5...

31 0 0
                                    


Franz

"Tumahimik ka nga muna Franz! Naaasiwa na ako sa sobrang ingay mo jan!"

Natatawa ako sa pagmumukha ni Rica. Hahaha

Andito kasi kami sa field habang nag-aaral silang tatlo. Ako lang ang hindi nag-aaral right now kaya nangungulit ako dahil amboring nila tignan. Masyado silang seryosong nagbabasa. Tsk

Naghead set na nga lang ako. Habang nakikinig ng music ay paminsan-minsan napapasabay din naman ako -dahilan kaya nakaramdam ako ng pagbatok sa ulo ko.

"Dude seryoso, isa pa talagang word na lumuwa jan sa bibig mo...hahambalosin na kita ng libro." halatang napipikon na si Ellie at itong si Nica naman napapakagat ng labi

Mukhang gusto na din ata akong sermonan. Nahiya lang kaya nagtigil na lang ako at magsosorry na sana...kaso-

"Subokan mo magsalita...isasaksak ko talaga sa bunganga mo 'tong sapatos ko" panget ka talaga Rica!

Eyy, katakot pala tong mga kasama ko. Ganto ata talaga pag malapit na exam. Kulqng nalang maging mamamatay tao ang mga students magkaron lang ng peaceful surrounding.

Tsk! Inis! Umusog na lang ako sa gilid ng puno at sumandal. Matutulog na lang ako!

Since ayaw naman nila sakin ngayon! Mga panget sila!

Tinakpan ko nga ng panyo ang mukha ko.

Naalimpongatan ako nang may yumogyog sakin. Putek -pati ba naman sa school?

"Hey"

Hmm? Si Kara pala, nakakunot ang noo...ano pa nga ba? Di naman na bago yon!

"Sarap buhay ahh"

tinignan ko lang sya with a bored expression. Bakit naman kaya andito to? Tanong ko sa sarili ko.

"Oy Franz, sabi nila Angel group study daw tayo sa weekend." hinarap ko si Rica na katabi naman si Angel

Andito din pala sila Roxy at Angel. Sabay pa silang ngumiti sakin kaya nginitian ko din sila.

"Ano Franz... baka pwede sa inyo tayo? Kasi sayo lang ang mas malapit eh. Hehe" medyo nahihiya pang tugon ni Angel

Bakit ba ang hilig nilang irason yang mas malapit? Di ba sila nagsasawa jan? At tsaka, kawawa naman bahay ko naoover-used na sya.

Tinignan ko sila isa-isa -oo, isa-isa talaga...pare-pareho silang nag-eexpect ng sagot ko. Tsk! Ano ba yan, paningin ko sa kanila parang mga tutang nagmamakaawa sakin. Sampalin ko kaya sila isa-isa?

"Franz, ayos lang ba?"

Napatingin naman ako dito sa katabi ko at -sos maryusep ganun din binibigay nyang tingin sakin. Kaso mas nakakalamang nga lang sya sa kanila, kasi mas cute sya mag puppy eyes.

Pumikit ako saglit at napabuntong hininga. Yung mga mukha naman nila ngayon parang natatae na sa kakaintay ng sagot ko, hahaha!

Inabot ko nga ballpen ko at nagsulat sa notebook

[ BAWAL AKO MAGSALITA ]

Sabay-sabay pa silang lahat na napakunot ang noo. Tinignan ko ang tatlo kong kasama at ngumuso saka lang nila narealize ang ibig kong sabihin at nagkangitian ang tatlo.

"Ang bugnotin mo naman friend...sige, pwede kana magsalita." may pa friend-friend pang nalalaman 'tong Rica na to

[ AYOKO! PANIS NA LAWAY KO ]

Unspoken FeelingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon