Biglang aalis,
Biglang darating.
Uusad, uurong,
Magpapatianod.Siksikan, sikipan.
Maluwag kahit makitid man.
Tabi-tabi, pantay-pantay
Mahirap man or mayaman.Minsan komporatble,
Minsan nakakailang.
Kahit ano pa man
Sa akin ay ayos lang.Minsan ikaý nasa harap,
Minsan namaý sa likod.
Minsan sa tabi ko,
Minsan namaý kaharap pa.May titingin,
May lilinga,
May bibitin,
May makikisama.Masarap makausap ka
Sa maiksing pagsama.
Buo ang araw ko,
Tipid man ang ngiti mo."Ma, bayad po."
Pakisuyo mo sa akin,
Inaabot kong pilit
Kahit medyo mangawit."Salamat" naman
Muling namutawi.
"Walang anuman"
Sagot kong impit.Tagos sa aking laman,
Puso at isipan,
Araw-araw kong pinanabikan,
Ikaý masilayan.Hangang kailan?
Hangang saan?
Ikaw ay tititigan
At pagmamasdan lang?Uusad, uurong
Tatakbo, hihinto
Kailan ako uusad sayo?
Kahit malaman lang ang ngalan mo.
BINABASA MO ANG
Jeepney Encounter
PoetryTorpe, tahimik.. Tinitigan lang. Sinusulyapan lang. Masaya sa maiksing salitaan, Kelan ko ba malalaman, Ang iyong pangalan?