Chapter 5

14 1 0
                                    

Aya's Pov

"Kain ka na." Alok niya sa akin ng pagkaing nakalagay sa Styrofoam. Pero tumanggi lang ako, wala pa kasi talaga akong gana.

"Aya, dalawabg araw kanang walang kain. Please eat this up." Pamimilit pa niya pero yumuko lang ako.

Kahit na ligtas na si Nanay, hindi parin ako makampante. Nastroke si Nanay, at comatous siya ngayon. Isa ko pa ding inaalala ay ang bayarin dito sa hospital.

"Kapag dumating na niyan si Ash lagot ka. Ako na nga lang kakain." Sabay lipat niya sa upuan malapit kay Nanay.

"Tita, huwag kang gigising hanggat hindi kumakain si Aya." Sabi niya kaya nabato ko siya ng unan.

"Ouch." Liningon niya ako pero tinignan ko lang siya ng masama.

"Ikaw kasi, ayaw mo pang kumain. Paano kapag gumusing na Nanay mo, tapos ikaw bala't buto ka na lang." Pangongonsensya pa niya sa akin.

Hindi niya ako iniwan, simula ng malaman nila siya lang ang hindi umalis. Siya lang ang kasama ko dito, hindi niya ininda ang pag-absent niya para lang sa akin. Sa amin ni Nanay, si Ash kasi every after class lang siya pumupunta dito at uuwi kapag 7 pm na.

Itinataboy ko na nga 'tong si Liam, pero matigas siya. Kapag talaga gusto niya gusto niya. Pero nagpapasalamat padin ako, hindi niya ako iniwan kahit na wala din naman siyang nakukuhang sagot mula sa akin.

Lagi yang nagkukwento nakikinig lang ako pero hindi ako nagsasalita. Wala din naman kasing magandang ma-ipruseso ang utak ko. Si Nanay lang ang tumatakbo sa isipan ko.

Kinuha ko na yung pagkain at kumain naman na ako, nakita ko ding napangiting tumingin sa akin si Liam. Pero tinarayan ko siya, ibinaling lang ulit niya ang tingin niya sa phone niya.

"Paggising ni Tita, punta tayo dito ha." Sabay abot niya sa akin ng phone niya. Beach yun at blue yung kulay ng dagat. Wow lang.

"Wala akong pera." Walang gana kong sagot saka uminom ng tubig.

"Bakit? I'll treat you, tsaka kasama natin si Tita para naman marefresh siya." Sabi pa niya, at ngumiti-ngiti.

Hindi ko siya pinansin at dumiretsyo na ako sa Cr. Paglabas ko ay nakahiga siya.

"Ano magpapareserve na ako ha?" Sabi niya at may pinindot na kung ano sa phone niya.

Hindi ko lang siya pinansin, at umupo sa tabi ni Nanay. Sana nga magawa pa namin ni Nanay yun, lakas mo loob mo nay kaya mo yan. Habang hawak ko ang kamay niya.

"Umuwi kana." Utos ko sakanya. Pero parang hindi niya ako naririnig.

"Uy. Liam uwi kana." Kalabit ko sakanya, parang sinasadya niyang hindi ako pakinggan.

"William Smith! Umuwi kana!" Mahinang sigaw ko sakanya kaya tinignan niya ako.

"Bakit ba?" Tanong niya sa akin.

"Ambaho mo na. Maligo ka muna." Sabay talikod ko sakanya, niloloko ko lang naman siya para umuwi na siya.

"Luh?! Hindi ha. Ang mga gwapong katulad ko hindi bumabaho." Mayabang na sabi niya sa akin, kaya tinarayan ko siya.

Hindi ko na siya pinagtuunan pa ng pansin at bumalik ulit sa kinauupuan ko. Makulit talaga yan hindi nagpapatinag. Napatingin naman ako kay Nanay, tulog parin siya. At may mga nakalagay na kung anu-anong tubo sa bibig at katawan niya.

Alam kong masakit ang nararamdaman niya ngayon, pero mas masakit kung iiwanan niya ako. Wala na akong magulang noon, hindi ko na talaga kakayanin. Pero matapang si Nanay alam kong kayang-kaya niya yan. Hindi siya bibitaw sa kahit anong laban.

Bakit Hindi Na Lang Ako? (On going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon