Mizchail POV
“Kei…”
Halatang gulat na gulat yung babae nang makita niyang magkayakap kami ni… Sino nga ba to? Ay di ko pa pala to kilala tapos nagpapayakap na ko? Bad Mishang. Siguradong magagalit sayo si Jazzybaby mo pag nalaman niya to. Wait. Kei daw name niya? Wow ha. Parang Japanese name yun ah. Siguro half Japanese to tapos ¼ iyakin at ¼ baliw xD HAHAHA JOKE ! at nakuha ko pang magjoke sa ganitong sitwasyon xD
At ito namang isa halatang nagulat din pero hindi nagpatinag. Di pa rin bumibitaw ang loko.
“What’s…what is the meaning of this?” tanong nung babae.
“Don’t let me state the obvious Janna. We both know you are not stupid.”
Taraaaay. Speaking dollars pala ang dalawang to eh. Wait. Anong obvious pinagsasabi nito?
I was about to protest when he hug me tighter and whisper,
“Please. Kailangan kita ngayon. We’re best friends right?”
I left with no choice so I hug him back. TEKAAAAAA NGAAAAA. Napapaenglish na rin ako dito! Pag-umpugin ko tong lovebirds na to eh!
“Please naman Kei. Don’t do this. I know you are hurt right now. About earlier…. C’mon let’s talk. I can explain.”
Lalapit pa sana yung babae nang magsalita si Kei? Tama Kei nga pangalan ng ugok na to.
“Don’t go near us.”
“But..”
Bumitaw na ko sa yakap, tumayo at humarap na dun sa babae. Pati si Kei napatayo na din. Ang sagwa naman kung magkayakap pa rin kami habang kinakausap yung babae diba?
“Miss. I think tonight is not the right time. Just leave him alone for awhile and try talk to him some other time.”
OOOOH! Wag kayo! Sabi ko sa inyo future teacher to! Wag niyo kong hinahamon ng English-an hahaha.
“And who the hell are you? You have nothing to do with this. So stay out of the way Miss. Mind your own business.”
Aba loko to ah! Hell ? Hell ako ? OKAY FINE! I WILL MAKE YOUR LIFE A LIVING HELL!
“Haha ( Tawang sosyal XD) Sorry Miss. But Kei is now my business.”
“Since when?”
Mataray niyang tanong. Aba di din siya magpapatalo ha. Tignan natin kung makasagot ka pa dito. *insert evil smirk*
“Since you kissed another guy.”
“..”
OH! Ano kayo! Ha! Sabi ko na di siya makakasagot jan dahil guilty siya! Halatang gulat siya sa sinabi ko at bigla siyang napatingin kay Kei.
Eto namang loko biglang yumuko. TANG INA. Wag kang iiyak jan loko ka! Mapapahiya ako!
Bago pa maglupasay tong katabi ko, hinila ko na palayo.
“So now, may I excuse myself. Me and my business still have other important affairs. *insert evil smile*”
At nilayo ko na tong iyakin na to. Bahala na kung san kami makapunta basta makalayo lang kami sa bruhildang yun! Tawagin ba naman akong Hell! Baka gusto niyang isumbong ko siya kay DEVIL WOMAN !(A/N: Hi Ate Leng J Hi Jersey :”>)
At eto namang isa my ‘don’t state the obvious’ pang nalalaman eh bibigay din pala. Ugh!
Ano ba yan! Bakit ba ko affected? Kaimbey lang!
“Hmm. Hey where are we going?”
Nakalabas na pala kami sa school.
“Hell.”