Nagising si Nash ng mapanaginipan niya ang kanyang ama. Isang dambuhalang Phoenix. Nawala ito noong bata pa lamang siya at iisa lang ang kanyang layunin ang hanapin ito at muling makasama. Nasa itaas pala siya ng kahoy. Wala siyang tirahan kahit saan lang siya napapadpad."Enix,mahahanap at mahahanap rin kita." lakas loob niyang sambat.
Tumayo na siya sa kanyang kina-uupuan at tinawag ang kanyang alagang baboy. Hindi ito normal na baboy. Mas malaki pa ito sa elepante at nagtatago sa ilalim ng lupa. Sumakay na siya dito. Kinalmot niya ang tenga nito bilang paglalambing."Sa Dreyfus tayo." utos niya sa baboy.
Tumakbo ito ng sobrang bilis. ~Dreyfus~ Isang kaguluhan ang nagaganap. Isang babae ang nagsisimula ng kaguluhan.
"Sino pa ang may lakas ng loob na kalabanin ako?" galit na saad ni Arrenne.
Lahat ng tao ay takot na takot kay Arrenne."Si-sino ba siya?" takot na tanong ng lalaki.
Nagulat ang isang council member nang makita niya ang emblem ni Arrenne sa gilid ng tiyan nito.
"Isa siyang elementaler, wag niyo siyang gagalawin kung ayaw niyong masaktan." sigaw nang isang council member.
Nagsitakbuhan ang lahat dahil sa takot at iyon ang naabutan ni Nash. Naramdaman niya ang malakas na enerhiya mula kay Arrenne. Hindi na siya nagdalawang-isip na tumakbo papunta sa kinalalagyan ni Arrenne. At nakita niya ang Black Rose emblem. Napansin siya ni Arrenne.
"Si-sino ka? Bakit may black rose ka diyan sa may tiyan mo?" pagtataka ni Nash.
Nakatitig lang si Arrenne sa kanya tapos bigla na lang niyang inatake si Nash.
"Wing slash of the air phoenix."
Muntik nang matamaan si Nash buti nalang at naka-iwas siya.
"Air pala hah. Pakikitaan kita ng tunay na magic. Blaze of the Fire Phoenix." sigaw ni Nash.
At nagharap silang dalawa, isang malaking pagsabog ang naganap ng nagtagpo ang kanilang binitawang magic.At nagsidatingan ang mga royal army. Sabay silang napatingin sa direksyong pinanggagalingan ng royal army.
"Nandito na naman sila." nababahalang saad ni Nash.
Bigla niyang hinablot ang kamay ni Arrenne at tumakbo papunta sa kanyang baboy at sumakay.Mabilis namang tumakbo ang baboy. Ang pangalan pala ng baboy ay Blue.
"Sino ka ba? Hindi mo ba ako kilala" galit na tanong ni Arrenne.
"Saka na tayo mag-usap kapag ligtas na tayo."sagot ni Nash.
Tahimik lang silang dalawa hanggang sa dumating sila sa gubat ng Crucos. Ang pinakamalaking parte ng Hiegrux-ang kapitulyo. Agad na bumaba si Arrenne kay Blue.
" Hoy, saan ka pupunta?" tawag ni Nash kay Arrenne.
Hindi siya pinansin ni Arrenne, kaya naisip niyang itanong ang isang bagay.
"Hinahanap mo ba ang Sky Phoenix na si Aerra?"-Nash
Napahinto sa paglalakad si Arrenne at nagtatakang napatingin kay Nash.
"Sino ka ba talaga? Isa ka ba sa elementaler hunter? "-Arrenne
Bumaba si Nash kay Blue. Nilapitan niya si Arrenne at nginitian ito ng nakakaluko. Medyo bumulis ang tibok ng puso ni Arrenne.
" Ako? Ako lang naman si Nash Firenix. Isa akong elementaler. Ang anak ng Fire King Phoenix na si Enix."-Nash
Nagulat si Arrenne hindi siya makapaniwala na mayroon pa rin palang katulad niya na nabubuhay.
"Ahm, a-ako si Arrennne Aerronix. Anak ng Sky Phoenix na si Aerra"-Arrenne
" Oo, alam ko. Pero ikinagagalak kong makilala ka Arrenne."-Nash
Ngumiti na naman si Nash at namula naman kaagad si Arrenne, first time kasing may kumausap sa kanya.
(Bakit ba siya ngumingiti ng ganyan?)
Hindi niya alam kung bakit pero nginitian rin niya si Nash.~Krrrrggghhh~ nagulat siya ng may tumunog. Nagkatinginan silang dalawa at nagtawanan...pero naputol ito ng lumiit si Blue. Pero muli rin silang nagtawanan.At jan natatapos ang araw nila.
Word of the day:
{Laughing}
-Is the most important thing to do during our sad days to lessen the burden in our heart.AUTHOR'S NOTE:
Ang name ng mga lugar pala ay gawa-gawa ko lang. Sorry sa sound effects...Salamat sa pagbabasa.Sana nagustuhan niyo.
VOCÊ ESTÁ LENDO
ELEMENT 4 : A Tale Untold
FantasiaAko? Isa lang akong elementaler. Hinahanap ko ang Fire Phoenix na nagpalaki sa akin.Ang Elementaler ay mga mages na hinahanap sa buong kaharian. Ipinapapatay nila ang lahi naming mga elementaler. Baka nga ako nalang ang natitira sa aming lahi sa din...