Isa na Lang (O N E S H O T)

10.1K 312 57
                                    

Kimmy's POV

Alam nyo yung feeling na may meeting yung teacher nyo?

Tapos may naglilista ng NOISY?! OMYGOD lang diba?! as in Helloooo? HIGHSCHOOL NA KAYA KAMI.

Okay lang sana kung malilista ka lang ang kaso i-dadrop ka, At TOTOO yun di tulad na ibang school na kunyare lang.

Tumingin ako sa paligid yung iba nagtatakip ng panyo para hindi makitang naguusap sila. NC matalino.

Yung iba naman naghaharutan pero itong si Lian, yung naglilista sakin lang nakatitig.

EWAN ko ba dyan? pero sa totoo lang alam ko kung baket kasi nga SUPER ingay ko kaya nga pinaghiwalay kami ni La-------asdfghjkl

Nyeta sabing wag iisipin yung pangalan nya yan tuloy napatingin na naman ako sa kanya.

Ayun sya... nakatulala

Tumingin ako sa orasan..

3:50pm na, ibigsabihin 10mins na lang time na. Di ko maiwasang di matawa sa isip, kasunod nung ang malupitan kong ideya.

Hinanda ko na yung kakailanganin ko.

5

4

3

2

1

*RIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIINGGGGGGGGGGG*

"WOOOOHH!" sabay sabay na sigaw ng mga kaklase ko at nag-alisan na.

At ako?

Ito babatuhin na sya,

Napatingin sya, ang epic ng fes nya! pero gwapo pa din. LIKE PANUUU?

Kaya di ko napigilan.

"HAHAHAHA--"

"Sabi na nga ba." napatigil ako nung nasa harapan ko na si Lance.

"OMYGOD Lance ahahahhha---- ano na lang kaya yung iisipin ng mga FANS mo dito sa school? kung nakita nila yung epic mong mukha?!" Tumawa lang ako ng tumawa

"Pwede? huminga ka muna?" naiinis nyang sabi.

Bat ang gwapo nya kahit naiinis?

Tumawa na lang ulit ako, "Tapos pasenti-senti pa tulalang tulala!"

"TSS." Nakita ko yung pag irap niya,

Hala naiinis na sya! bat di ko ba mapigil yung sarili kong tumawa?

"HAHAHAHAHA" Oo, ako yun.

"Isa na lang t-----"

"Hahahahahhaahahhahhahah!"

"ISA NA LANG TALAGA MAGKA----------" Dun ako tumigil.

Napatayo ako ng tuwid,

"Oh ito na nakazip na nga yung mouth diba?" Kumaway na ko sakaniya at umalis na,

Alam ko kasi yung mangyayari pag tinuloy nya yun feeling ko kasi ito yung sasabihin nya 'ISA NA LANG TALAGA- MAGKALIMUTAN NA LANG TAYO'

Bata pa lang kasi kami ganun na siya, sana makalimutan niya daw ako and etc!

Oh diba ang sakit nun?

Di nya naman kasi ako napapansin pag hindi ako nagpapansin kaya kung ano-anong ginagawa ko mapansin niya lang ako.

Kahit nga KAIBIGAN nya ko parang STRANGER lang ang tingin nya sakin kaya ako na lang yung nag-uumpisa ng conversation.

Andito ako ngayon sa library. Nagbabasa malamang alangan namang nag gi-gimmegimme ako dito diba? Teka laos na nga pala gun twerk na lang, sige na nga nae nae na lang.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 03, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Isa na Lang [One Shot | COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon