9...

24 1 0
                                    

Franz

Days had passed and now annual party na nga ng school. Parang festival lang kaya andami-daming mga booth na nakapaskil at nakahilera sa loob ng field. Marami ding mga sports na iniheld kanina. It was super crowded nga eh.

Ang galing ng pagka organize ng mga juniors namin. Sila na kasi ang nakatoka sa event since lahat ng seniors ay bawal na maghandle ng mga gan'to.




"Franz!"

Hmm? "Oy Stephen!"

Si Stephen pala isang sophomore. Nakaclose ko sya during intramurals dahil sa basketball. Hehe nagkalaro kasi kami dati, katuwaan lang naman.

"Kamusta?"

"Eto, excited ng kumain." nagkatawanan lang kami pareho.




"Ayos, try mo dun sa booth namin. May special kaming hinahanda don I'm sure magugustohan mo."

"Edi tara na! Libre mo ah!"

"Huh? Ano ka sineswerte?"

"Haha joke lang!"


Pagkadating namin sa booth nila ay sya na ang nag-order para sakin alam naman nyang kumakain ako kahit ano eh.

Namukhaan ko ang naghahanda kaya tinawag ko ito.

"Oy! Miss pres andito ka rin pala?" it was Helena isang junior, president ng fine arts club na sinalihan ko.

"Do i know you?" napasingkit ako ng mata, angsungit talaga

"Hindi, pero kilala kita." tinaasan nya ako ng kilay kaya napangiti ako. Beast mode na sya nyan?


"Ah Helena, si France pala senior natin and kaibigan ko." pagpapakilala ni Stephen sakin pero inirapan nya lang ako

Nagkatinginan naman kami ni Stephen napailing lang ako habang natatawa rin syang gumagalaw dun sa loob ng booth nila.

"Oh order mo." walang gana nyang inabot sakin ang hinanda nya

Inabot ko ito pero yung kamay nya lang ang kinuha ko at ngiting-ngiti ko syang tinignan...

"Ang ganda mo sana... ang sungit lang."

Mabilis kong kinuha ang food ko kasi ansama na ng tingin nya sakin nakita ko namang nagpipigil ng tawa yung mga kasama nya.

"Pag hindi masarap pagluto mo'ko ulit ng bago ah!"

"Ang kapal ng mukha mo! Hoy bayaran mo yan!" Tawa ako ng tawa sa kanya kasi inis na inis na yung itsura nya

Inabutan ko na lang sya ng 500 at ang loka hinila nya ako tsaka sinabunotan.

"Aray ko! Masakit! Hoy bata!"

Buti at binitiwan na nya. Grabe angsakit ng anit ko.

"Dalaga ka na pala bata? Sakit mo manabunot!" natatawa ako kasi ang sama na talaga nyang tumitig pati kasama nya natatawa din

Pagkaabot ng sukli ko ay nagsalita pa ako bago umalis

"Hoy Stephen! Turoan mo yang crew mo ng good manners and right conduct hah! Manabunot ba naman ng kostomer. Di ba nyan alam na customer is always right?"

"Tumahimik ka na nga lang Franz! Kung anu-ano naman kasing kalokohan ginagawa mo." iiling-iling lang sya pero halatang natatawa ito. "Sige alis na, baka masaksak ka na nyan sige ka."



Naglakad-lakad na lang ako sandali. Enjoying my alone time. Mamaya ko pa kasi makakasama yung tatlo kasi si Nica at Ellie ayun nagdidate habang uung si Rica ay busy sa kung ano man. Napunta ako sa maypuno na lagi kong tinatambayan kaya umakyat ako at don ko kinain ang pagkain ko. In fairness ansarap. Tacos, fries at isang burger pala yung sinerve nila sakin.




Unspoken FeelingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon