#TeamUlan: Page 2

600 32 25
                                    


Pagkatapos ng concert ay dumiretso agad kami sa vitory party. Maraming bisita at masaya naman talaga ang lahat. Meron nga naman din silang ipinakilala sa'kin. Pero sa sobrang dami, di ko matandaan, di rin ako interesado sa mga lalaking 'yon.



Sa di ako siguradong dahilan, bigla na lang akong nakaramdamam ng panlulumo. Basta na lang ako nakaramdam ng lungkot. Takot. Pangamba. At aaminin ko, may halong inggit na rin.



May love life na nga silang dalawa. At ikakasal na ang isa. Takot akong maiwan, dahil magiging busy na sila ng tuluyan. Naiinggit rin, kasi ikakasal na si Kyla at lahat, bokya pa rin ang love life ko.






Dahil sa weirdong feeling ko, kahit na umuulan, lumabas pa rin ako. Pinili kong pakinggan ang pagpatak ng ulan mag-isa sa gitna ng isang madilim at payapang gabi.



I am sitting on a bench sa may lobby, feeling the cool wind. Mabuti na rin at nasa loob ang mga tao. Ayoko ng maingay ngayon, tama na yung ingay na narinig ko kanina sa concert ng banda nina V.



"a lovely lady like you shouldn't be alone in this cold and lonely place"



Agad akong napalingon sa pinanggalingan ng boses. Di ako sumagot at tinitigan ko lang sya. He is bringing an acoustic guitar with him. At sasabihin kong nakakadagdag yun sa pagka-astig na awra nya. Pero parang nakukulangan 'yon dahil nababawi agad ng mga nangungusap nyang chinitong mga mata ang pagiging maangas.



"can i sit beside you?" tanong ng mga mapupula at manipis niyang labi.



Tumango lang ako, at ibinalik ulit ang mga mata sa tubig mula sa kalangitan na nag-uunahan sa paghalik sa mabatong lupa.



"pipi ka?"



Napaangat ang kilay ko sa itinanong nya. i face him and answer, "no."



Sumilay ang isang matamis na ngiti mula sa labi niya na mas lalong nagpaliit sa mga singkit nyang mga mata. "ayun, nagsasalita ka pala."



He has pointed nose too!



Tuloy pa rin ang pagtatanong ng lalaking nasa kabilang dulo ng upuan, "you're Alexis right?" pagkompirma nya. i just nod, at saka tipid syang nginiti-an. "We were introduced each other earlier. Pinsan ko si V."

All for Raine[COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon