Franz
Andito ako sa tambayan namin sa ilalim ng puno -nakaupo ako sa bench at nakasandal ang baba sa braso ko habang nakatingin kina Ellie at Nica. Nakangiti ang dalawa habang nag-uusap -ewan kung ano pinag-uusapan nila...wala ako maintindihan at wala din pumapasok sa utak ko. Sheeett! Feel ko ambigat ng katawan ko. Napapapikit ako habang hinihintay ang food, si Rica na lang kasi pinabili ko ng snack. Wala akong lakas grabe!
"Ooy Franz, okay ka lang?" sabay ramdam ko isang sapak sa batok ko
"Aaiiishh!" nagtaas ako ng tingin at nakita ko si Rica na ngising-ngisi
Kahit kailan, ang sarap-sarap nya bigwasan!
"Dude, you okay? Para kang narape ng ikabente ahh." Ellie retorted at napasinkit ang mata ko sa kanya
"Tsk! Feeling ko ang tuyo na ng utak ko habang ang mata ko naman nagja-jumping jiggle -ewaaann!"
Umupo na'ko ng maayos at nag-inat ng super. Biroin nyo nagtutunogan ang mga buto-buto ko...grabe! Umiling-iling ako at tinampal ko talaga ang magkabilang pisngi ko para mahimasmasan konti.
"Ayos ahh" saad pa ni Ellie na aliw na aliw nakatingin sakin
Di ko na sya pinansin hanggang sa may naramdaman akong kumalabit sakin. Pagtingin ko napanguso ako at nacurious.
"Yeah?"
yuck ang boses ko parang kakagising lang, kaya tumikhim ako
"Can i talk to you for a while? Saglit lang" monotone lang ang boses nya
Natigilan ako...wala, gusto ko lang at wala din naman ako maisip na dahilan dahil my mind is not working right now.
Pagtayo ko ay naglakad na din sya palayo sa pwesto ng barkada ko.
Ano naman kaya kailangan nito sakin?
"Here" sabay abot sakin ng paper bag
Nakakunot tuloy ang noo ko sa kanya. Ano naman kaya 'toh? Wala ako sa mood ngayon para sa mga kalokohan nya. Pagod ako dahil sa ginawa naming project kagabi.
"What's this?" sabay silip sa loob ng paper bag
Parang nagspark ang loob ko at medyo naging active ang katawan ko pagkakita sa kung ano man ang laman. May dalawang malalaking baonan at dalawang maliliit sa loob kaya kinuha ko yung isa at nakita ko ang lutong kare-kare. Ang laki ng ngiti ko sa tuwa dahil sa binigay nya. Yeaaahh food!
"I cooked all of it for you. Peace offering." she added at nabigla ako
"Oh? Really?" I'm sure kumikinang na ang mga mata ko sa tuwa, tumango sya sakin at ngumiti ng konti
Natatakam na tuloy ako. Di na ako makapaghintay para sa lunch.
Hmmm! Himala ata 'tong babaemg 'toh! Di ako sinungitan kanina. Pagkagising ko kasi kanina ay nakauwi na pala sya -tinawagan daw sya ng...ay ewan di ko alam.
"Answeet mo naman, pinagluto mo pa ako." yiiiee, masaya talaga ako pwede naman sya magsorry ei. Nag-effort talaga sya.
"Sorry"
Hmmm?? Parang gusto ko atang tumawa ng malakas ngayon ahh! Hahaha Himala talaga 'tong babaeng 'toh -biroin nyo nagsorry sya sakin? Pero okay lang naman talaga sakin, okay lang kahit nagkanda pasa-pasa ako sa ginagawa nya sakin.
Anong magagawa ko ei ako ang paborito nyang panggigilan? Hahaha
"You're forgiven. Hehe Thanks uliiiit" i hug her tapos i kissed her cheeks
"Eeiii, ano ba!" sabay layo nya sa mukha ko
I pouted na lang at nakita ko pa syang nagpigil ng ngiti pero hahaha nakita ko yun! Agad syang tumalikod at naglakad na papalayo.
BINABASA MO ANG
Unspoken Feelings
FanfictionThis is a gxg super short story (girl to girl) ... Simpleng estorya. 😋 Dedicated po ito sa crush ko dati hahaha!