CURSED

33 6 0
                                    

Nanatili siyang nakatayo habang patuloy sa pagpatak ang mga malalamig na butil ng tubig kasabay ng pag-akap sa kanya ng malamig na ihip ng hangin pero tila'y wala siyang naramdaman at nanatili pa rin siyang nakatayo sa gitna ng kalsada na may malalim na iniisip. Ni wala siyang pake kung magmukha man siyang tanga sa paningin ng iba dahil ang tanging nasa isip nito ay ang isang trahedya na dumating sa buhay niya. Isang pangyayaring nagpabago hindi lamang sa kinabukasan niya kundi pati na rin sa pagkatao niya...

Napapatingin lahat ng mga tao sa kanya sa tuwing siya'y papasok sa paaralan. Sino ba namang hindi, nakaka-agaw pansin kase ang suot niyang shades. Madaming nagsasabing bulag daw siya at ang iba naman ay baka panget daw ang mata nito kaya palaging nakasuot ng shades. Madami din ang nagtangkang kunin ang shades na suot niya ngunit hindi nila ito nagagawa dahil bigla silang napapaatras sa tuwing marinig ang boses ng babae. Wala kahit isa sa mga kapwa niyang estudyante ang nakakakita ng mata niya at nakakaalam ng pagkatao niya. Kahit nga ang guro at ang mismong principal ng paaralan ay hindi rin alam. Nagmistula siyang isang misteryosong estudyanteng bulag kaya wala rin siyang maituturing na kaibigan.

Tuloy pa rin ang bulungan at tingin ng mga estudyante sa kanya pero binalewala nalang niya ito dahil alam niya sa sarili niyang makakasama lang 'pag pinansin niya pa ang mga ito. Napabuntong-hininga siya ng makakita siya ng dalawang babaeng estudyante na masayang nagkwekwentuhan at nag-aasaran. Bigla siya nakaramdan ng lungkot ng mga sandaling 'yun, unti-unting bumabalik ang mga alaala niya sa nakaraan na pilit niyang kinalimutan matapos mangyare ang hindi niya inaasahan.

*******
Masaya siyang nakikipagkwentuhan sa bestfriend niyang si Xharlaut habang hinihintay ang kanilang sundo. Mayamaya lang ay dumating na ang sundo ni Xharlaut.

"Bye Xhylien!" paalam sakanya ni Xharlaut.

"Bye Xhar!" tugon niya rito.

Nanatili siya sa kanyang pwesto habang hinihintay din ang sundo niya. Naglaro nalang siya ng games sa kanyang cellphone upang hindi ma-bore ngunit makaraan ang ilang minuto ay may biglang humablot nito. Hinabol niya ang magnanakaw ngunit hindi niya ito naabutan dahil nabundol siya ng isang truck. Hindi niya maigalaw ang kanyang katawan dahil nanghihina na siya at nanlalabo na rin ang kanyang mata pero bago pa siya tuluyang lamunin ng dilim ay may nakita siyang babae. May kakaiba itong abuhin na mata na parang nakiki-usap sa kanya.

" Sana'y ingatan mo ang regalo ko sayo"sabi ng babae bago siya tuluyang mawalan ng malay.

Agad siyang sinugod sa hospital. Nalaman na rin ito ng kanyang mga magulang ganun din ang bestfriend niya. Nakatayo lamang sila sa labas habang hinihintay ang paglabas ng doctor sa kwarto nito. Pilit pinapakalma ng daddy niya ang mommy niya habang nagsisisi naman ang bestfriend niya sa tabi.

"Kung hindi ko sana siya iniwan kanina hindi sana mangyayare 'to. Hindi sana siya mabubundol ng truck" nagsisising isip ng kaibigan niya.

Bigla itong lumapit sa pamilya ni Xhylien at humingi ng paumanhin sa nangyare. Kinwento niya rin ang nangyare kanina bago maaksidente si Xhylien. Akala niya'y sisihin siya ng mommy ni Xhylien ngunit niyakap lamang siya nito.

"Ano ka ba Xharlaut anak, hindi mo kasalanan ang nangyare sadyang mapaglaro lang ang tadhana at nangyare ito kay Xhylien. Alam mo namang magagalit sayo si Xhylien 'pag sinisi mo ang sarili mo sa nangyare kaya wag mo ng sisihin ang sarili mo. Manalangin na lang tayo na maging maayos ang kalagayan niya" sabi ng mommy ni Xhylien sa kanya. Tumango na lang siya bilang tugon dito.

Mayamaya lang ay lumabas na rin ang doctor. Agad itong nilapitan ng mommy at daddy ni Xhylien habang nanatili lamang sa likod ng dalawa ang bestfriend nito.

CURSED (One-Shot Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon