Before Beauty Contest

610 19 2
                                    




ilang araw na nag memeeting yung grupo namen pero hindi pa din ako nakakaporma kay Edward , nag lie low muna ko ng ilang araw masydo kasi akong nasaktan sa sinabi niya

nandito kami ni Yong sa classroom nag kwentuhan habang inaantay pa yung iba namin classmate nasa bandang unahan namin sila Edward at Heaven na mukhang nag uusap din


"Kisses ano dream house mo" tanung ni Yong

"hmmmmmm gusto ko glasses yung style parang yung sa korean novelang fullhouse"

"wow maganda yun kailangan pala magaling na architect makuha mo"

"oo nga kailangan magaling talaga kasi dun kami titira ng future family ko"

dumating na yung mga iba namin classmate namin at nakinig na din ako sa discussion ng teacher namin , hindi ko namalayan breaktime na pala , niyaya ako ni Yong sa canteen


"Yong punta ka sa contest ko ha ! samahan mo sila mommy at daddy"

"oo ba basta galingan mo at mananalo ka"

"ako paba Yong nga pala Yong balita sa inyo ni Heaven"pabulong kong tanong

"okey lang naman nanghinge ako ng favor sa kanya itutor ako every "Thursday at friday ng uwian sa math pumayag naman"

"bakit every Thursday- friday lang ? dapat inaraw araw muna"

"baliw ka ! baka mahalata naman tayo okey lang yun"

habang kumakain kami nakita ko banda sa kaliwa ko si Edward at Heaven ang saya ni Heaven habang nag kwentuhan sila , nakakainggit talaga kailan kaya na mangyayari sabay kami ni Edward kumain ng sabay haysssss

"ano na kisses natulala ka na naman"

"Yong mahirap ba kong mahalin ?"

"ano bang pinag sasabi mo siyempre hindi mahal kaya kita"mahina niyang sabi

"alam ko thank you bestfriend ha ! lagi kana lang jan sa tabi ko para pagaanin yung loob ko kaya mahal din kita"

nakita kong napalingon si Edward at nakakunot yung noo , bakit kaya siguro naingayan na naman sakin

after class inaantay ko na yung sundo ko dito sa waiting shed ng bigla kong nakita si Edward papunta ng parking lot uuwi na ata siya

"sumabay nalang kaya ako tinext ko na yung driver na wag na ko sunduin kahit alam ko walang kasiguraduhan na makakasabay ako kay Edward

"Edward !!!!"

nakalapit na ko kay Edward grabe ang bango talaga niya

"Bakit" nakakunot na nuo niyang sabi

"hihi pwede pasabay yung driver ko kasi hindi ako masusundo pleaseeee"pa beautiful eyes kong sabi

"hindi ! clumsy ka pa naman baka maaksidente pa kong kasama ka"

"sige na Edward please naman hindi kaba naawa sakin paano nalang kung may masamang taong dumating at bastusin ako , baka marape pa ko , maholdap or mabudol budol kaya ba ng konsensya mo na pabayaan ang isang magandang dalagita na mapahamak dahil sayo" madrama kong sabi

naiwan ako at biglang pumasok si Edward at inistart na niya yung kotse niya

"hays hindi epektib ang drama" naka yuko kong sabi at nilalaro laro ko yung daliri ko paalis na sana ako ng biglang binuksan ni Edward yung bintana niya at sabing

"ano tatayo kana lang jan !"

nagulat ako at bigla akong napangiti

"ito na nga e"

pumasok na ko sa front seat grabe ang bango ng kotse niya amoy Edward , sana huminto yung oras para mas mahaba kami mag kasama , ang tahimik talaga niya kailangan ko magsalita para may mapag kwentuhan kami

"hmmm Edward pwede ba tayo mag patugtog ang tahimik e"

"mananahimik ka or ibaba kita ?

"sabi ko nga mananahimik e"

haysss kakaasar naman to si Edward oh ang tahimik masydo

"hmmmm Edward may first love kanaba ?"

"sabi ko ayoko ng maingay"

"sige na last na tanung na yun"

"sakin nalang yun kisses"

"hmmm hindi pwede sabihin mo sakin si Heaven ba ?"

"Hindi"

"so sino ?"

"secret nga"

"ang damot mo naman ! hindi ba pwedeng parehas tayo , ikaw first love ko ako naman first love mo" hindi ko alam kung namalikmata lang ako pero nakita kong napangiti siya

"describe mo nalang kung ayaw mo sabihen"

"The most beautiful and kind woman in the world"

"Hindi ako ganun kabait so hindi ako yung first love mo" malungkot kong sabi

habang nasa biyahe kami hindi na ko nag salita pa , tumahimik nalang ako at tumingen sa bintana

hindi ko namalayan nasa harap na kami ng bahay namin , malungkot akong nag paalam kay Edward nalulungkot pa din kasi ako na hindi pala ako yung first love niya

"sige Edward salamat una na ko bye"

hindi ko na inantay yung sagot niya bumaba na ko at pumasok sa gate namin , narinig ko naman na paalis na siya kaya dumiretso nalang ako sa kwarto at nag pahinga mamaya nalang ulit ako baba pag dinner na nasa trabaho pa naman si mommy at daddy

"sino kaya yung first love niya"malungkot kong sabi habang nakahiga


******

so sino nga ba ang first love ni Edward ?

Denial King Meets Beauty QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon