Ellie
Hello, ako nga pala si Eleanor Jam Buendia. 17 din and a lesbian like Franz. Well i have a girlfriend... si Danica. Hehe kagabi lang nya ako sinagot after nyang ipaalam sa parents nya ang tungkol sa panliligaw ko sa kanya. Para pa akong maiihi sa pantalon ko dahil sa kaba, pero buti na lang at okay lang parents nya. Ambait noh?
Kakatapos lang exam namin and i was pretty relieved dahil sa wakas makakahinga na ako ng maluwag.
Pagtayo ko sa upoan ko ay nahagip naman ng mata ko ang nakakunot noo kong best friend. Problema ng taong to? Nilapitan ko nga sya at ginulo ang buhok nya.
"Problema mo dude? Di ako sanay na tahimik ka" kaso tinignan lang nya ako
Tumayo na sya at lumabas ng room tsaka iniwan akong nakasunod lang ang tingin sa kanya.
"Hooy, anyare dun?" medyo nabigla ako sa pagtap ni Rica sa balikat ko
"Bwesit! Aba ewan ko...tsaka wag ka nga nanggugulat!" sabay sapok ko sa kanya
Panay tuloy reklamo nya sakin habang naglalakad. Nakasunod kami kay Franz na walang paki sa paligid. Himala!
Saka kami huminto sa loob ng canteen nang nakita namin syang umoorder sa counter kaya akala ko magla-lunch na sya -kaso nakita kong bumili lang sya ng halo-halo.
Nakakapagtataka talaga ang behaviour nya ngayon.
"Rica! Ellie!"
Napalingon kami pareho sa tumawag and it was Angel, Roxy and Kara na papalapit samin.
"Oh bakit?" si Rica na ang unang sumagot
"Invite sana namin kayo na magchill later." nakangiting saad ni Roxy
"Hmm, san naman yan?"
"Hehe. Secret...basta- promise mag-eenjoy kayo." -Angel
"And don't worry, coz treat daw ni Kara..." at nagtawanan pa ang dalawa
"Ano?? T-Teka...'bat ako?" reklamo ni Kara na halatang walang kaalam-alam
Ang kulit din ng dalawang to eh!
"Eeyy, yaan mo na girl...mas malaki naman na dilihensya mo diba? Hahaha"
at ayon, nasapok na sila ng wala sa oras. Kami naman ay di nakapagpigil at tinawanan na sila
"Ellie!"
Hmm? Boses pa lang ay nagtalonan na agad ang puso ko sa saya. It was my girlfriend -yiiiee, girlfriend...kilig ako. Nag Hi ako sa kanya and kissed her cheek.
"Oy Nicz, sama ka samin...mag rerelax kami ng bonggang-bongga today." sabay taas baba ng kilay ni Roxy
Nasilayan kong napangiti sa excitement si Danica at tumingin sakin with a hopeful look. Kaya napabuntong hininga ako at napapailing na lang...Eh ano pa nga ba?
"Sige sama kami...pero, yon ay kung mapapapayag nyo ang nagtatantrum naming kaibigan." saka ko tinuro si Franz
Si Franz na panay kain lang ng halo-halo nya at wala ni ano mang pinapansin. Grabe, anyare sa babaeng to?
Nagkatinginan naman sina Roxy at Angel. Yong mga tinging nag-uusap tsaka napangiti ng makahulogan.
"Psshh...yun lang naman pala..." -Roxy
"Kaya na ni Kara yan..." Sabi ni Angel at sabay pa nilang pinagtulakan si Kara at napatanga na lang ito
"Yan! Jan kayo magaling!"
BINABASA MO ANG
Unspoken Feelings
FanficThis is a gxg super short story (girl to girl) ... Simpleng estorya. 😋 Dedicated po ito sa crush ko dati hahaha!