16 years old na si Persephone, nag-iisang anak lang siya nina Mara at Joseph. Inalagaan siya maigi ng mag-asawa. Lahat ng gusto niya ay agad niyang nakukuha. Mahal din siya nang karamihan dahil sa taglay niyang kabaitan at kagandahan. Plano ni Mara na dalhin ang anak niya sa isang birthday party.
Labag iyon sa kaloob-looban ni Persephone kasi di siya mahilig pumunta sa mga ganun. Simple lang kasi siya at di mahilig pumunta sa mga parties ngunit wala na siyang magagawa kaya sumama nalang siya.
Maya-maya, nakarating na sila sa mismong venue ng party. Malaki ang bahay, pwede mo na rin itong tawaging mansion. Binati sila ng karamihang tao. Kilala kasi ang mama niya sa buong lungsod. Nakikipag-usap ang mama niya sa ibang mga tao kaya naman, nabbored na si Persephone at nagdesisyon siyang lumabas muna siya saglit. Pinayagan din naman siya ng kanyang ina.
May malaking garden sa labas ng bahay na iyon. Habang naglalakad si Persephone sa may garden, may nakita siyang lalaking nasa adolescence years na nakasuot ng gray tuxedo. Nung unang kita palang niya doon ay manghang-mangha na siya sa tindig ng lalaki. Nakapamulsa ang kamay ng lalaki, na nagpapadagdag sa pagiging cool at angas niya.
Gwapo ito, matangkad, at kung ibabase sa mukha ay kitang kita naman talagang mabait siya. Laking gulat nalang ni Persephone nang bigla siyang nilingon ng lalaki. Uminit naman ang pisngi niya nung nginitian siya nito at kinindatan. Para di siya magmukhang gaga ay tinaasan niya ito ng kilay, ngunit alam niyang sa kaloob-looban niya ay kinikilig siya. Ayaw lang niya talagang mahalatang nabighani siya sa mala-diyos na yun. Baka isipin pa ng lalaking napaka easy niyang magkagusto.
Nawala yung kilig nang biglang tumawag yung mama niya sa phone. Sinagot niya ito. Sabi ng mama niya ay kinailangan na niyang bumalik sa loob kasi kakain na daw.
Buong oras na kumain siya ay iniisip niya ang lalaking yun. Medyo napapansin na nga siya ng kanyang ina dahil sa kanyang pagkatulala. Kahit anong gawin kasi ni Persephone na alisin ang lalaking yun sa isip niya ay di talaga niya magawa.
Pagkatapos nyang kumain ay bumalik siya dun sa may garden, at hinanap niya ang lalaking nakagray tuxedo ngunit wala na dun ang hinahanap niya. Nakaramdam siya ng konting lungkot. "Hay, nagmadali pa naman akong kumain para makapunta agad dito tapos tsk, nevermind." yun ang nasa isip niya nung mga oras na iyon.
Inaya na siya ng mama nya na uuwi na sila at sa kaloob-looban niya ay ayaw pa niya. Pero dahil rumerespeto siya sa kanyang ina ay pumayag nalang siya. Buong biyahe pauwi ay lutang na lutang talaga siya sa kakaisip sa lalaking nakita nya sa party. Talaga naman kasing tumatak ang mukha nung lalaki sa kanyang isip... at puso...
♥Sunday...♥
Sama-samang pumunta ang pamilya sa simbahan. Habang nakikinig siya sa misa ay nahagop ng kanyang mga mata ang lalaking nakita niya nung party. Laking gulat talaga niya nun. Gusto man niyang lumapit dun ay di na niya ginawa. Baka naman kasi ay hindi na siya nakikilala nung lalaki.
As the days passed by, unti-unting nahuhulog ang babae sa lalaki kahit na di na niya yun nakita simula nung misa sa simbahan. Di man niya alam ang pangalan nun, naniniwala siyang isang araw, magkikita na muli sila. Kaya naman, gabi gabi bago siya matulog ay nananalangin siya sa Panginoon na sana naman ay magkita muli sila at sa oras na iyon, sana ay makakapag-usap na sila.
Years passed, 20 na si Persephone, nagdesisyon ang kanyang mga magulang na ipaaranged marriage ang kanilang anak sa anak ng matalik nilang kaibigan. Legacy kasi ng family nila ang pagpapaarrange marriage tsaka para na din yun sa kanilang company.
Umayaw si Persephone kasi hanggang sa mga panahong iyon ay iniibig parin niya ang lalaking nakita nya sa party at sa simbahan 4 years ago. Hinihintay parin niya yun. Pero wala na naman siyang magagawa kaya pumayag nalang siya.
Kinabukasan, ang araw na ipapameet si Persephone sa ka-arrange marriage niya. Lungkot na lungkot talaga siya nun. Ang sabi ng kanyang mga magulang ay gwapo ang binata, magalang, at maginoo kaya hindi dapat siya mag-alala.
Pero para sa kanya, kahit nasa lalaking yun na ang lahat na good qualities, ay wala parin sa iniibig niya yun.
Matapos ang isang oras ay nakarating na sila sa kanilang destinasyon. Halos di makapaniwala si Persephone. Huminto lang naman ang kanilang sasakyan sa harap ng bahay nung venue din ng party 4 years ago. Naalala na naman niya yung lalaki.
At laking gulat nalang niya nung nakababa na siya sa kotse. Lahat ng kalungkutan niya ay napalitan ng sobrang kaligayahan. This must be a dream, isip nya. Iling iling pa siya nun.
Kinurot niya ang kanyang braso at nasaktan naman siya. Napaiyak siya at agad-agad ay tumakbo patungo sa lalaki. Sinalubong niya iyon ng yakap at mas lalong nagulat siya kasi niyakap din siya pabalik nung lalaki.
'I finally found you', bulong ng lalaki.
Ethan pala ng pangalan ng lalaki at di alam ni Persephone na 4 na taon din siyang minahal ni Ethan. Si Ethan din mismo ang humingi ng permiso na sana sila nalang ni Persephone ang i arrange marriage. So ayun, napapayag niya kaagad ang parents ni Persephone kasi family friend din naman ng parents ni Perse sa parents niya.
Pinangako ni Ethan na hinding-hindi niyang sasaktan si Persephone. Na mamahalin niya ng buo si Persephone. At pinangako din niya na hangga't humihinga pa siya ay poprotektahan niya si Persephone.
Bumulong si Ethan at sinigurado niyang sila lang dalawa ni Persephone ang makakarinig.
"Minahal kita, minamahal at mamahalin pa. Persephone, will you be my wife?"
YOU ARE READING
Worth Waiting [Kathniel Oneshot]
Short StoryThe story goes that some time ago, Persephone, a 16 year old girl went to a birthday party together with her mother. She was bored at that time and decided to go take a stroll at the garden, then she was mesmerized of a man which by his looks, is in...