Chapter 75: No Mercy

53 0 0
                                    



          "Jharo???!!" kaagad kong niyakap ang aking kapatid! hindi dapat ito mangyari! kaya ako'y narito upang siya ay ma protektahan pero bakit tila ako pa ang naprotektahan? bakit Jharo? bakit mo to ginawa.


"Patawad kung ikaw ay aking sinuway...hindi ko hahayaang makita kang nahihirapan...buong buhay ko palagi mo akong pinroprotekatahan, bilang hari ng bansa ako naman ang dapat prumotekta sayo...kuya Jeremy." sabi ni Jharo, sumuka na siya ng dugo.

"Hindi mo kailangan gawin to...Jharo...wag kang susuko...matatapos na ang laban." sabi ko at dahan dahan siyang inihiga.


"Nakakaiyak naman ang pangyayaring ito Jeremy." sabi ni Aleonah.

"Anong sinasabi mo Aleonah?" usisa ng kanyang ama.

"Ang impostor na yan ay si Jeremy!" sabi ni Aleonah at kaagad kong binunot ang aking espada at binalingan ang kanyang amang hari.


"Aleonah...hanapin mo ang mga mamamayan bihagin mo sila! ako na ang bahala sa impostor na ito." sabi nya.

"Masusunod Ama!" kaagad umalis si Aleonah kasama ng mga natitira niyang kawal.


"Tila nabuhayan ka ng loob impostor!" sabi ng hari habang kami ay nag lalaban.

"Sabihin mo na ang iyong mga natitirang salita sapagkat bilang na ang iyong mga oras!"

"Pinapatawa mo ko Jeremy!"

"Tumawa ka na hanggat gusto mo pero sa oras na mamatay ka tatawanan ko din ang bangkay mo!"


          Ilang beses akong nasugatan pero tila manhid na ko labis kung dinidib dib ang nangyari kay Jharo kailangan niyang madala sa ospital mauubos ang dugo niya at ayaw kung mahuli ang lahat. Sinipa ko ang hari ng Hamilton ngunit napaatras lamang siya kaagad kong sinundan ng espada ang aking atake ngunit nasangi niya ito ng kanyang kamay kaya naman kahit dumudugo ang kanyang kamay ay hindi niya pa din binibitawan ang aking espada...inapakan ko naman ang kanyang  kabilang kamay upang hindi niya magamit ang kanyang espada.


"Ano't tila nakaluhod ka na saaking harapan hindi ka ba mag susumamo para sa iyong buhay?" sabi ko.

"Kailanman ay hindi ko yun gagawin!" sabi niya at nakita ko ang kadenang ginamit niya saakin kanina kaya naman sinipa ko ang kanyang espada at kinuha ang kadena sa di kalayuan at pinalibot ito sa kanyang leeg.


"Ngayon hindi ka pa ba mag mamakaawa mahal na hari!" sabi ko habang kinakaladkad siya sa isang malaking bato at doon ko siya iginapos ng pahiga at sinisigurado kong hindi siya makakatayo sapagkat ako ay nakakita ng isang sasakyang pang digma(6 by 6  yata ang tawag doon guys? basta makapal at madami siyang gulong).

"Pakawalan mo ko dito impostor!" hiyaw niya ng makita ang palapit na sasakyan...sinadya ko na ang kanyang leeg ang unang unang madadaanan ng sasakyang ito.

"Atras!" hiyaw ng isa sa mga heneral ng mga Hamilton ng makitang nasagasaan ang kanilang hari at naputol ang leeg nito...nag takbuhan sila.


"King Jezreid....pinadala po kami ng inyong tiyuhin si Prince Kent Wilford upang tulungan ang inyong hukbo." sabi ng isa sa mga kawal.

"Tapos na...tila huli na kayo." tinuro ko ang ulo ng hari ng mga Hamilton.

Searching the Casanova's PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon