Banatan :"> (ONESHOT)

97 1 0
                                    

"Hoy, Yel!"

"Maka Yel ka, ah? Baket, close ba tayo? Ha, Justin?!"

"Edi, makikipag close.." Sabi niya tapos umayos siya.. "Hi, Muriel, pwede ba tayo maging close?" Sabi niya ulit na may kasamang paglahad ng kamay..

Tinanggap ko naman yung kamay niya at sinagot ko ang tanong niya,.

"Sorry, hindi pwede e." Tapos ngumiti ako..

Nagsitawanan naman yung mga kaklase namin.. Yung iba naman, nag comment comment pa.. Katulad nito..

"Hahaha, ayos yan, Cy!"

"Naks naman! Idol, idol!"

"ILabyu, Muriel Cyrene Lopez!" Sigaw nung isang lalake na kaklase ko.

Wow, ah? Number one fan lang ang peg?

"Ilabyu too!" Sagot ko naman sabay flying kiss..

Nagsigawan nanaman sila.. Ahahahahaha..

"Ahh... Tara, labas nalang tayo.." Sabi ni Justin.. Hinila niya na ko palabas..

"Ops, dumadamoves si Justin Clark Sandovaaaaaaal!" Sigaw nung tropa ni Justin.. Tinignan ko naman yung mga tropa niya. Tapos tumigil ako sa paglalakad. Napatigil rin si Justin..

"San ba kase tayo pupunta?" Tanong ko..

"Sa puso ko." Sagot niya tapos hinila ulit ako..

"Di ko na kailangan pumunta jan, matagal na kong nandyan e." Napa-smirk naman ako dun sa sinabi ko. Hahaha.

Banat siya, actually..

"Yun, oh! Iloveyou na talaga, Cyrene!" Sigawan nung mga kaklase ko, karamihan lalake.. Kinindatan ko yung isang sumigaw..

Napatigil naman si Justin sa sinabi ko.. Hahahah! Oh, ano siya ngayon?

Nagsalita si Justin, kaya natahimik yung buong klase..

"Alam mo, ang ganda mo.." Sabi niya..

"Alam ko na yun.." Kaswal na sagot ko..

"Pero, mas gaganda ka kung magiging akin ka." Dugtong niya..

Oyyyyy, bumabanat rin. Ahahahaha.

Naghiyawan naman sila..

"Hahahaha. Ano ba yang pinagsasasabi mo? Eh, di ko naman na kailangan niyan." Tanong ko..

"Para nga gumanda ka lalo.. Ayaw mo ba nun?" Confident na sagot ni Justin..

"Ano ka ba! Masyado na kong maganda.. Sobra sobra na nga e, kase matagal na kong sayo di mo lang alam." Sagot ko, tapos kinindatan ko siya..

"Yun, oh! Banat Princess!! Whoooo!" sigaw nila.

Bago yun, ah? Hahahaha. Korni. Anyway, wala tayong magagawa.. Yun ang gusto nilang itawag sa'kin.

Wait, namula ba siya?? Or it's just my imagination?

"Are you blushing?" Nagtatakang tanong ko.. Aba, e talagang magtataka ako. First time kong makita na nagba-blush siya, no!

"No." Pagdedeny niya. Tumingin pa siya sa ibang direksyon..

"Yes you are." Sabi ko, tapos nakangiting nakakaloko pa ko. Nang aasar ako, e. Hahahaha.

Napatingin naman siya sa'kin..

"Can we be close now?" Hopeful na pagtatanong niya..

"Na-uh.." Sabi ko na may kasamang pag iling iling pa.. Di pwedeng ganun ganun lang yun!

Banatan :"> (ONESHOT)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon