Ang maling paniniwala ng tao sa relihiyon ni Kifle

196 29 0
                                    

At kung babalik sa mga sinabi ni Onairos, nagsalita siya nang may karunungan, at nagsalita pa siya ng mga ganto; "Napakaraming maling ginagawa niyo, ang kasakiman ninyo sa pera, pati mga miyembro ay inuuto niyo at pinapaniwala sa mga maling aral. Nang hihinge kayo ng pera sa mga ka anib niyo, para sa pagpapatayo ng kapilya. Madaming abuluyang wala namang kuwenta, tanging kayo lang ng mga bulaang ministro mo ang nakikinabang, ni hindi nga kayo nagbibigay, puro lang kayo tangap nang tangap. Sinasabi sa biblia na mapalad ang nagbibigay ngunit hindi ang tumatangap. Mahiya naman kayo sa Diyos at sa mga taong niloloko niyo. Pati mga umaanib sa relihiyon mo ay manganganib. Dahil kung ang bulag ay umakay sa bulag, parehas silang mahuhulog sa kapahamakan, 'yun ay sabi sa biblia. Mga mamamatay tao. Nagtatayo kayo ng malalaking kapilya? Para raw may maayos na lugar at maayos na pagtuturuan sa mga tao? O para mas madaming pera ang makukuha?
Nakikita nang Diyos ang mga ginagawa niyo. Hindi naman tumatahan ang Panginoon sa templo niyo, dahil ganto ang sabi sa Gawa 17:24,"

"Ang Dios na gumawa ng sanglibutan at ng lahat ng mga bagay na naririto, siya, palibhasa'y Panginoon ng langit at ng lupa, ay hindi tumatahan sa mga templong ginawa ng mga kamay;Ni hindi rin naman pinaglilingkuran"

"Maliit lang ang sambahan namin ngunit nag tayo kami ng templo,ang templong 'yun ay nasa 1 Corinto 3:16,"

"Hindi baga ninyo nalalaman na kayo'y templo ng Dios, at ang Espiritu ng Dios ay nananahan sa inyo? "

"Makikita mo sa mga kapatid ko ang mga mabubuting gawa at disiplina. At ang Diyos ay hindi mo masusumpungan sa mga templo niyo dahil 'yun ang sabi sa Cronica 28:9. At para na rin sa itinuro mong kapag tinanggap mo ang Panginoon, at nakilala mo na siya, maliligtas kana One save,always save sabi niyo nga."


"Pero ganto ang sabi sa Cronica 28:9,"

"At ikaw, Salomon na aking anak, kilalanin mo ang Dios ng iyong ama, at paglingkuran mo siya ng sakdal na puso at ng kusang pagiisip: sapagka't sinasaliksik ng Panginoon ang lahat na puso, at naaalaman ang lahat na akala ng pagiisip: kung iyong hanapin siya, ay masusumpungan siya sa iyo; nguni't kung pabayaan mo siya, kaniyang itatakwil ka magpakailan man."

"Na ang Diyos ay masusumpungan sa atin at ang Diyos ay nag tatakwil, kaya saan niyo nakuha ang mga tinuturo niyo? Ang sabi naman sa 1 Corinto 4:6,"

"Ang mga bagay ngang ito, mga kapatid, ay inianyo ko sa halimbawa sa aking sarili at kay Apolos dahil sa inyo; upang sa amin ay mangatuto kayo na huwag magsihigit sa mga bagay na nangasusulat; upang ang sinoman sa inyo ay huwag magpalalo ang isa laban sa iba."

"Huwag daw tayong hihigit sa nakasulat, ngunit hindi kayo sumusunod. Kayo ay humigit at nagkulang. Ang Diyos ay nanahan sa mga taong may pag-ibig. Sabi sa 1 Juan 4:16,"

"At ating nakilala at ating sinampalatayanan ang pagibig ng Dios sa atin. Ang Dios ay pagibig; at ang nananahan sa pagibig ay nananahan sa Dios, at ang Dios ay nananahan sa kaniya."

"At ganto naman ang sabi sa 1 Corinto 3:17,"

"Kung gibain ng sinoman ang templo ng Dios, siya'y igigiba ng Dios; sapagka't ang templo ng Dios ay banal, na ang templong ito ay kayo."

Sabi ni Onairos.


"May dalawang bagay nga daw na puwedeng gawin upang maging mayaman, ang una ay gumawa ng iligal o maging sangkot sa droga. Ang pangalawa ay ang magtayo ng relihiyon."
Sabat ni Gordon.

Nagpatuloy ulit si Onairos. "At bukod dun, kayo ay nag papabayad pag may ikakasal o mag papabinyag. Wala namang nakalagay sa biblia na kailangan magpabayad sa mga ganoon. Ang Panginoon at ang mga apostol ay nagbibinyag o nagbabautismo ng walang bayad. At pag tapos niyo pa magturo, nanghihinge pa kayo ng abuloy. Kaya naman tayo nagkaaway dahil sa inyong maling ginagawa't paniniwala. Nagalit kayo dahil kinokontra ko kayo. Pero kung walang sasaway sa mali, ang mali ay mananatiling mali. Utos nga ng Diyos na sawayin ang may maling paniniwala, ganto ang sabi sa Tito 1:13, Tito 3:10 at 2 Timoteo 4:2,"

STATIM FINIS (Pagwawakas ng Lahat ng Bagay)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon