(LEONA'S POV)
Hindi ko alam kung selfish ba ako o ano. Pero kahit anong mangyari, hinding hindi ako susuko. Magiging okay din ang lahat. Babalik din sa normal katulad ng dati. Pero paano nga ba ito magiging posible? Syempre kailangan ko ng tulong ng lahat.
*Medyo flashback
So, more GM more fun naman ako, hoping na pupunta sila lahat sa bahay ni Ysabel. Sa sobrang tuwa ko, nauna na ako. Excited much lang. Medyo maraming pinagbago yung bahay nila, 3 years na rin ang nakalipas magmula nung huling punta ko doon. Laughtrip pa yung "DO NOT DISTURB" sa pinto niya. Pero ang nakakapagtaka lang talaga, sino kayang iistorbo sa kanya???
Nakakairita lang, ang tagal kasing dumating ni Caloy! Ang tagal nung mga pinapabili ko sa National Book Store. >.<
Sobrang kampante pa naman ako. Syempre si Ysabel kasama ni Markus. Naaaaaaaaaks! Tumataas yung possibility na magkatotoo yung gusto kong mangyari! Moment na nila yon at ayokong sirain. Lalo tuloy akong ginaganahan.
Okay na sana ang lahat pero WTF lang!!!!!!!!!!!!!
Pagbukas ko ng pinto....
O_________________________O
Napa silent scream na lang ako na parang ewan! Sh*t! Hindi ko talaga kinaya yung nakita ko.
Ano yun?
May lalaki sa kama ni YSABEL!!!
Wala siyang shirt, naka boxers at.. BALBON! Yung legs, hairy. Maputi siya na makinis. Hindi ko nakita yung mukha niya kasi sa kabilang side siya nakaharap. Tulog.
Talagang tinakpan ko ng dalawang kamay yung bibig ko. Baka yung silent scream ko, mauwi sa pag e-eskandalo at baka magising ko pa siya.
Hindi ko alam kung sino siya at kung paano siya napunta sa bahay ni Ysabel pero sa isang bagay lang ako sigurado.
P*******a! Ang HOT nung nilalang na yun!
Agad akong tumakbo papunta sa baba. Pagbukas ko ng gate para lumabas, sakto nakasalubong ko si Caloy.
CALOY: Oh? Bat ka tumatakbo? San ka pupunta?
Hinihingal hingal pa ako. Medyo pinakalma ko muna yung sarili ko bago ako sumagot.
AKO: May someone sa kwarto ni Ysabel.
Base sa facial expression ni Caloy, wala lang. Napataas lang siya ng kilay. Syempre hindi ko naman ma-explain sa kanya so ang ginawa ko na lang, hinila ko siya at tumakbo kami papunta sa playground.
CALOY: Oy ano ba, makahila ka ah? Bakit mo ko dinala dito? Anong gagawin mo sakin? Diba usapan natin sa bahay ni Ysabel? Pag di ka umamin sisigaw ako ng "Tuloooooooooong! Raaaaaaaaape!"
Aba punyets! Ang lakas din nito ah?!
AKO: Hoy ang kapal mo ah?!!! Ibaon kita dyan sa lupa eh! Syempre magpapaliwanag naman ako, pwede saglit lang? Nagmamadali? May lakad?! Nakita mo na ngang hinihingal pa ako eh! Tssssk! ANG KAPAL MO TALAGA! >.<
CALOY: Pwedeng mag-joke? Parang biro lang eh. Galit agad? Ano ba kasi yun?
Umupo siya sa swing habang naghihintay ng sagot ko. Ako naman, nakapamewang sa harap niya. At ayun, sinabi ko na sa kanya kung anong itsura nung lalaki na nakita ko sa kwarto ni Bel.
CALOY: Guni guni mo lang yon! Tara na, eh diba magpapa-meeting ka, oh asan na sila?
Oo nga nuh?! Asan na nga ba sila? Chineck ko yung phone ko. Nagtext si Anabee
"Hey Leona! Pwede bang ma-late? Kasama ko kasi mga ka youth ko."
So reply naman ako ng "okay lang."
