HSP Ch. 14

695 10 0
                                    

HSP Ch. 14

// ALEX's POV //

Nagpunas muna ako ng tears of joy bago magtanong sa kanya, "San naman yun??"

Ngumisi lang siya sakin at sumagot, "Basta!"

Hinatak niya na 'ko at tumakbo siya sa kung san. Kung tatanungin niyo ko, kung anong oras na. Aba, malay ko. Pinatanggal niya yung relo ko, sabi niya wag daw namin isipin ang oras at mag-enjoy. Siguro mag-uumaga na, mabuti nga at dumaan kami sa bahay at nagpaalaman kila mama bago kami gumala sa kung saan nito ni Seb. HAHA! Komportable ako kapag siya ang kasama ko, at naipapakita ko ang tunay na AKO kapag kasama ko siya. Ang sayalang. Kahit isang araw pa lang kami nagkakabonding at isang aksedente lang ang pagkikita namin, para na kaming mag-bestfriends. ^_____^V

"Hoy! Baliw! Maglalakad tayo? Eh may sasakyan ka naman." Sinigawan ko siya habang tumatakbo kami. Kania ko pa napapansin eh. Takbo kami ng takbo eh may sasakyan naman siya, ano pang silbi, diba?

"Baliw ka rin! HAHA! Malapit na yun dito! Bilis!" Hinatak niya pa nang pagkalakas lakas ang braso ko tapos tumakbo na naman kami! WAAAAAH~ Grabe, hindi na natigil itong si Sebastian kakahatak sakin, masyado na siyang nasisiyahan. Pasalamat siya, gwapo siya. Nako, kung hindi, sinampal ko 'to ng tsinelas.Hohohoho :D

"Sige na nga! Para ka talagang bading! WAHAHAHAHAHAHA!" Napatingin naman siya sakin at ginantihan ang asar ko

"Masyado akong gwapo para maging bading! BLEH! :P" Dumila pa talaga ang lalaking 'to!? HAHAHAHAHA! Masasabi ko ngang kakaiba siya. Grabe, ang saya ng gabi ko dahil sa kanya kahit nabwisit ako sa clan meet up na pinuntahan ko! :D

"Sus yabang!! Panget ko hooooyy!" hinila na naman niya ko tapos mas mabilis pa yung takbo niya. Hanggang sa natanaw ko na ang puno na may kulay pulang bulaklak. Ang ganda, tapos ang tangkad pa ng puno.

Yung paligid nahahamugan, puro damo din yung lapag. Nakanangchuchu, ang ganda naman sa lugar na 'to. Paano ba 'to nahanap ni Seb?

"Nandito na tayo," Binitawan niya ang braso ko, lumakad siya paabante kaya naiwan ako sa likod niya. Humarap siya sakin at nagtaas ng hinlalaki niya, "Ganda di ba?" Nginitian niya ako ng pagkatamis tamis.

Okay, seryosohan na 'to. Iba ang ngiti niya kapag nantitrip at iba rin ang ngiti niya kapag sa ganitong sitwasyon, "Oo nga, maganda." Lumakad ako paabante sa tabi niya.

Nakikita ko ang mga mata niyang kumikislap habang tumitingin sa langit. Isang napakagandang larawan kung ako ang tatanungin. Lalo pa't ang pagkakaporma ng ilong niya ay sadyang perpekto, masasabi mo ngang babagay sa kanya ang kait anong anggulo.

Bigla niya akong tinignan at sa pangalawang beses, ay nginitian niya ko, "Panuorin natin ang sunset?" tanong niya sakin.

Dahil sa kasalukuyan pa akong namamangha sa gwapo niyang mukha, napa-tango na lang ako na parang nagamitan ng isang matinding hipnotismo, "Oo naman."

Sumingkit ang mga mata niya sa muli niyang pagngiti at hinawakan ang kamay ko, "Tara."

hindi lang basta hawak kundi LOCKED-FINGERS. 

Pakiusap, tulungan niyo ako. Parang lalabas sa dibdib ko ang puso ko, hindi ko matake ang pagsiksik ng mga daliri niya sa pagitan ng mga daliri ko! >////////<

Lumakad kami ng ilang minuto hanggang sa marating namin ang parte ng lugar kung san makikita ko ang pag-taas ng araw. Nandito na kami malapitt sa bangin.

♀♂  High School Parents  ♂♀Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon