Miss 1

40 1 0
                                    

"Class, This is Yang Yuen your new classmate, she is a transferee here, so I hope na magiging nice kayo sakanya" sabi ng professor

Kanya-kanya naman silang tingin sakin. Lalo na yung mga babaeng kung makapag make up eh akala eh coloring book yung mukha nila.

Tiningnan ko lang din sila. Yung tingin na mararamdaman nilang wala akong pakialam. dahil wala naman talaga.

Pagkatapos akong ipakilala ng professor ay dumiretso na ako sa upuan kung saan maraming bakante at walang katabi.

"Why is she like that?" maarteng bulong nang isang hipon

"Kaya nga, she's so creepy. ew" dagdag pa nung isa at taas kilay na nakatingin sakin.

"She looks like Sadako, and she's not even Maganda" singit nung mukhang paa at sabay sabay silang nagtawanan.

Yes, I don't care what people think, Unless it is about me.

Kaya naman hinarap ko sila and gave then my famous DEATH glare.

"You say something?" tanong ko dun sa mga babaeng ang lakas magbulungan. Naramdaman siguro nila ang dark Aura ko kaya naman umiling sila saka tumingin dun sa professor na nagtuturo. Mahinang Klase.tss.

After few hours natapos din ang klase. And I think its Lunch time na.

Kasalukuyan kung hinahanap ang Cafeteria, when two girls approach me.

"Hi. Diba ikaw yung transferee?" Masayang bati sakin nung girl na apple cut yung buhok. Tiningnan ko lang sya at dire diretso parin akong naglakad.

Bakit ba kasi ang hirap hanapin ng Cafeteria dito. Nakakaasar.

And there may nakita akong mga benches, total hindi pa naman ako gutom dito muna ako tatambay.

Umupo na ako sa bench, at yung dalawang feeling close nakasunod parin pala sakin.tss.

"Ahmm Kate nga pala." pakilala nya sakin sabay lahad ng kamay. Di ko sya pinansin dahil hindi din naman ako interesado.

Kinuha ko yung cellphone ko sa bag para i-check ang map nang school na to, para naman hindi ako magmukhang tanga kakahanap sa lintek na Cafeteria na yun. Kaimbyerna.

"Kailangan mo ba ng tulong?" tanong nya ulit. lumapit narin yung isa nyang kasama na naka k-pop ang porma. Mukha syang member ng isang k-pop group dahil sa get up nya.

"Nope." I am not really a friendly and sociable person. I want no people around. no noises.

Pero tingin ko imposible na yun ngayon. This girls seem nice... and I hate it. they are annoying.

"I heard na transferee ka daw from St. Mary Academy, mabuti naman at ito ang napili mong lipatan" nakangiting wika ni Kate

"Na kick-out ako, at hindi ako ang pumili ng school na to." I answered coldly. bakit? bakit ba masyado silang mabait sa taong hindi pa naman nila lubos na kilala

"Na kick-out? bakit?" tanong naman nung isang babae

tinaasan ko lang sya ng kilay

"Ay hindi pa nga pala ako nagpapakilala, by the way I'm Zyen" nakangiting inilahad nya ang kamay nya sakin.

Obviously, I don't do shake hand. kaya naman in-ignore ko lang din yung kamay nya.

"So, bakit ka nga na kick out?" muling tanong ni Kate.

"Bakit ko naman sasabihin? close ba tayo?" sagot ko naman sakanya

"Hindi pa. pero classmate naman tayo, at siguro magiging close din tayo." hopeful na sabi nya.

Miss PersnicketyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon