Ivan's POV
Kakauwi ko lang galing dun sa victory party namin. Nandito ako ngayon sa sala namin, nanunuod ng basketball. Yun laro namin kanina, may reply. Siyempre pinanood ko. Ang galing ko pala talaga hahahaha joke!
Nag halftime break kaya pumunta muna ako sa kusina, kumuha lang ako ng root beer and cake. Pagbalik ko, mukha ni Sungit ang nasa tv. Nafeature dun sa silverworks. Hindi lang yun, ngumiti pa siya sa camera, hindi pilit yung totoong ngiti niya.
First time ko siyang nakitang ngumiti nang ganoon dahil lagi siyang nakasimangot. Hindi ko alam na ganoon kaganda yun ngiti niya. Natapos na yun halftime, nagsisimula na yun 3rd quarter pero hindi parin ako makamove on dun sa ngiti niya. AAARG!! Nakakainis! Ganun ba kalaki ng epekto ng ngiti niya sakin!
Kinabukasan.. Pagkapasok ko ng school, may nagkukumpulan na naman. Araw araw na lang bang ganto? Pagtingin ko, picture pala ni Sungit. Yung picture na sumakay sya ng bus, yung game namin kahapon. Sino namang eskandalosa yun nagpakalat nito! Pahamak siya!
Jazrille's POV
So, dito na nga nakatira yung anim kong pinsan. Hindi lang pala dalawa yun guest room dito, tatlo pala! Kaya pala dito sila tumitira. Pero ayos lang naman sakin, para hindi ako magisa dito.
Nandito ako sa school at may kumalat na issue. Yun pagtatago ko sa bus kahapon nung hinabol ako ng mga students dito. Ang galing naman nila. Nandito ako ngayon, as usual tahimik. Ayokong makigulo sa kanila. Nakakainis lang. Naghahanda na ako sa pagtawag sakin ng Discipline Office. Diba nga kasi bawal daw umakyat dun.
"Jaz! Paano ka nakasakay dun sa bus ng varsity players? Kyaaaaaah!" Kainis. Kapag hindi mo naman sila papansinin, mangungulit lang sila. At ngayon lang ako sasagot dahil hindi ko uulitin pa para sa kanilang lahat.
"Umakyat ako kasi may nanghahabol sakin." Ang iingay naman nila. Maya maya umalis na din siya. Wala naman syang makukuhang info galing sakin.
"Jazrain!" Aish! Sino yun? Babanggitin na lang yun pangalan ko, mali pa! Pagtingin ko, si Idiot pala. Napakatanga talaga. Maling pangalan ang binabanggit!
"Ivan, akin ka nalang!" Hindi ba sila titigil sa kakasigaw? Agaw atensyon naman kasi itong si Tanga eh!
"Hindi na pwede eh, may girlfriend na ako." Did he just said the word "girlfriend"?!
"Sino?"
"Classmate ba natin?"
"Maganda ba?"Maganda ako no. Hindi naman sa feeling ko na ako nga yun girlfriend. Pero ako naman talaga iyon. We made a pact right.
"Oo naman!" Parang ang proud niyang girlfriend niya ako, kahit contract lang.
"Sino siya?" Bakit ba ang tatanong ng mga classmates ko? Pag ba communication arts ba madaldal talaga?
"Si Jazrain." Bakit ba Jazrain! Jazrille yun! Naiinis na ako ha! Hindi sya pinalaki ng magulang nya para maging tanga!
"Uh sino?" Tanong ni girl. Miski sya hindi nya ako kilala sa kaka Jazrain nya. Kapikon eh!
"Si Jazrain nga." Isa pa. Isa pa talaga. Puputok na yung litid ko sa ulo dahil sa mga ginagawa nya! Kung alam ko lang na ganitong stress ang makukuha ko sa kanya, hindi ko na sya dapat tinanggap!
"Sinong Jazrain?" Please lang, fan girls. Wag nyo nang uliting nang ulitin yung Jazrain dahil ang pangit pakinggan!
"It's me. And please, it's not Jazrain. It's Jazrille. Jazrille fucking Rain Ramos!" Hindi ko na napigilan. Amazed na amazed na naman ang mukha ni Ivan dahil sa sinabi ko. Ito ang gusto nya, ang naiinis ako sa kanya! What a fücker!
BINABASA MO ANG
My Contract Basketball Player Boyfriend (Arcadia Series #1)
Teen FictionIvan Ramirez, a basketball player, is living the life while he is making his way up through his college basketball career. Until a brokenhearted girl landed on his way who was trying to forget her past love. Start: Dec. 4, 2013 End: September 6, 2014