"NERDY BITCH"

64 1 0
                                    

"NERDY BITCH"

Lahat nalang nang ginawa ko tama! Sa paningin nang lahat perpekto ako. Ano bayan nakakainis kailan pa kaya ako magkakamali. Kailan pa kaya ako magiging kontrabida? Ginagawa ko naman ang lahat nang kamalian pero it always turned out to be good. Shi##t this life I wanna be called BITCH and not a Nerdy ones.

###hi guys!! Hope you'll like this. Comment po kayo at mag like ha? Para malaman ko kung gusto nyo ba to oh hindi. Thanks..

Chapter 1

"Valedictorian. Jane Louise Miravalles".

Eto na naman, akyat sa stage with matching nanay na proud na proud sa akin. As if hindi ganito ang scenario namin mula pa noong nursery palang ako.

1st honor Jane Louise Miravalles---- nursery

1st honor Jane Louise Miravalles---- kinder 1

1st honor Jane Louise Miravalles---- kinder 2

1st honor Jane Louise Miravalles---- prep

1st honor Jane Louise Miravalles---- grade school hanggang sa 3rd year high school

At eto na nga ngayon gra-graduate na ako bilang valedictorian nang batch namin. Pabalik balik kami ni mama sa stage dahil sa mga special awards na natatanggap ko. Best in math, best in Filipino, best in English, best in science, best in Mapeh, best in makabayan, at marami pang iba, halos pakyawin ko na lahat nang awards sa school. Kung susukatin kukulangin ang buong angkan ko sa pag sabit nang mga medalya ko.

"Oh anak smile!" sabi pa nang mama ko. Awkward kasi ang hawak ni mama na camera yung di film pa at hindi digicam.

"Di uso digicam sa inyo??" napalingon ako sa nagsalita sino pa ba edi ang bruhilda kong kapit bahay na si Jessa na walang ibang ginawa kundi I bully ako.

"Suntok uso. Gusto mo??" pabalang kong sagot. Namumuro natong bakekang nato eh. Buti naman at umalis narin siya kung hindi talagang patitikimin ko sya nang upper cut na tinatawag.

"Nako anak, don't mind her. Remember ang repetition mo dito sa eskul ay maganda." Eto na naman ang mama minsan nagtataka ako kung anak niya ba talaga ako o hindi.

" Baka REPUTATION ang ibig mung sabihin ma?"

"Ah ganun narin yun basta sounds like." Ang mama talaga napapa face palm nalang ako.

Ganyan talaga si mama mag English, hanggang high school lang daw kasi siya at hindi siya magaling sa klase noong kapanahunan niya. Pero palagi siyang bida sa school nila kasi maganda si mama at magaling sumayaw. Tyaka maraming boyfriends si mama noon. Kaya nga napaibig niya ang papa ko eh.

Nang mabuntis siya ni papa which is ako ay pinapunta si papa sa states nang mga magulang niya dahil di nila gusto si mama sabi daw kasi nila my mom is a bitch hindi daw sila naniniwala na si papa ang tatay nang ipinagbubuntis ni mama.

Gusto ko ring maging katulad ni mama, yun maraming humahabol sayo kasi maganda ka. Oh well, I won't deny the fact na marami din namang humahabol sa akin. Ambisyosa lang noh?? Marami nga kasi talaga. Sila yung mga estudyanteng pabagsak na. habol sila nang habol sa akin para mangopya. Oh diba?? Bongga?? Paghahabol narin yun eh.

"Misis swerte po ang anak nyo dahil isa siya sa nakapasok sa Pheonix University isa sa mga sikat na school yun sa Manila." Ang adviser ko ang nagsasalita. "Balita ko puro mga mayayaman ang nandoon."

"Obkors, my daughter deserbs the beast". Napapa iling nalang ako sana lang talaga swertehin ako sa university na yun at di na ako matawag na NERD.

**************

"Hoi! Walking dictionary." Sabi nang nasa likuran ko hindi ko sya nilingon, pero alam kong para sa akin yun. "Psst walking calculator lumingon ka nga."

"NERDY BITCH"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon