Ilang Minuto din kaming Namalagi Roon ni Rex at Panay Pa Cute lamang Ng Mga Babae na dumadaan Susmiyo Walanjo pati Bakla Na dumaan ay Naperahan nya ng Ganun lang
Napailing ako "Pumayag kang Halikan mo ang Isang Yun ?." Di ko maka paniwalang usal
Nagkibit Balikat Sya
"Sa Pisnge lang Naman saka Ito May Pera pa ako Pak na pak *wink*." Sya at Nagsipol sipol pa habang Binibilang Ang Pera sa Kamay Nya Napailing ako Srsly ? 5 Thousand sa Isang Kiss at Pa picture? Grabe na talaga ang Isang To Malala
"Tagal naman ni Warren." Reklamo nya
"Naiihi na ko eh Tss." Bulong nya Bumaling ako sa Kanya
"Sige na maghanap ka na ng Cr Rex kesa dito ka Magpasabog ng Ihi. So Gross." Irap ko sa kanya
"Bubugbugin ako Ni Warren Pag Iniwan kita." Simpleng Sagot nya
"Magagawa nya tinatawagan ka ng Kalikasan ? No worries Dito lang ako at Imposibleng Maka alis dahil sobrang sakit ng paa ko." Napatingin sya sa Mapulang Part ng binti at Paa ko
"Tss sama sama pa kasi. Sige mabilis lang To Depende kung May Mag Yakag sa Kama na Chixx ." Sya at Tuma tawa tawa habang Patayo
"So Gross Rex. Mandiri ka nga Shoo." Pagtaraboy ko sa knya With matching Panaboy Hands signal
Tumakbo sya at Kumaway kahit nakatalikod
Napailing ako sa Ka manyakan ng Lalaking Yun Walanjo. Hindi naman kasi Ganyan Yang Si Rex Hindi ko nga akalaing Magiging Manyak at Manlolokong Lalaki yan. Ganun pala talaga nagagawa ng Love sayo Pag Nasaktan ka. Kahit Imposible Magbabago at Magbabago ka
Yeah. Iniwan ng Babae si Rex If im not Mistaken is Sandra ang Pangalan at 3 years na Yun at 3 years naring Iba Ibang Babae ang Nakikita kong Nakapatong sa kanya at Nagkikipaghalikan kahit mga Magulang nya walang Magawa kahit si Warren ay Wala rin
I dont Care basta pag Sabay sabay Nabuntis yung mga Babae nya Pramis Tatawan ko sya ng Bongga pa sa Bongga. Nabanggit nya kasing Gusto nyang Mag Ka anak ng Sampung PANGANAY.
Nung Una nagtanong ako Pano nya magagawa yun Pero nanlaki ang Mata ko ko at Pinagpapalo sya ng Walis Tambo. Yun pala ay Bubuntisin daw nya ang Sampung Babae sabay sabay at Instan 10 Panganay. Kakaiba ang Pangarap nya yun lang Masasabi ko
Pag dating naman kay Warren Sya naman yung Guy na Seryoso sa lahat ng Bagay Minsan nga Umiiyak sakin si kristen Kaibigan ko nung Elementary at nagsumbong sakin Bat Raw Ganoon si Warren
Naubusan na daw sya ng Laway ka dadada kay Warren ay Hindi man lang daw to Nagsalita. Ang Layo ng Ugali ni Warren kay Rex kahit Magkapatid sila. Medyo iba rin ang Mukha Mas Hawig nila Tita At Tito si Rex eh. Siguro sa iba Pinaglihi iyong si Warren
Bored na Bored na ko dito kaya nagagawa kong Mag kwento sa inyo. asan na ba sila? Dont tell me Tinutoo ni Rex na May ikakama sya Pag may Nakasalubong na maganda
Napa Face palm talaga ako ng Bongga
Napataas kilay ko ng isang Grupo ng Lalaki ang Dumaan sa Harap ko nga 6 Sa Bilang Pero Hey I.D.C ok
Familiar sila. Sila ata yung Mga Lalaking Naka Jersey nung Unang Tapak ko sa Daiden.
Nakita ko kasi Yung Chinitong Maputing Lalaki na Sa pagkakaalala ko sya Yung Nagturo sa akin nung nakita nya kong Nakasakay sa Trike
Napairap ako. Mukang Hobby ng Chinitong Ito na MagTuro Kasi For The 2nd Ay Itinuro na naman nya ko sa mga kasama nyang Lalaki na Bihis na bihis Hindi sya nahiya na nakita ko syang Itinuro nya ko? Walanjo
Umiwas lang ako ng Tingin. Narinig ko pang May Nagsipulan dahil umangat ang Laylayan ng dress ko sa paglakas ng Hangin Shems Yung Titig nila Malagkit -.- Kundi lang Masakit Paa ko Na bugbog ko na ang mga ito
Sana dumating na si Rex or Warren man lang Papansin kasi ang Mga Ito Eh
"Dylan Huwag Nga kayong Mag Eskandalo riyan Hanapin na Lang Natin si Candy Dahil Lagot Tayo Kay Kuya Austin." Masungit na Sabat ng Babaeng Kakarating Lang
"Selos ka lang Wendy eh. Kasi May Nahanap na Maganda si Dylan." Narinig kong Sabi nung Matangkad at Morenong Lalaki Hiyawan at kantyawan ang Narinig ko mula sa mga lalaki. Kung maka pag away sila parang wala ako sa Harap nila. Ano ako? Audience dito.
"Shut Up Will you Guys! Isusumbong ko kayo Talaga Kayo at Pinabayaan nio Si Candy." Bulyaw nung Wendy daw
"Chill Wendy Babes. Oh sige Bye Ms. Beautiful." Yung Chinitong Lalaki at Nagsi alisan na sila Ng Tumatawa Baliw
"At Ikaw!." Wendy nagulat ako dahil sa Sigaw nya at Pagtuturo sakin
"Ha? Bat ako?." Inosenteng Tanong ko
Sinubukan kong Tumayo at Pantayan sya. Yeah Medyo Maliit sya Sa Tingin ko Highschool Palang To
"Abat nakaka Insulto ka ha!." Wendy
"May Gusto ka ba Dun sa Dylan na yun?." Tanong ko at Ngumiti
"Ano bang Sinasabi mo? Hindi no atsaka wag kang Mag Feeling Close i dont Even Know You!." Bulyaw nito sakin. Imbis na magalit ako ay Natawa sa Reaksyon nya Kahit madilim at Tanging Street Lights lang Ang Liwanag Dito ay Nakikita ko ang Pamumula ng Pisnge nya
"Dont worry wala akong Balak Pumatol sa Highschool Wendy." Tawa ko
"Mas maganda ng Nagkaka intindihan tayo." Masungit na sabi nya. See? May Gusto nga sya sa Chinitong Bulinggit na Yun sa Tansya ko ay Yung Chinitong Crush nito ay Nasa 15 palang. Napailing na lang Ako
"Tss sige at May Hahanapin pa kami." Paalam nya at Tumalikod na sakin
"Aminin mo na Bago ka pa maagawan." Habol kong Sigaw sa kanya
"Bakit Pa may Iba naman Syang Gusto. Makukuntento na lang ako Kung anong Meron." Sya at Tuluyang Umalis
Baka Sa susunod ay Makita ko sya Posibleng Iisang Paaralan lang ang Pinapasukan namin. Naupo ako Ok Wala Parin Sila 6:30 na.
"Ano ba yan Naligaw na naman ako!."
Nagitla ako ng May Boses na Nagsalita sa Tabi ko. Kelan pa sya nandyan?
"Naliligaw ka?." Tanong ko umirap sya "Inulit mo lang sinabi ko eh." Aniya
Hmm tinignan ko sya. Mukha syang nasa 9th Grade Baka Ito Yung Hinahanap nung Mga Lalaki "Anong Pangalan mo?." Bumaling sya sakin
"Panget pangalan ko." Aniya
"Candy ba?." Ako
"Hindi na ko magugulat Kung alam mo. Shiz Dali Talaga ako kay Kuya Austin." Gigil na saad nya
Napahinto ako Teka Austin? Parang Familiar. Hmm siguro sya Yung Kuya Nito
"Tumakas ako sa Bahay Dahil Feeling ko Wala Na kung Lugar Doon. Na Iinis pa ko Dahil Feeling Ko Ang Sama kong Bestfriend Dahil May Gusto sakin ang Gusto rin ng BestFriend ko." Buntong hininga nya
Kung iisipin Malamang Sya Ang Tinutukoy ni Wendy na Ibang Gusto ni Dylan At Ang Tinutukoy ni Candy na Bestfriend ag Si Wendy. Ang Gulo ng Lovelife ng mga Bata ngayon Gaya ng 0 lovelife ko. Tsk tsk Mukhang Kaylangan kong Magpayo Ngayon Blessing in Disguise din pala ang Pagkawala ng Dalawang Kurimaw sa Tabi ko
"So Hindi mo Mahal Yung Lalaki?." Tanong ko
Bumaling sya Sakin "Hindi Alam ko kasing Gusto sya ng Bestfriend ko." Agarang Sagot nya
"So kung Hindi sya Gusto ng Bestfriend mo. Gugustuhin mo rin sya?." Tanong ko
"Ah. . .S-still No." Ilang na sagot nya. Hmm Got Cha may Gusto rin sya sa Lalaki Ang Hirap nyan
"So as a Conclusion. Binabalak mo may Give way O Sacrifice for The Sake Of your Bestfriend?." Ako
"Parang Ganun na nga." Buntong Hininga nya