yung mga kaibigan ko, sinabi mo na may balak kang ligawan ako. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko nun. BALAK pa lang naman eh. Tsaka next year or next next year pa. Maraming pwedeng magbago sa loob ng isa o dalawang taon. Sa isang minuto nga, may nagbabago na. Pano pa kaya kung isa o dalawang taon pa.
Pagkatapos nung Christmas Vacation, nagkakatext pa rin tayo, PERO hindi na tayo nagpapansinan. Anong nangyari? Bakit biglang ganun? Ang sakit.
Naalala ko pa nga, nung isang beses, habang magka-text tayo nagsusulat ako. Hinintay mo akong matapos nun. May ginagawa ka rin nun kaya parang naghihintayan lang tayo kung sino unang matatapos para makatulog na. Kaso, natulugan kita.
Yung isang beses na hinintay kitang matapos yung project mo habang magkatext tayo. Mga 2:30 A.M. na ikaw natapos nun. Kaso, tinulugan mo ako
Yung mga oras na pinapatulog mo sa pamamagitan ng text. Hanggang ngayon naka-save pa rin sa SIM Card ko yung message na yun.
Dumating ang new School Year, pinanindigan mo na talaga yung hindi pagpansinan sakin. Hindi mo na rin pinapansin yung isa pang kaibigan mo na kaibigan ko rin. Tinulungan ko kayo para magka-ayos. Pero, AKO yung NAIWAN. AKO yung HINDI NAKINABANG. Kasi, hanggang ngayon, INVISIBLE pa rin ako para sayo.
Napag-desisyonan ko na, na mag-move on na. Ang pinanghawakan ko lang kasi, yung sinabi mo sa Open Forum noon eh. Dun lang ako umasa. Umasa ako sa "BAKA", sa "BALAK". Ngayon, anong napala ko? Wala. Nasaktan lang ako. Nakakatawa. Tayo lang ang mag-bespren na simula una, hindi nagpapansinan.
Ngayon, close na KAYO ulit. Ako, parang may virus ang bawat salita ko pag kakausapin mo ako. Kahit yung katabi ko, papansinin mo. Ako, HINDI. Ang saya diba?
Ayoko na. Ayoko na nito. Masasaktan na naman ako. Ilang beses na akong nasaktan dahil sayo. Tama na, please? Araw-araw na lang akong nasasaktan. Gusto ko ng sumaya :(
Love,
Z ♥
Comments are whole-heartedly accepted.
PS: The story is based on my friend's life.